January 22, 2013

Buhay SOLO muli.





Narinig kong sumisigaw na sister ko na bilisan ko daw. Mag-a-ala una Y medya na yun ng hapon. Nagmamadali na ko sa pagkilos at pag check ng mga kailangan kong dalhin. Chineck ko ang dalawang malaki kong maleta, naglagyan ko na ito ng name tag ko at ng green na ribbon para madali kong ma spot-an sa conveyor kapag nasa airport na ko sa gitnang silangan.

Isa yun technique na natutunan ko dati, sa dagat ng pare-parehong maleta at kulay ang hirap hanapin kung alin ang sa iyo. Hindi na rin uso ang paglalagay ng malalaking letra ng name at address sa maleta mo. na kahit nasa malayo e mababasa mo. LOL kaloka lang yun!

Tinimbang na din ng tatay ko yun mga bagahe ko. Wala pa daw 40kilos sabi nya. Sayang sabi ko. Nakapamili pa sana ng mas madami. Para mas madami akong dalang food at pasalubong sa mga kaibigan pabalik.

Nagdala ako ng itlog na maalat (typical na pasalubong haha) kaunting longganisang baboy. Binagoongan na may maliliit na baboy at taba sa sahog. Ilang delata ng pork sisig, at  reno liver spread. Oo alam ko iniisip nyo. Di ba bawal baboy dun?

Bawal nga! tseh!

Pero may dala pa din ako. Hindi naman kasi gaano mahigpit dun sa airport namin. hihihih

Bitbit ang passport at ticket at OEC na isisilid ko sa bag ko. Nagmamadali na ko lumabas ng bahay papunta sa nag hihintay na Van. Muntik pa ko matapilok sa taas ng takong ng stiletto na suot ko. charot! Kami kami lang mag anak ang nasa loob. Medyo malungkot na ko nun papunta palang kami sa airport. Kandong ko ang one year old kong pamangkin at nakikipaglaro. Siya ang higit kong mamimiss sa aking muling paglisan.

5:25 ng hapon ang flight ko. Dumating kami sa NAIA ng lampas alas-tres. Malakas loob ko kasi nakapag online check in naman ako at nakapamili na din ako ng uupuan sa plane sabi ko sa sister ko na panay ang ngawa na sobrang late ko na daw magcheck in haha.

Naayos ko din ang passport ko na nagkaproblema nun nakuha ako ng OEC. Kailangan ko pa mag extend sa bakasyon ng 6 days pa dahil dito. Ayaw nila ako bigyan. Kasi daw less than 6 months nalang e pa-expire na daw ang passport ko. May ganun palang rule! Hindi ako informed! tseh!

Dapat daw ni-renew ko na nun dumating ako nun december one sabi nun nakausap ko sa DFA. Sa isip isip ko. Mahadera kayo busy ako nun sa mga boys, boys, and boys. Chos!

Pinayagan nila ako i-extend ang due date ng pasaporte ko ng another 2 years. Basta maipakita ko lang daw ang contract copy ko and Visa. Nagbayad ako ng 400 na alang resibo sa processing ek ek ata. at another 200 sa mismong fee talaga at yun ang may resibo. Kaloka.

Pero ok na din atleast naging 46 days ang bakasyon ko! haha. Ubos nga lang pera ko. Said na!

Grabe lang ang tao sa NAIA nun araw ng alis ko. Jusme. Punong puno! Isinakay ko ng troley ang bagahe ko at nagpaalaman na kami. Isa isa kong niyakap ang familia zaragosa. Hindi naman ako naiyak. Medyo nanikip lang dibdib ko. Yung pakiramdam na ayaw mo na umalis ng Pinas. Yun parang gusto mo dun nalang sa piling nila.

Pero dahil matatag ako at nanaig ang tawag ng kwarta sa middle east, tinulak ko papasok ng erfort ang mga dala ko at di na lumingon pa.

Dumiretso ako sa OFW lounge kung san kelangan pa stamp-an ang letseng OEC na kelangan daw iverify pa na pahirap sa mga lilipad na. As if naman pwde pa dayain yun. Tigilan nga nila ko. *init ng ulo* LOL
Nakakainis lang na ayaw naman nila ipapasok ang bagahe ko dun sa area na yun. E alangan naman iwan ko yun basta sa labas noh? hello andun kaya mga itlog na maalat ko. e kung mawala! tseh hahaha

Lumabas pa ko ulit at tinawagan ang sister ko na bumalik muna sa may entrance at bantayan ang maleta ko habang nagpapa validate ako ng OEC. Buset na buset na ko nun. LOL

Henyway, madali naman ako nakapag check in ng mga bagahe since nakapag checked in online na ko ala na masyado mahabang pilahan. Kaso inabot ako ng lampas isang oras sa immigration! jusmio marimar! pawisan na ko. Naka longsleeves pa naman aketch!

5:05pm narinig kong mag tumatawag ng: "Sino po ang mga pasahero ng Qatar Airways?...boarding na po... boarding na po..."

Jusko! kinabahan naman ako ng slight hahaha! baka maiwan aketch! kinuha naman niya yun boarding pass number ek ek ko. atleast alam nila na andun ako sa erfort di ba. Winnur kasi talaga tao sa naia nun time na yun kaya muntik na ko malate. By 5:15pm humahangos na ko papunta ng eroplano ko! hahaha! by 5:25pm nakaupo na ko! ahahahahaha!

Success!

Pansamantala ko tuloy nakalimutan mag MMK moment dahil sa pagka stress ko sa Immigration! kaazar sila! Gutom na gutom na ko nun umaandar na yun plane. Inip na inip na ko maghain sila ng food. Kaso nabigo ako una inihain e nuts and juice! LOL

Nun nag hain naman sila ng dalawang beses e medyo natuwa na ko at nabusog na ko. Masarap naman ang foods at nakain ko lahat hahaha *rated PG* lang ang peg ko ganyan. Sa buong more than 9 hrs na byahe e naka apat na movie ako at naka sampung balik balik sa CR! hahaha! Kasabay ko din pala ang BFF ko na si Fatima sa plane kaya medyo enjoy din ang byahe ko.

Sobrang lamig sa Dowha nun makalabas na kami ng plane. Jusko tagusan sa jacket namin! Sunundo kami ng isa pang kaibigan na si Emerson *radiationboys* at ihinatid kami sa kanya kanyang bahay namin.

Binuksan ko ang pintuan. Binuksan ang mga ilaw. Alas dos na yun ng madaling araw. Nun mailapag ko ang aking mga gamit sa kwarto ko dun ko muli naramdaman ang lungkot. Andito na nga ako muli. Buhay solo na naman. Napatitig ako sa mga maleta ko.

Nag umpisa na agad ako ma home sick. I feel like crying pero ayaw lumabas ng luha. Nakakainis lang na feeling. Parang gusto ko na umuwi agad ng pinas. parang biglang natatakot ako mag isa muli.

Sabi nila mas OK daw na iiyak nalang kapag nakakaramdam na ng homesickness. Kaya naman pumasok ako sa banyo at humarap sa salamin. Pinipilit ko umiyak. Kaya lang natatawa ako sa itsura ko. Di bagay e! Mukang engot lang ako! LOL

Inayos ko ang mga gamit ko nag umpisa mag un-pack ng bagahe pero di ko matapos. Wala ako sa mood. Sinubukan ko matulog pero nananatili lang akong gising kahit antok na antok na. Haist. May duty na ko muli kaya pinilit ko magpahinga.



Laking tulong ng work at mga kasama sa trabaho. Mabilis kong nalabanan ang lungkot. Ngayon ay nakaka anim na araw na ko dito sa middle east at masasabi kong I'm back to being "ME" again. Fully functioning na mga programs ng kalandian ko sa katawan at turnilyo ng kaharutan. LOL

Madami akong nami-miss and I'm looking forward to seeing you guys soon :-)

15 comments:

khantotantra said...

parang doctor ang look mo sa pic.

hay... kung ang kinikita mo dyan sa abroad ay tulad ng kikitain mo dito sa pinas, im sure, you will stay here dito sa bansa natin. :(

Dibale, mabilis naman daw ang taon.... darating din yung time na uuwi ka na muli

KULAPITOT said...

waaaaaaaaaaaaaaaah , sa smile pa lang parang ang cute mo na tlga ... anlandi lng ng peg mo .. natawa me much sa mga kwento at eksena sa buhay ... mamimiss mo ang pinas kasi iba pa din dito ... waaah sana matuloy ang abroad kme ko ngayong taon dyan sa doha para sa qatar airways para makita nmn kita sa personal at makapag chikahan sayo! #feelingclose?

Michael said...

kakalungkot nmn nito kuya

Archieviner VersionX said...

Nalulungkot ako habang binabasa ko to. Nauunahan ako ng homesick ng pagbalik ko dito sa NC. Hahaha. Buti nalang nakakatawa kang magkwento.

Salamat dahil shinare mo ang katangahan mong ginagawa sa Pinas para hindi ko maulit. dyuk lang!

Nice tips eto lalo na sakin na uuwi din sa Pinas. Di lang uso dito ang pagbabalot ng mga baboy. Meron naman kasi dito.

Henyways, LOL ingat ka dyan mac. It's my turn naman na ienjoy ko ang bakasyon sa ating bayan.

Ingats lagi. See u online :P

Anonymous said...

Hongdramaaaa, pinilit talaga umiyak? Anong nangyari nung naghugas ka ng pinggan? haha

See you next year ulit, Mac!

(Suggestion lang, next time, pink ribbon naman ang itali mo sa maleta para bonggang bongga.)

MEcoy said...

well kahit san naman ay may makikita kang kaibigan natural na sa pinoy yan
buti madali na sayomag adjust

Mac Callister said...

@khantotantra--hahaha para lang! pero di doctor. uu nga e. mas masarap pa din sa atin kahit papano. kaso mukhang matatagalan bago umasenso ang mga pinoy sa pinas

@kulapitot--hahaha sa smile lang yan! wow may apply ka sa qatar airways? sana nga para kita kits tayo dito :-)

@michael-- uu sa una talaga. sanayan lang din...

Mac Callister said...

@archie--hahha oa mo naman ienjoy mo muna bakasyon mo, saka ka magdrama hahaha. hahaha oo kaya wag mo tularan mga nagyari sa kin jan haha check mo mabuti mga documento mo hehehe at lagi mo dalhin copy ng contract mo just incase...

@will--hahaha pang mmk talaga noh. at di ko na sinabi un dito kasi nakakahiya hahaha. ayoko ng pink baka isipin nila bakla ako! charot! hahaha

@mecoy--true at happy ako n madami akong friends dito :-)

filchiam said...

balik na muli sa duty. buti naman at hindi na 40 days yung bakasyon mo. start the countdown na ulit. i'm pretty sure i will have the same airport experience sa manila. ingat!

Anonymous said...

Na miss kitang bigla Mac.

Thanks for being my friend and for sharing your time with me.

--M from the South

c - e - i - b - o - h said...

welcome to brunei!!!!!

Deej said...

You can do it kuya! Tiis tiis lang. :)

Thanks for visiting my blog!

Anonymous said...

kailangan talagang humarap sa salamin para umiyak? lakas maka judy ann santos.. hahaha.. anyway, there are sacrifices that we have to make... for ourself and for our loved ones.. but never think of it as an obligation.. think of it as a blessing.. that you have a job and capacitated to help them... yes, its hard (life of an OFW) but that's just life.. we just have to embrace everything life has to offer.. ingat ka dyan macmac... andito lang kami sa tabi tabi.. papalakpak habang rumarampa ka pabalik... go!!! spread your magnificent wings.. soar high!
-exhumed_angel;)

Drama King said...

Mabilis na yan! Enjoy mo lang ang mga panahong nandiyan ka tapos happy happy ulit kapag uwi mo :)

Unknown said...

OFW OEC Online Form http://ofwteki.p.ht
just want to share para di na tayo mahirapan magfill up ng mga forms