Nagising akong nakadantay ang binti nya sa hita ko...
Jusko po, ang bigat. Puro pata ba naman. No wonder nagising ako, baka nawalan na ng circulation yun part na dinantayan nya. LOL
Dahan-dahan ko itong inalis. Tulog na tulog pa din siya.
Si Brian.
Naramdaman nya ginagawa ko. Yumakap pa siya lalo sa akin haha. Patay. Pero alam kong gising na si tanga.
Tinignan ko ang oras. Alas-otso palang ng umaga. Weekend ngayon, wala siyang pasok sa school kaya dito siya natulog sa bahay namin. Gaya ng ilang weekend na nagdaan. Ilang buwan na nga ba kami? 8months? yeah. Siya lang nakatagal sa akin.
Sanay na din pamilya ko na bigla nalang susulpot si Brian sa doorstep namin at may bitbit na mga damit nya. Or wala nalang sila nagawa dahil matigas talaga mukha ni tanga? LOL
"anong oras na ba?" narinig kong sabi nya sa may tenga ko.
"alas otso, maaga pa..." sagot ko
"gutom na ko" tumawa siya.
Napasimangot ako sa naamoy ko.
"ilayo mo nga bibig mo sa kin, ke baho ng hininga mo e..." mahina ko siyang tinulak.
"hongyabang mo! ito sayo!" galit galitan. at di ko iniexpect sunod niyang gagawin...binugahan niya ko ng fresh na fresh nya from waking up breath!!!!
Napatili ako pag iwas! ang lakas ng tawanan namin. he's trying to control me under his body para sagap na sagap ko ang mala-air freshener nyang hininga. Gumanti ako, di pa din ako nakakatoothbrush nun oras na un kaya patas lang laban! pagbuga ko may kasama pang ilang talsik ng laway! hahahhaa
""kadiriiiiiiii" siya naman napatili this time
Hanggang sa pumasok sa loob ng room ang noon ay 4 year old palang na newphew ko.
"ninong ano ginagawa nyo?" inosente nyang tanong. Sabay join sa bed na kinakahigaan naming dalawa ni Brian.
"Lika dito Carl, wag ka jan sa kuya Brian mo. badbreath pa yan" sabi ko
"tseh! yabang mo ikaw din naman di pa nagsisipilyo a" niyapos niya si carl at inihiga sa gitna naming dalawa. Hanggang sa mag usap na yung dalawa ng kung ano anong walang kakuwenta kwenta hahaha.
Pinabayaan ko nalang silang dalawa tutal ay sabik din naman si Carl makakita ng ibang bisita sa bahay. At di ko maitatagong close na siya kay Brian. Naaliw na lang ako pakiramdaman silang dalawa habang nagtutulog-tulugan ako kunyari.
***
Mag aapat na taon na ang nakakaraan mula ng mag hiwalay kami ni Brian. Pero nakakatuwa lang na parte pa din siya ng buhay namin mag anak. Tuwing uuwi ako kada taon sa bakasyon ko. Hindi maaring mawala ang presensiya nya sa bahay namin. Hinahanap ko din siya na ewan ko ba. We have this unexplainable bond. Pero tuwing sa amin siya mag stay ay wala naman nangyayari. Sabi niya nga, mas ok na yun. At masaya ako kung ano meron kami.
At magkakasama kaming magbabakasyon sa Coron, Palawan ngayon nalalapit kong pag uwi muli :-)