August 27, 2012

Solo Flight


Simple lang ang buhay ko dito sa Doha City, oo nasa middle east ako, madaming takot pumunta at mag trabaho dito, ganun din ako noong una. Sino ba naman ang hindi, andami nating naririnig na istorya na hindi maganda about sa mga kababayan natin dito.

Solo flight akong naglakas loob na magtrabaho dito. Nakaka frustrate kasi sa atin minsan. Pagod na pagod ka na tapos yun lang sasahurin mo. Nakakainis pa mga nasa gobyerno.

Bukod sa mainit na panahon kapag summer dito na umaabot ng halos 45 degrees ay wala na ko mairereklamo pa. Ay! meron pa pala yun nakakainis na censorship, di tuloy ako makanood ng xtube! LOL at kapag -VER months naman ay nagtatag lamig na ng sobra! pero ala naman yelo, chosera kayo.

Pero since madami naman proxy na magagamit, nakaka download pa din ako sa ibang site (libog! hahaha) Pero oy, normal yan sa nag aabroad, magtanong ka sinong nag aabroad ang di nag poporn at nag babate, babatukan ko! char

Hindi ko akalain na mae-enjoy ko ang buhay middle east. Plano ko nun una ay tapusin ko lang ang tatlong taong kontrata tapos ay yun na. Pero heto ako ngayon, goin on my fourth year and I'm planning to stay for another 5 years.

Siguro dahil madalas mas gusto ko mag stay sa bahay, manood ng movies, mag internet magbasa basa ng kung ano ano at higit sa lahat adik ako sa tulog, kaya siguro swak na swak sa lifestyle ko ang dito mag work. Madami kasi ang nagsasabi nakakainip dito sa bansang ito.

Meron naman mga night clubs and bars dito. Madami din malls, sinehan. Napuntahan ko na din ang iba sa kanila. Pero madalang lang, since hindi naman ako pala inom ng alak hehe.

Hindi mo din kasi halos mami-miss ang pinas, kasi andaming pinoy! jusmio! kung gano kadami ang Indian ganun din kadami pinoy! nyak!

At since madami ang pinoy, nagkalat din ang mga pinoy restaurants at products haha, one time nga nasa jollibee ako dito, may lumapit na pinay at nagtatanung baka daw gusto ko bumili ng kakanin sa kanya, may kutsinta, puto, palitaw at biko daw siya. O da vah? winnur!

Malay natin, next time may mag tanong naman sa kin if gusto ko ng lalake at mura lang, why not coconut! charot lang! haha

Masarap na mahirap ang buhay solo sa ibang bansa, pero somehow na eenjoy ko yun independence e, ako mag grocery, mag handa ng kakainin, although madalas nagpapa deliver nalang ako!

At pwdeng pwde mag uwi ng lalake sa bahay! LOL!

Pangalawa, wala ang tatay ko! hahaha! Kung matagal ka ng follower ng blog ko, alam na alam mong allergic ako sa tatay ko. Kaya tama na yun isang buwan bakasyon sa pinas kada taon, kasi saglit ko lang siya nakikita at less time para mag away kami. ewan ko di ko masakyan ang trip ng tatay ko. Nakaka stress! Jokeeee!

Kampante ako dito kesa nun nasa pinas pa ko. Zero crime rate kami, o diba? hehe. Hindi ako worried na mahablot or madukutan ng mamahaling cellphone or gadget habang nasa daan or kung san man public areas ka. Importante kasi yun e. Yun relax ka lang. Yun wala kang intindihin na masama.

Kaya naman ang mga pinoy dito ay todo postura at display ng mga gamit, bakit hindi, kaya naman nila bilhin e hehe. Wala pang tax! grabe yun! ito pinaka importante sa lahat! tax free ang sahod mo! naalala ko pa nun nasa pinas ako, grabe ang kaltas sa tax ng kapiranggot kong sahod! kaloka. wala ng halos extra pang date at pang lalake! charrr

Masarap sa pakiramdam na sasahod ka ng tama, sasahod ka ng sobra sa pinag paguran mo, madalas kasi petiks lang ako sa hospital haha, feeling ko luging lugi ang management pagbabayad sa akin! LOL

Higit sa lahat masarap makatulong sa pamilya, kahit ngayon na may health problem na kinakaharap ang pamilya namin, kahit papano, nagpapasalamat ako andito ako sa middle east at nakakatulong kahit kaunti. Hindi biro ang may sakit sa pamilya, na stretch na namin lahat ng resources and kulang pa. Pero alam ko di kami papabayaan ng diyos :-)

Wala naman hindi nakukuha sa pag dadasal di ba?

12 comments:

Anonymous said...

Swak na swak sakin ang mag abroad...kasi matagal na rin akong nagsosolo dito sa Pinas.

perverted_mind

MEcoy said...

want ko din mag abroad

Mac Callister said...

@yocco-- oo ako din noon, sanay na, kaya din sigruo di ako nahirapan sa adjustments nun bago palang ako hehe

@Mecoy--apply na. dito na din sa amin para kita kita! LOL

Désolé Boy said...

A lot of people are convincing me to work abroad. But I know I can't. Aside from the fact that I think it is already enough that the Middle East took away my father and the chance for me to have a normal childhood, my fight is here in the Philippines. Yes, this country, after all, despite being a shit hole compared to many first and second world nations, is home to people I want to people. Siguro nga kaniya-kaniyang laban lang 'yan. And you chose your own there. Good luck!

Anonymous said...

ngayon lang ulit nakapagbloghop at buti naman matino ang nabasa ko dito. LOL!

lalaki lang naman ang reason kung bakit enjoy na enjoy ka dyan. yun lagi bukambibig mo sa twitter eh. bwahahaahahhahaahah!

KULAPITOT said...

mac gusto ko din mag abroad .. pa apply namn ;) seryoso ako ...

Unknown said...

tumatakbo na rin sa utak ko ang pagaabroad. kaso di pa sapat lakas ng loob ko hehe. basta bago ako magtrenta lalayas na muna ko sa pinas. feeling ko kasi di ako makakaipon dito.

kahit naman siguro wala sa abroad, normal na ang pagbisita sa porn wahaha. =D

Mac Callister said...

@deebee--naks ang makabayan naman ni papa DB hehe...pero tama ka kanya kanya naman tayo desisyon e, at kung tayo tingin natin magiging masaya dun tayo. 5 years naman ako nagsilbi sa isang ospital sa pinas so, cguro tama na muna un bilang kontribusyon ko sa society hehe, its time na bigyan ko naman ng chance sarili ko to grow and makaipon, tsuuuup!

@supladito-- chosera ka ang lakas ng tawa ko nun sinabi mo buti matino naman nabasa mo now! hmmmp tse!

at saka bonus nalang yun mga boylet dito haha andami kasing cutie di ko mapigilan! LOL

Mr. Tripster said...

Nakakalungkot nga na mas nagugustuhan pa natin tumira sa ibang bansa kaysa sa sariling bayan natin.

Pero kahit gaano ka ganda ang ibang bansa, mahirap mapawalay ang laman, dugo, at kaluluwa ng isang Pilipino sa tinubuang lupa.

I've been here in Italy for 12 years. Sabi ko noon pagdating ko dito hindi ko na yata ma-miss ang Philippines. But after more than a decade here (walang uwian talaga), hinahanap-hanap ko pa rin.

Maybe because I'm getting bored here and need some a bit more action. May matinding action ba sa Pinas maliban sa mga artistang nagwawala sa airport at mga life-threatening executives sa daan?

Sigh... ewan!

Mac Callister said...

@kulapitot--apply ka na dito sa amin! hhehe ok dito :-0

@laughing cow--uu ganyan din inisip ko nun e, ala maiipon sa pinas. soon dapat mag plano na ng para sa future :-)

@mr. tripster-- OMG ang tagal mo na pala di nauwi! kaloka yan!!! uwi ka muna at magbakasyon!

mr.nightcrawler said...

Halos isang oras na rin akong nagbaback-read sir maccallister. Grabe pala ang buhay ofw at buhay pag-ibig ninyo. hehe. Sana mahanap niyo po yung hinahanap niyo sa buhay. At siyempre, sana lumaki pa lalo sweldo niyo. hehe

Jag said...

Nakakalungkot ang buhay OFW...kaya dapat haluan ng spice ang pangingibang bayan...Prayer is powerful. God bless!