May 13, 2012

Paghabol



Naalala ko pa nun pitong taong gulang palang ako nang ihinabilin mo ko kina Ninang dahil may lakad kayo ng kaibigan mo.

Ayaw ko magpaiwan kaya iyak ako ng iyak at nagmamakaawa na isama mo ko.

Hanggang sa pumara kayo ng jeep at sumakay umiiyak pa din ako. Sigaw ng sigaw. Mama's boy na mama's boy ako sabi nina Ninang.

Nun halos paandar na ang jeep na sinasakyan nyo, kumawala ako sa pagkakahawak ni Ninang at humabol sa sasakyan na pumapalahaw pa din ng iyak. Sa bilis ng takbo ko hindi ako inabutan ni Ninang.

Sumampa ako sa entrada ng jeep habang tumatakbo ito. Nabigla ang lahat sa pagsakay ko. Natakot sila na muntik na ko mahulog sa pagsakay. Nagtitinginan na ang ibang pasahero. Pinatigil nyo ang pag andar sa driver at napilitan kang bumaba muli hawak hawak ako ng mahigpit sa braso.

Galit na galit ka. Naalala ko pa kung pano mo ko pinalo ng sinturon nun mga panahon na yun. Sa bandang huli naiwan pa din ako sa bahay ni Ninang.

Hindi nabago ng mga palo ng sinturon at mga kurot mo sa tagiliran ko ang pagtingin ko sa yo Nay. Lagi nalang akong hahabol at pipilitin makabalik sa piling mo. Kahit anong mangyari.

Nung hinahatid ka namin sa airport para mag trabaho sa gitnang silangan para matugunan ang mga pangangailangan ko sa iskwela, sabi mo para sa akin to. Para sa kinabukasan ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang sakripisyo mo sa kin Nay. Itinago mo ang takot at pag aalinlangan na makipag sapalaran sa malayong lugar na walang kakilala.

Para akong nabalik sa edad na pitong taong gulang noon...muli kong naramdaman ang pag nanais na humabol muli sa yo. Gusto kong humabol ng iyak at pigilan ka. Ang bigat sa dibdib. Ang hirap.

Iba na ang sitwasyon ngayon, 17 na ko. Hindi na 7 years old. Pero bakit parang gusto kong humagulgol na parang nasa edad na pito akong muli?

Hindi ka namin nakitang umiyak tanda ng kakatatagan ng loob mo sa paglisan mong yun...hindi ka na din muli pang lumingon.

Marami akong dapat ipagpasalamat sa mga ginawa mo para sa aming magkapatid Nay. Walang katumbas ang mga sakripisyo at pagkalinga mo sa amin. Alam ko na kahit papano, nasuklian ka namin ng kaligayahan. Natapos ko ang kurso ko at may maayos na trabaho ngayon. May makulit kang panganay na apong lalaki at bagong bagong apo na baby girl mula sa kapatid ko.

Salamat at tanggap mo na din na di na ko mag aasawa pa. Wag ka mag alala...balang araw may maipapakilala din ako sayo na lalakeng magmamahal sa kin ng tapat. Di ko lang alam kung kelan :-)

Alam kong ito nalang ang ninanais mo para sa akin. Wag ka mag alala...malay mo sumaya na din ako soon di ba?

Tatlong taon na mula nun huli ka namin nakasama. Maraming nangyari na di natin inasahan. At sana ngayong darating na Disyembre...sana matuloy tayo...

Sama sama tayong muli.

Isang buong pamilya kahit saglit.

See you soon Nay.

Happy Mother's Day sa 'yo.


15 comments:

aboutambot said...

lalo akong nangulila sa Inang ko sa post mo...

happy mother's day kay nanay.

juan said...

Happy mother's day...

ayon na e, nag emote na ako... tapos 17 ka lang ngayon? Dafuq, umurong ang emote ko.... hehehe

Leo said...

Hangad kong matuloy ang pagkikita kita niyong muli sa Disyembre.

Cheers!

Mac Callister said...

@aboutambot--hirap ng malayo sa nanay noh?kaka miss sila

@juan--hahaha gaga yun yung time na nag abroad nanay ko 17 ako nun. di ka nakahabol sa flow ng kwnto ko kakainis ka!tse!

@leo--hay sana nga kasi maraming kontrabida sa bakasyon ko ng december...bahala na si GOD...salamat mare at di ka nakakalimot sa blog ko.chos!

Bwryan said...

Happy Mother's Day to your mom! Tell tita (at tita talaga ha?) "Thank you" na pinganak ka nya, Mac-mac ☺

Ms. Chuniverse said...

Sabi ko na nga ba... ikaw si nancy navalta!


Happy Mothers Day!


:)

Mac Callister said...

@brian-- sana mommy na din itawag mo! chos! salamat ben ben happy mother's day din sa mom mo

@chuni--hindi ko siya kilala! teka google ko maya!hahaha salamat! happy mothers day din sa mom mo.

liz said...

Happy mother's day to your mom! :)

Unknown said...

awww. so sweet! happy mother's day to your mom! <3

Lone wolf Milch said...

happy mothers day sa mom mo

Mac Callister said...

@liz--hi, welcome sa blog ko :-) and happy mothers day din sa mom mo,

@sherwin--hi blondie, salamat, sa mom mo din :-)

@milch--hey thanks, sa mom mo din papa :-)

Anonymous said...

Hi McCallister! What's up? Belated Happy Mother's Day din sayo teh. Mommy ka rin diba? You're the Mom of this Great Blog! Love you teh!

Olga Luxuria

Unknown said...

Happy Mother's Day to your Mom :)

Andito na nama ako...

Drama King said...

Naiiyak ako sa lahat ng posts tungkol sa mga nanay nila. Tayo na ang mga Mama's Boys/Girls! Mabuhay ang mga Ina!

Michael said...

Beautiful story! You are a great story teller too. You have a style. Keep up the good work. ☺

Btw, thanks for visiting my blog. And I know your mom is truly proud of you. All moms are proud of their kids. See ya.