July 13, 2012

Exclusivity


Nagmamadali akong makasakay ng taxi. Late na naman ako. Nakakahiya sa knya. Bulong ko sa sarili ko, unang gabi palang sablay na ko agad.

Kabado, namamawis ang mga palad ko, ganyan ako kapag medyo tensyonado. Pero may halong excitement siyempre.

Halos dalawang taon din ang nakalipas bago ako muling nagkipag-date. An actual date. Hindi sa kama ko muna bago ko pa inalam ang pagkatao niya. This time, we wanna make it right. At the right place and right time. OO anglakas lang maka dalisay at wagas na wagas ng pagtrato namin sa isa't-isa. Charrr.

Napapangiti ako kapag naaalala ko ang masaya at minsan korni'ng usapan namin sa skype for two days. Ang kulit lang. hehehe.

Sabi ko sa mga kaibigan ko, this is it! Siya na ang matagal ko ng iniintay. Na sinuklian lang nila ng pagtawa at pag ookray! "yan ka na naman! Narinig na namin yan!"

Niyaya ko siyang mag meet na at magdate dito sa SushiMinto. A japanese restaurant na kakabukas palang last month. I've heard so much about the place. And I love sushis :-)




Kinse minutos akong late. Potaena. Inis na inis ako sa sarili ko. Andun na daw siya sa table sa taas. Pagpasok sa resto agad ko siya hinanap...pero instantly kahit first time palang, kahit nakatalikod siya mula sa akin, alam kong siya na yun. (oo kasi, siya lang naman ang walang kasama sa table, so malamang siya na nga yun! TOINK!)

Nilapitan ko siya mula sa likod at hinila ko ang upuan sa tapat niya...

Hi, JJ...sorry I'm late.

Nagtaas siya ng paningin at sinalubong din nya ng matamis na ngiti ang haggard kong itsura. LOL. Nakakatunaw ang smile niya. Sa webcam palang yun na ang agad kong napansin sa kanya noon.

Ok lang yun. Nice to finally meet you Maki...

He calls me maki, para daw siya lang tatawag nun sa akin. Like he owns me. Char. Iniscan ko siya ng mabilis. He's about 5'5 din, mejo chubby. Moreno. Nakaeyeglasses. Nerdy-looking-guy...yes! love it! Naka white shirt siya at decent jeans at topsider shoes na walang medyas.



Oo, alam ko iniisip nyo, talagang tinignan ko get up nya haha. Hindi kasi ako mahilig sa gwapo, basta maayos manamit. Maayos magdala ng sarili niya, turn on na sa kin yun.

Nag order na kami. Its sunday kaya naman its sushi madness sa restaurant sabi nun pinoy waiter. Its unlimited sushi hahaha. Naloka ako andami. Hindi pa namin nauubos yun isang plate may parating na agad na panibagong batch! Ke-sarap ng kain namin.


first plate


second plate namin


at ito yun third plate na request namin na pare pareho nalang, I love its crunchyness of the salmon kasi on this sushi


nagpapanggap akong marunong mag chopsticks!


Masarap siya kausap, nag eenjoy ako makinig sa knya. Tinititigan ko yun lips niya. May kasalukuyan siyang kinukwento nang walang ka abog abog sinabi ko: Ang cute mo.

Napatigil siya magsalita at biglang napahiya. Nangingiti na ewan haha. Kinilig daw siya. "mac, wag ka nga! patapusin mo na tong kwento ko kasi..." maktol pa niya.

"Bakit pala dito mo ko dinala?" tanong niya.

"Siyempre, gusto ko maganda naman ang place di ba? At saka parang special kasi dito...parang ikaw" naks! bumanat ako haha.

Maganda yun ambiance nun kainan. Mejo dim ang light, at may red lamps pa on the ceilings, buti nalang dito kami nagpunta, it kinda feels na we're on a romantic date. Everything else was great.

"E ano nga ba to?" he asked.

"what do you mean?"

"itong ginagawa natin ngayon?" sagot nya.

"e di nagde-date tayo. Anupaba? bakit mo tinatanung?"

"wala, para malinaw. Gusto ko lang i-confirm na date talaga to and not anything else" sabay ngiti niya.

"kelan ulit tayo magkikita Maki?" he asked again. And this time di ko na need manghula kung gusto ba niya ko. Im sure na. He wanna see me again. Its a great sign. Nasiyahan ako sa tinutungo ng date na ito. Dumating ako kanina na kabado at di sigurado kung magugustuhan nya ba ako or what.

"tignan natin, usap usap nalang tayo lagi" sagot ko. Pakipot?LOL

"sana off ka din tuwing thursday or friday, para we could spend the day sa off ko..." sabi niya.

"oo nga e, lagi kasing sunday ang request offs ko. Pero we will see next month, mag sabi ako sa boss ko if mapapagbigyan niya ko na magpalit ng offs".

Pilit ko itinatago ang kilig na nararamdaman ko nun mga oras na yun. Masarap lang sa pakiramdam na alam mong pareho kayo ng gusto. Gusto ko din siya kasi makasama tuwing off ko. Gusto ko pa siya makilala ng higit pa.

Madami kaming nai-share sa isa't isa. Pamilya. Trabaho. Mga plano niya sa buhay. Mga past relationships namin. Mga hinahanap namin sa isang karelasyon, at masasabi kong we're on the same page.




Pagkatapos ng lampas dalawang oras at 3 malalaking plate na puno ng sushi, nagdecide na kami umuwi. Inalok ko siyang mag stay na ng gabi sa bahay ko, pero tumanggi siya kasi maaga pa siya mag pasok kinabukasan.

"ayaw mo talaga? ikaw din, unlimited kissing yun sa bahay ko" biro ko pa sa knya. Nakita kong parang natitigilan siya na parang gusto nya na ayaw nya. Nagtatalo isipin nya haha. Kahit na medyo totoo naman yun, wala akong nais gawin kanina pa kundi ang mahalikan siya. Pero maigi na din na next time nalang. Masyado pa rin naman maaga para dun. Ayaw kong mabigla siya. OO marangal na ko ngayon ate charo. Charrr!

"next time nalang talaga Maki. Maaga ako bukas. Malayo pa ako from the city alam mo naman hehe. Wag ka sana magtampo"

Isinakay ko siya ng bus pauwi. Nag paalaman at nagpasalamatan at nangako na muli pang magkikita soon.

Kinabukasan paggising ko isang text agad mula sa kanya ang nareceived ko. Napangiti ako. At excited akong nag reply sa knya.

Nun muli kaming mag chat sa skype kinagabihan, napag usapan namin yun dinner at kung ano ano ba impression namin sa isa't isa. nakakatawa kami, silly ng mga topic. pero nakaka kilig pa din malaman mga sagot niya.

"I like you Maki and I do hope you know that"

"naks naman. Ako din naman ganun din sa yo"

"kita tayo ulit JJ ha?"

"talaga? kelan?" tanong niya

"sa thursday night, napalitan na yun duty ko kaya naging off na ko hehe"

"talagang nagawan mo ng paraan ha?" sagot niya

"haha nagkataon kasi pagpasok ko kanina sa duty, pagcheck ko ng sked naiba na naman duties namin. nag adjust kasi kulang ng tao. Yun naging free ako sa thurday and friday".

"Wow talaga naman! Ok then. Kikita tayo sa thursday pero may condition ako Maki..."

"At ano naman kaya yun aber?" kinabahan ako

"can we move forward as exclusively dating? you know what I mean..."

"what's that mean?? bf na? lol" kunyari di ko na getz haha. Drama lang ganyan.

"we focus on each other...no more entertaining someone else ganyan..." paliwanag ni JJ.

"ah yun lang ba? walang problema sa akin yan, gusto mo pa tayo na ngayon e! LOL Para bakod-sarado na e! hahaha" patawa ko pa.

"waaaa! bilis naman nun! express.net ba ito?lol pero maki, seriously, wag natin itrial and error toh, kasi sayang yun chance e. I really like you. I missed you the whole day to day...and I think thats a good sign."

"really?na miss din naman kita e kahit tulog ako hahaha!"

"sumagot ka ba naman sa akin tanghali na! grabe ka maki!"

"told you adik ako sa tulog haha"

Ang bilis lang, nun last Sunday kami nag date, I can say, na masaya ang buong linggong ito para sa akin. Matagal na ko nag iintay na may dumating na guy. Si mister nice guy. At sana siya na nga. Pero its too early to tell pa, we're on our early stage and sana matagalan niya KOOOOO! ahahaha

Thurdays night siya dumating sa bahay ko and He's now asleep in my bed. Eto naghihilik. Pinipilit na niya ko matulog kanina, pero pinauna ko na siya. Pagod si mokong e.

So yun, good night na sa inyo muna. Have a great weekend guys.

18 comments:

Anonymous said...

This is so sweet...

khantotantra said...

hang sweet naman ng date nio, japanese style, kain ng sushi ganyan. tapos medyo mabilis ah, exclusibong-exclusibo na. :D
enjoy each others company. :D

Bwryan said...

makulay ang lablyf! Go Mac-mac! Happy for you ☺

Mac Callister said...

@pointlessparanoia--haba ng name mo! LOL! anywayz, salamat hehe ako din kinilig e!

@khantotantra--hahhaa! mabagal pa nga e kung ako lang jowaan na agad! charrr!

@brian--hey ben ben ko, thanks. hayaan mo darating din ako este may darating din para sau hehehe

ceiboh said...

question: hindi siya yung nasa isang post mo na dinala mo sa bahay mo di ba?? ang kiri-kiri!! parang nagbabahay-bahay lang.. ahahaha

oh, well,, take it slow friend,, good luck and congrats in advance.. LOL!!

di mo pala nasabi na may mga bakal siya sa teeth niya.. LOL!!

Anonymous said...

ang sweet nga honestly. :) hopefully maging kayo forever. pero wag nga naman mamadaliin.

Axl Powerhouse Network said...

hahaha... anak ng tokwa. pbbteens ganyan hahaha...
ang sweet ha...
may pa confirm confirm pa kung anu nga ba to haha..
ikaw na!!!

Mark said...

OWEMGEE! Sana heto na yung "dizizit" moment mo.. happy for you mac!=)

Nimmy said...

Eeeeeeeeee! Gora sa happiness! Bawal LQ!!! :)

Juano said...

Ayan pala ang reason kung bakit ka nawala virtually. almost ten days. pbb teens?

Sana siya na talaga. Kinilig naman ako. Goodluck idol!

@nubadi said...

so after mo kami inggitin sa mga maiinit na tagpo sa previous post mo, heto ka na naman at iniinggit mo kami sa kilig moments mo? waaaa! hehehe so happy for you mac. keep it up. keep it up? LOL

Dyosa said...

Haylahvhet!!!

Kinikilig naman ako habang binabasa ung bawat detalye....

Happy for you, Dear!!!

Jenny said...

Makulay ang buhay mo parang sinabawang gulay! Chos hahaha

At inggit to death ako sa kilig factor. Ano ba term of endearment niyo? Dapat mayroon :))

Little Nikki said...

uy kilig, uy kinkilig. >:)))

Mamon said...

so happy for you :))

MEcoy said...

sweet namn haha happy for you
thnks for dropping by at my blog hope we can keep in touch

Anonymous said...

Puta! Kinilig ako! Hahaha!

perverted mind

Thecuree said...

hi mac, matagal-tagal narin akong di nag ko-koment sa mga thread mo, tho i always read ur blog, at napa wow! talga ako, now u have sum1, for how many times i've read ur blog longing for someone w/c i can always relate to, cuz until now im still longing, mahirap kasi cuz im still in the closet, kaya alam mo na pag ganyan. but anyways im happy cuz got someone u belong to.