Sa araw araw natin pag uusap, somehow nasanay ako na lagi kang may good morning, may goodnight...
May concern sa mga messages mo. Na labis ko ikinatuwa. Na sinuklian ko din naman ng kapwa pag aalala sayo diyan.
Minsan nga inaabot pa tayo ng gabi sa pagkukuwentuhan na wala naman mga katuturan. Kinikilig ako sa mga pambobola mo. Sanay na sanay ka na siguro sabi ko pa sayo, at ako naman ay nagpapadala lang. Nagpaikot.
Nangingiti nalang ako minsan mag isa kapag may sinabi kang nakakataba ng puso ko at nakakahiya man aminin, masaya ako kapag kausap kita.
Sa loob ng mahigit dalawang buwan, sa araw araw nating pag uusap, somehow umasa ako...
Umasa ako na somehow, may namumuo na sa pagitan nating dalawa...sa araw araw nating pag uusap...nahuhulog ako...
Nag iiba ang damdamin ko sa yo.
May kakaibang pintig ng puso...
At akala ko ay alam mo iyon.
Hanggang isang araw, nagtapat ka.
Sinabi mong may kahati na ang puso mo'ng iba.
Nabigla ako.
Nasaktan ng tunay.
Pakiramdam ko, nagdugo ang puso ko sa mga sinabi mo.
I felt cheated.
Sana sinabi mo agad nang sa gayon ay di umabot sa ganito ang nararamdaman ko para sa 'yo.
Akala ko alam mo ang damdamin ko sa yo...mali pala ako.
Masakit mabigo...masakit umasa ng sobra.
Hindi ka din pala iba sa kanila....
Marunong ka din pala manakit Mac...
Bakit ngayong wala na kayo, pagkalipas lamang ng ilang araw ay heto kang muli at nakikipag kaibigan sa akin na as if walang nangyari? Bakit nagtataka ka na kahit papaano'y may inilagay akong pader sa pagitan natin?
Hindi na ako nag gu-goodmorning o kaya nama'y nauunang mag message sayo sa oras na mahawakan ko ang aking telepono...
Manhid ka ba talaga?
Hindi ganun kadaling ibalik ang lahat...Hindi ganun ang mga bagay...hindi ganun ang damdamin ko...hindi isang laruan ang damdamin ng tao na maari mong itapon at muling pulutin kapag wala ng ibang mapaglaruan.
Maybe, in time maibabalik din ang dati nating samahan, ang masasayang oras...pero hindi pa ngayon.
Hindi pa ngayon.
Your friend,
رجل من الجنوب
12 comments:
awch... the dangers of assumption, miscommunication and hurried decision ☺ Hope you are well, Mac ☺
I can feel the hurt. But always remember, it's better that way, than invest so much emotions (more than what you have already did) then later make your world crumbling down.
It's gonna get better Mac.
Cheers
bakit mo sya sinaktan mac?
pack up your bag and head south now... :(
kuya mac,
waaaah. wala akong masabi. nakaka-relate ako. bakit kasi ganyan.
ganito na lang ba talaga? huhu. :'(
di mo naman siguro sinasadya yun Mac, ano?
aw, parang nakarelate din ako dun ah. ang saklap!! wag ng paasahin ang sarili.. wag ng umasa kay mac..
@brian--yeah..may mali din naman kasi ako and i feel real bad about him :-(
@leo--salamat mare...miss you here on my blog a hahah
@juan--hahaha! di ko naman sinasadya!
@baste--ang pagmamahal ay isang sugal, alam mo yan... :-)
@justin--yeah...and siguro may mali din ako and im not proud of it...
@green breaker--LOL! oo nga ako na ang bad!
sabi nga "sa mundong ito ay may isang pag-ibig na sadyang hindi para sa atin" pero minsan masarap din namang umasa na mahal ka ng taong iyong minamahal...
hanggang sa muling paghilom ng puso...
This post made me smile.
It sounded like as if I was the one who wrote it.
At ginawa mo pa talagang arabic ha. (A for effort ka dyan)
I was hurt yes, but it's all over now. After all, it wasn't your entire fault. I’m part to be blamed. Honestly, I miss you. All I want for you is to enjoy your life now and when the time comes that you are ready to share your life with me, just let me know. (Sana single pa ko nun. Hahaha)
Hayaan mo, the 'old' me will be back soon. I will break the barriers, little by little. Just bear with me dear.
Nevertheless, I will be always be here for you.
--M from the South
masaklap nga, but i guess it's better na both of you knew how everything really is....
it's good na din na both of you communicated ng maayos and said what's on your mind and kung nasaan kayo.
@felmo--very true, masarap kasi malaman mpna pareho kayo ng nararamdaman :-)
@m-- hahaha feeling ka di naman sau to noh!chos
@sin at work--yeah mejo mabigat yun pag uusapn na yun and it pained me na sobra siya nasaktan
Post a Comment