Masaya ako sa career na napili ko. Hindi ako nagsisisi. Mahal ko trabaho ko. Satisfaction guaranteed kumbaga! char! Kasi may kasama na din ditong landi, may cute kahit saan! doctors, relatives, minsan yun patients mismo, nurses, technician! hongdami! LOL
Itong entry na to, tungkol sa mga tunay na tao...Sila ang mga recent at mga ume-eksenang character sa buhay-ospital ko. May mga nakakaaliw, may nakakaburaot, at syempre may mga nakakalungkot.
si 611
Tuwing alas-kwatro ng umaga umaakyat ako sa ward para puntahan ang chronic case naming patient na ito. Naka tracheostomy tube siya at kelangan ko palitan ang mga abubot na nakakabit sa stoma nya. Kelangan ko siya suctioning ng bonggang bongga kung ayaw ko magtalsikan sa akin lahat ng plema nya! Yeah! instant condensed milk yun! LOL!
tracheostomy tube
Kaso may panlaban si Mama! Tuwing ipapasok ko ang catheter sa trache tube niya, napapautot siya ng pagkabaho-baho! Kung may kulay lang, malamang green yun! (toxic gas?) Malakas at dahan-dahan! Rinig ko...
Napapangiwi nalang ako, di naman ako makapagtakip ng ilong at may gloves ako suot na puno ng malagkit na keme ng stoma nya! yaiy!
Kaya mula nun, nakuha ko na ang technique, hindi ko ipapasok lahat nun catheter para di siya mapaubo-sabay-utot ganyan!
si 632
Ito namang isang toh, naku kay-ligalig! chronic case na rin siya mag 6-months na ata siya pabalik-balik sa icu at sa ward. Ngayon nag stabilized siya kaya naman nasa ward siya ulet. Pero kelangan ko siya silipin at check-in dahil sa amin nagpo-fall ang management sa knya, respiratory-wise. Lam nyo naman respiratory therapist (a.k.a RT) lola nyo.
Ewan ko ba tuwing makakakita siya ng RT walang humpay ang pagdaing nya sa amin...naka tracheostomy tube din siya kaya walang boses na lalabas sa bibig nya. Kumpasan galore ang nagaganap...turo dito turo doon! malimit nya idinadaing yun sa may ilong nya! at sa may dibdib nya...puro naman arte lang!
Pero jusko di ko naman ma-getz. Kung mag sign siya ng chupa malamang getz ko agad! charot!
Kaya naman tuwing tulog siya dun ako nagra-rounds sa knya kasi mauubos oras ko sa pakikipag sign language nya! halos tumingkayad ako to check her tube and gadgets para hindi makagawa ng ingay! Lakad pusa ganyan.
si 622
Ito namang isang toh, sobra hirap na dinanas ng lahat ng RT sa knya! Lalo na sa makukulet niyang mga anak! Jusko as in! kay liligalig! Matagal namin siya inalagaan sa ICU, mga mag 2 months, tapos napagaling namin siya (sympre group effort din yun with the doctors, nurses, therapist etc) at nai-transfer namin siya sa ward till madischarged. Nakakataba ng puso yun ganun.
After 2 months, naadmit siya ulit sa ICU! nag cardiac arrest sa bahay! Na-revived, na-intubate, na-wean sa ventilator, at na-extubate ko siya the next day. sa makatuwid, naitawid naming muli ang buhay nya! Safe na si Mama.
intubation
Nai-shift ko na siya sa face tent (oxygen gadget to na kinakabit namin after maalis ang tube niya sa lungs na sa bibig pinadaan)
Tuwing ira-rounds ko siya at check-in, maayos siya, nasagot sa mga tanong ko, at stable ang vital signs nya. Sabi ko nga pwde na siya matransfer sa ward bukas. 5hours later, tumunog ang wangwang sa ICU indication na may nag-code-blue (cardiac arrest) pag ask ko sa nurse kung sino, nagulat ko na si Mama 622 pala!
Nagmamadali akong ihanda ang gamit ko to keep her airway open! naghanda kami mag intubate! grabe natoxic kami ng todo kay Mama na toh.
Jusko isang oras kami nag CPR, kaso waley na....expired si Mama.
Kakahinayang lang. Tagal mo inasikaso, pinagplanuhan ang respiratory strategy para sa knya, tapos nakauwi na e! yun yun e!!! na-dedz pa din. Nalungkot kami nun nawala siya. Kahit papano nasanay na kami na pinupuntahan siya...Hayz.
si 604
Nagdadaldalan kami ng nurse na si Juliebelle nun mapatingin kami sa European na pasyente na matangkad naka hospital gown na kita pwet pag tumatalikod siya! toink! Hila hila siya ng male indian nurse nya na bumalik na sa roon nya sa 604! Pero ayaw nya! bitbit nya ang isang bag na itim at isang plastic na puno ng damit nya. Para lang siya nag alsa balutan sa probinsya!
Nakakatawa yun buong eksena. Pigil na pigil namin ni Juliebelle ang pagtawa!
Maya maya nag wangwang na naman sa ICU!!!!
Napatigil chikahan namin at lakad-takbo kami papunta sa room na nasa screen sa may digital board namin, (o diba high tech kami! may wangwang na nakakarindi na, may digital screen pa kung saan ang room na may code blue! *awaaaard*)
Sabi ni Juliebelle nun papunta kami sa room 604: Naku, Mac! yun yung room nun Norwegian na naglalakad kanina!
Pagdating namin sa room, ayun na nga, inatake pala siya habang nakikipag hilahan siya na lumabas sa icu sa nurse nya kanina!
Nag-shock (using defibrillator) lang kami ng isa, kasi nag ventricular tachycardia siya, nag normalized naman na ang tracing ng heart rate nya after that, nun magkamalay siya, ayun nanlilisik mata at nanunulak siya ng mga tao sa paligid nya, nag sisipa na siya kung sino maabot ng paa nya! buti nakailag ako jusko kawawa naman fez ko kung matatadyakan pa haggard na nga e! char!
Sa bagay malamang tuliro pa lolo ko, ikaw ba naman mawalan ng malay at halos namatay na, tapos pag mulat mo ng mata may lampas sampung tao sa paligid ng kama mo! kakapraning yun! LOL
si 613
Ako ang nakasagot sa telepono at sinabi ng kausap ko na nag a-arrest daw si patient 613. Pagdating ko dun, mali naman, bradycardic pa lang, mga 4o's ang heart rate, papunta pa lang dun sa pag a-arrest... past tense naman siya agad e. toink!
Na-extubate na namin siya kahapon. stable na. nakikipag usap ng maayos. Pero bigla bigla nagkaganito siya...
Takbo agad ako, stand-by sa may ulunan ng patient, main goal ko kasi e i-secure ang airway nya kung sakaling tumigil ang pagtibok ng puso nya. Yun iba nyang problema, di ko na problema! LOL!
biro lang po :-) may iba na mag aasikaso nun kasi hehe.
Pero malakas si Kuya. Bumabangon, hindi makausap ng maayos, restless. Pero maintaining siya ng perfect oxygen saturation level sa blood. Nakampante ako. Di namin siya kelangan i-intubate. Pero after 5 minutes nagsusuka na siya ng blood...pabaling baling siya sa lahat ng direksyon, mega ilag kaming lahat kasi matatalsikan kami. Sinubukan siya pakalmahin ng mga nurses, pero wala pa din. Napilitan sila i-sedate siya, at eventually ma-intubate na din...
Kaninang madaling araw, pagkagaling sa CT-scan room. Nag arrest siya. And namatay after one hour of reviving...
Nakakalungkot. One minute, buhay na buhay ka...akala mo tapos na ang pagsubok, kala mo nalampasan mo na ang kamatayan. Napagaling ka ng hospital, ng team. Pero ganito ata talaga ang buhay. You cannot cheat death. Pag oras mo, kahit anung sikap ng mga medical expert to save you, wala pa din...
Dun pa din ang tungo mo. Parang Final Destination Movie lang di ba?
Nakow, sensiya na napahaba ang kwento ko! tama na muna toh! ahaha! ewan ko kung may katuturan ba tong mga nakwento ko! nose bleed ata yun mga terms? bahala na kayo mag google! LOL!
Hyper ko lang! galing pa ko ng 12hrs night shift nyan ha!
12 comments:
wahahaha spell toxic sa isang shift! You already, Mac-mac ☺
Girl, just to remind you... ingat lang for sharing about ur patients info in public. No offense meant pero, medyo na-ilang lang ako sa post.
@lyka--no worries, that's not their real room number, and im not sharing their names naman. only my experiences :-)
@benben--haha hindi naman to sabay sabay sa isang gabi :0 kaya keri naman.
magpapa intubate din ako... ayoko nong ginagamit nyo na ETT...
TT lang ok na sa akin... hihihi #igat
"tracheostomy", "intubate", "extubate", "defibrillator" at ang pinakamasaklap sa lahat, "ventricular tachycardia"
Kung yang mga salita na yan paguusapan natin habang naglalaba tayo sa ilog baka sabunutan kita at ilublob kita sa batya. Uunahan na kita bago ko mategi sa pagka-nosebleed! Char! Joke lang! Hahaha.
Ikaw na talaga ang wonderwoman ng hospital na yan! Dapat employee of the year ka lagi! :)
May sense naman. When I was hospitalised then, Dengue if you'll ask, napagsisigawan ko mga attendants ko. I was delirious that time. They weren't mad. In fact all of them call me baby boy.
ang busy masyado!
hahaha! kaaliw naman ng experiences mo d'yan...
yeah that's the sad part lang, losing patients. pero yun nga kung final destination talaga eh wala na magagawa haha :D
"Pero jusko di ko naman ma-getz. Kung mag sign siya ng chupa malamang getz ko agad! charot!"
natawa ko bigla dun hahaha :D
kung sabagay ayan ang universal sign language!!! lahat ng tao alam!! hahaha! :D
bakit hindi ko yan alam na sign @sinatwork? hehehehe
@juan hahaha! ikaw na ang busilak ang kalooban! :D
ako nga din eh, di ko talaga alam yan, ni-research ko pa. you know, para naman hindi nila isipin na virgin pa ako.
hahaha charot! :D
@sinatwork: patayo na tayo ng templo ng mga puro at dalisay... tapos sa pinto mga imahe natin na talaga namang nakaka-divine ang nakalagay... hahaha
@juan hahaha! gusto ko yan! ipapatayo ko na yan sa gitna ng maria orosa corner nakpil, malate. agad agad! hahaha :D
Post a Comment