March 4, 2012
Where's The Doctor? Where's The Doctor?
Nagkatawag ako sa emergency room kamaikailan lang para umattend ng code blue (may inatake sa puso), pagdating ko sa resuscitation room, sandamakmak ang mga kamag anak nun pasyente, halos di nga ako makadaan sa dami nila! Oa lang sa dami! Hinanap ko agad ang guard at tinanung ang nurse kung bakit andaming audience participation at ba't di palabasin. Siguro nasa kinse ang total nun andun!
Ayaw daw makinig ng mga kupal. Puro sila lalake at nakasuot ng traditional arab dress (thobe). At obvious na magkakamag anak sila. Pare-pareho ng built ng katawan e! Puro payatot! (uyyy laki-titi? chos!
Mga taga dito sila sa bansang pinagtatrabahuhan ko. Meaning, hindi mo sila mapapasunod sa gusto mo. Bakit? E dayo lang kami dito e! Sila nagpapasahod sa amin! Yan! Ganyan attitude dito!
Ang nakakabuwisit pa, ang kukulit nila! Nangingialam pa e critical na nga yun ginagawa namin para buhayin yun kamag anak nila noh. At sinasabihan pa nya ko ng dapat ko gawin! E di naman nila naiintindihan kung ano ginagawa namin!
Nung nag iinsert na ng endotracheal tube yun manggagamot, aba akalain mo nakahawak pa siya at tumutulong ipasok! e docktor lang dapat mag-insert nun at kelangan ng skills. Muntik na ko mapabunghalit ng tawa!
Agad na hinawi nun doctor yun kamay nya at sinabi'ng tumabi ka nga! LOL
Nung mag-stabilized na yun patient agad kaming naghanda para itakbo siya sa ICU for close monitoring and management.
Nung hinugot ko yun saksak nun portable ventilator ko, sabi ba naman sakin nun isang ungas in arabic: bakit mo hinugot????! wala ng hangin ang tatay ko! isaksak mo!Isaksak mo!
Gusto ko sana sabihin! wag ka alala sasaksak ko sa ilong mo!
Naloka ko promise! E may internal battery kaya yun machine ko! Pinaliwanag ko na sa knya. Pilit niya isinasaksak yun cable ko! E hello, pano kaya kami lalakad kung nakasaksak sa wall yun ventilator! Kung gusto nya, tibagin nya yun dingding at isama niya ang saksakan palakad sa hallway! Burat! Ungas! LOL
At nang pwde na namin i-push yun stretcher palabas ng ER, sila na mismo nagmamadali itulak! Muntik na ko maiwan! ano taing-tae na? may lakad?
Tulak tulak ko kasi yun portable ventilator sa may ulunan ng patient. Sinesenyasan ako na bilisan ko daw! Iritang irita na ko!
Palingon lingon ako, sa isip isip ko, asan ang team ko? naiwan ang dalawang nurses at natabunan na ng sangdamukal na kamag anak! Asan ang doctor?
Nun nasa lift na at nag iintay bumakas ang pinto, sabi ko in my super modulated voice: "Wait, wait, we cannot go without our doctor! Where's the doctor? Where's the doctor?" Medyo may authority yan nun binigkas ko haha!
Epektib naman! Mukha naman silang na-intimidate sa pagpapanggap kong men na men ako!
Napatingin sa akin yung mga kupal. Takang taka bakit ko tinanung yun...Pero nagsalita pa din ako..."
wait, please call the nurse...the doctor!"
Tapos parang nahihiya'ng tinuturo sa kin nun isang payatot na kamag anak yun nasa tabi ko...medyo may takot...nakita ko nakatapat ang hintuturo nya sa tabi ko...parang sinasabi: andiyan siya sa tabi mo brother...
Nun titigan ko ang katabi ko...maitim...mukhang kargador...Pana...naka gown....may stet na nakasabit sa leeg...may ID ng hospital...
Aba akalain mo yun! Siya nga! Si doktor nga!
Toink!
Namula ako sa hiya ng mga slight-slight na ten seconds ganyan! Taena kasi naman, sa sobrang dami ng naka puti sa paligid ko e na-color blind na ata ako! At isa pa, di naman kasi kapasa-pasa na mukhang manggagamot itong sumama sa amin! Toink!
Kala ko e taga tulak lang din ng stretcher!
Nung makahabol yun dalawang nurse, agad na kami sumakay ng elevator, at talagang walang kamatayan ang pambubuwisit ng mga kupal, nagpupumilit sila sumiksik sa loob! Puno na kaya!
Ano? MRT????! LOL
Dali-dali silang naghanap ng ibang elevator.
Nakarating kami ng second floor at sinabihan ko ang mga kasama ko na bilisan namin at once makalampas na kami ng third door ng ICU agad na i-lock ang pinto!!!
Tawang tawa ako nun ang bilis humarurot nun stretcher namin at dali dali ikandado ang pinto! hahaha! Para lang kami nagpahabol sa aso!
Matatawa ka talaga sa itsura nila nung maiwan sila sa kabila ng pinto at marealized nila na kelangan ng card swipe sa door lock para makapasok sila!
Yes!!!
Labels:
cardiac arrest,
code blue,
doctor,
ER,
medical emergency team,
respiratory therapy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
traydor na traydor a peg.... hahahaha... buti nga sa kanila... namatay ba ang patient? hihihihi
wahahaha para sa kanila siguro, kontrabida ka, Mac ☺ toxic na nga ang situation, toxic pa yung folks gush! kakalurkey!!
hala, paano na lang kaya kung na-dead yung patient?
hi mccalister!
i am olga luxuria! a new blogger! pls visit naman my site.
i added you na rin pala sa blogroll ko. sana ma add mo rin ako!
wait kita sa blog ko ha!
love you teh! ;)
http://karuggallery.wordpress.com/
naiimadyin ko pa lang ang exena natatawa nako haha
nakakaloka!nakakapanic!nakakastress! hahahaha
pero panalo ang eksenang takbuhan kabog sa aksyon!
Doctor na mukhang kargador. :D
Parang bet ko na may production number during the commotion.
parang bollywood movie lang.
tapos may lifting scene ka.
wagui! :)
LOL! Very funny. ☺
Btw, thanks for the visit.
That is so freaking funny. I remember my clerkship days when we did resuscitations like these. Nowadays, I take care of the dead at the morgue during autopsies. LOL!
haha! oh diba parang action film lang. good job sa pag-iwan sa kanila! akala ko hanggang sa ICU e kasama pa din sila, at yung isa e isasaksak n'ya sa ilong nya (or somewhere else sa baba... nyahahaha) ang ventilator. ahihihi.
natawa ako sa elevator. MRT? ahahaha!!!!! :D
gusto ko yung sinabi ni ms. chuniverse! dapat nga may production number, tapos since lahat sila pare-pareho ang suot, ikaw talaga ang litaw na litaw habang nili-lift ka. haha! :D
salamat sa mga nag comment!
HAHAHAHAHAHA yan capital letters talaga ang tawa ko, waging wagi ang finale! ahaha natatawa ako sa eksena niyo papuntang ICU
Kaloka naman! Hahahaha. I think that's how they show love to a kapamilya. :)
Post a Comment