August 4, 2012

Karamay



Ilang araw na din namin pasyente ang dad nila. Andami nilang magkakapatid na lalake. Pito ata sila. Magagandang lalake pa!

Lokal silang taga dito. At kumpara sa ibang lokal, mababait sila. Hindi sila rude, hindi mayabang, at hindi mapangmata ng kapwa.

Marami kasing lokal na palibhasa mayayaman, at andito sila sa pinakamayaman na bansa sa mundo, nag iiba na ng ugali. At dahil mapera, yun iba hindi na nag aaral. Mangmang na. At sila ang may pinaka karumal dumal na pag uugali haha!

Naranasan ko pa nga habang nagra-rounds sa ward last time, nakaupo yun lalakeng kamag anak, inuutusan ba naman ako kunin ko daw sa hanger yun damit niya in his arab language. E ang lapit lang sa knya, isang tayo niya lang ayun na makukuha na niya letseng damit niya!

Hindi ako makapaniwala. Mukha ba akong utusan niya? Naka white coat naman ako at scubs, may stet sa leeg, napapailing ako. Kunyari di ko siya maintindihan. Kaya dinedma ko ang hayuf. LOL

Akala mo pag aari nila lahat ng expat. Pero madami pa din naman palang edukado at maayos ang ugali. Isa na ang pamilya nila.

Comatose ang dad nila. Nag arrest siya at andito sa ICU namin, panget ang prognosis sa knya. Pero we're still giving him all medications and treatment.

Ang punto ko lang, dahil sobrang babait nilang magkakapatid, magalang sila magtanong sa amin, they trusted us, mas magaan magtrabaho. Mas bukal sa kalooban namin yun araw araw na tasks. Yun wala kang feeling of imbyerna kasi annoying ang relatives. Walang ganun.

Kaya naisip ko somehow, a bunch of nice relatives, gives us a nice day at work. Mas nagagawa mo ng maayos ang trabaho. Di ko sinasabi na nawawala quality of work namin, pero iba pa din kasi na alam mong hindi ka mabubuwisit sa mga kamag anak.

Kahit busy, kahit stressful ang shift, kahit mangulit sila, hindi mo magagawang magsungit e. Kasi ikaw ang mahihiya sa kanila.

Kaya naman nun dumating ang gabi na nag code blue kami sa dad nila. Andun sa loob yun isang anak na lagi nakabantay sa dad niya noon. Nagdadasal sa isang sulok. nagsusumamo kay Allah...napapatingin ako sa knya ng ilang beses dahil nararamdaman ko fear nya of losing their beloved father.

Nun tingin nya wala ng nangyayari sa paulit ulit namin pag shock at pag CPR, unti unti siyang parang nauupos na kandila...unti unti gumagaralgal ang boses na nag dadasal...hanggang sa maging hikbi...maging hagulgol...

Ang hirap kasi mag concentrate na may nakikita kang ganung eksena. Hindi kasi siguro ako sanay na ganun siya...i always see him as matatag, malumanay, composed.

Nangingilid na luha ko nun. Pinipigilan ko. Kasi I need to do my job. Pero shit naman, tao lang ako. Konti pa feeling ko tutulo na luha at uhog ko!

Sabi ko sa katabi kong pinoy na nurse, teka muna I need a breather. Nadadala ako pagdadalamhati niya. Lumabas lang ako saglit ng 5 minutes. At saka muling bumalik. After an hour and a half. We pronounced him dead.

Dinig sa buong ICU ang lakas ng hagulgol nila. Malakas na nakakabahala. Natatakot yun ibang pasyente. Kaya naman kelangan pa palabasin ng guards yun iba. Pinakiusapan na to keep it down without being insensitive.

Naglabasan kaming lahat sa kwarto at isinara ang pintuan to give way to their mourning.

Naisip ko, kaya siguro nadadala ako sa emosyon ko kasi, lagi ko nakakausap ang mga anak nun patient, how they treated me nicely and politely. Kaya naman siguro nakaka relate ako sa pinag dadaanan nilang sakit ngayon. Somehow in a short period of time, I become friends with them.

Napatunayan ko na...Kapag mabait ka sa kapwa mo, masusuklian ka din ng kabaitan. At magge-gain ka ng mas maraming kaibigan at karamay.

11 comments:

Anonymous said...

Grabe talaga buhay ospital. Di talaga maiiwasang maattach sa mga tao..

Ang lungkot ng nangyari. :(

MEcoy said...

naalala ko tuloy ung lola ko huhu
ambabait pa sakin nung mga nurses nun

KULAPITOT said...

kaya ayaw ko sa mga gnyan kasi may paalam moment hai ....

ZaiZai said...

ang sad naman..buti kahit paano nakakaya mo mac..bilib ako sayo!

tama ang sinabi mong huli, dapat mabait ka sa kapwa..kaya wag kalimutan ang pasalubong namin ha?! hehe just kidding!


hugs my friend!! :*

lateadventurer said...

Mare< naka-relate ako dito sa post na ito.. I salute you men and women, and some in-between (me ganun?), for your task in saving other's peoples' lives...

bien said...

mygahd Mac, siguro more than thrice nakong nagtaray sa hospital nung naka-confine tatay ko- twice sa nurses (uu in plural form LOL), once sa pharmacist.
sorry naman, stressed ako nun. sushunga-shunga kasi sila

ardee sean said...

awww.. kakalungkot.. sa mga panahong ganyan, kelangan ng karamay.. at bilib naman ako sa mga nasa ospital dahil hindi lang ung trabaho nila ang nabibigay nila kahit pagiging kaibigan eh handa sila ibigay.. akalain mong halo halong emosyon ang meron jan pero nakakaya pa rin naman yung iba na maging malakas ang loob, maging karamay at lahat na.. sana ipagpatuloy nyo ang ganung gawain.. :)

Mr. Tripster said...

It's nice to know na sensitive pa rin ikaw sa mga ganitong klaseng bagay. I know someone na nagtatrabaho sa ER, araw-araw ba kasi siya nakakakita ng mga eksena ng namamatayan na naging parang passive viewer siya ng isang melodrama na teleserye. Sometimes he would just laugh, minsan ma annoy pa dahil pabigat daw sa trabaho at hindi maka abante sa ibang pasyente.

Anyway, small seeds of charity would eventually grow into a tree and reward you fruits of love and care.

Buon lavoro!

Mac Callister said...

@will--salamat sa comment papa will, tsup! hehe

@mecoy--may mababait naman staffs, pero mas mababait sila kapag mabait din ang relatives hehehe

@kulapitot--oo nga e, mabigat ang eksena sa ospital. and hospital ay hindi magandang paglagyan ng mga mahal sa buhay.

@zai--sanayan na lang, ten years ko na kasi ginagawa to haha tanda ko na. oo ano bang gusto mo pasalubong????

@late adventurer--haha salamat mare!

@bien--hahaha ok lang yan. pero mas ok kapag mejo hinay hinay sa staffs, sa knila kasi nakasalalay ang lahat. and also prayers :-)

@ardee--ang sweet naman ng comment mo hehe. salamat sa pagdaan :-)

@mr.tripster-- oo minsan nga balewala nalang sa kin. itong mga ganitong pagkakataon lang at minsan na minsan lang ako nakakaranas ng lungkot.

victormanalo said...

nice story po...

sm said...

congrats
for 2 years