February 22, 2012
Sa Mga Bisig mo
Asan siya? Tanung ko sa kapatid ko. Nasa isang isla kami at nagbabakasyon ng ilang araw.
Nandun sa baba nainom daw sabi ni Ate B.
Siya lang?
Oo.
Nagsipaghanda na ang lahat para matulog. Nahiga na din ako pero nag iisip. Inalala ang matinding away namin kaninang tanghali. Nag-sagutan kami sa harap ng mga kasama namin. Nalungkot ako, kasi napatunayan ko na di ko na siya kaya pang pakisamahan pa ng dahil sa nangyari, at may mga iba pang bagay na mahirap balewalain.
Paano mo ba sasabihin sa isang tao na: "Mahal kita...pero hindi na kita gusto pa..."
Lumipas ang tatlumpung minuto...naramdaman ko ang marahang pagbukas ng pintuan ng kwarto namin sa hotel...madilim na sa kwarto ng mga oras na yun, natatanging ilaw sa banyo na bahagyang nakabukas na pinto nanggagaling ang matamlaw na liwanag.
Dahan dahan siya naupo sa gilid ng kama...nakikiramdam...
Nagtulug-tulugan nalang ako...ayoko pa makipag usap sa knya ng mga oras na yun. Nakatagilid ako ng higa patalikod sa knya. Hanggang sa maramdaman ko na lang na humihiga na sa siya sa tabi ko.
Ipinikit ko pa ng maigi ang mga mata ko at pinanindigan na ang pagtutulug-tulugan. Nakakangalay din pala na hindi gumalaw ng matagal,naisip ko nalang. Pero kasubuan na toh!
Mac...
Marahan niyang tawag sa kin.
Halos tumalon ang puso ko sa kaba nun marinig ang boses nya. Hindi pa din ako gumalaw.
Sumukob siya sa kumot ko...lumapit nang maigi sa nakatagilid kong katawan. Pilit niyang isiniksik ang kanan niyang braso sa ilalim ng leeg ko...saka siya marahang dumikit sa nakatalikod kong katawan...ramdam ko ang kanyang dibdib...ang tibok nito...ang kanyang marahang paghinga na bahagyang may amoy alak...
Hanggang sa muli kong maramdaman ang pagdantay ng kanyang kanang kamay sa aking dibdib payakap...
Alam kong alam na niyang gising ako...pero batid kong alam nya na hindi pa ito ang tamang oras para mag usap.
Dinama ko na lamang ang sandaling ito...ang pagkakataon na ito na mag pretend na ayos lang ang lahat...na sana ay tumigil muna ang pag ikot ng mundo at pagtakbo ng oras para manatili kami sa ganitong pagkakataon...
Na sana ay manatili na lang siya ganito ka gentle sa akin...ganito ka loving...masarap damhin ang kanyang mainit na katawan, ang kanyang paghinga sa may batok ko...
Humihiling na sana wag na dumating ang umaga at di na magtapos ang lahat...Mas lalong humigpit ang knyang mga yakap sa katawan ko at saka bumulong ng:
"Mac..Mahal na mahal kita."
Hanggang sa makatulog kaming magkayakap.
Nagtapos ang relasyon na nag umpisa sa matamis na pagsasama at nauwi sa mapait na wakas....Makalipas ang halos dalawang taon, dumating ang oras na nag usap kami, nagkapaliwanagan. Nagkaroon ng closure ang lahat...nasagot ang mga tanong na matagal na naghahanap ng kasagutan...
Naging mabuting magkaibigan...
Nagkasundo.
Naging magaan ang loob muli sa isa't-isa.
Pero sa kabila ng lahat ng pasakit at pangit na mga nakaraan namin...nanatiling malinaw sa aking isipan ang alaala ng gabing yun sa isla sa loob ng hotel room na yun...
Dahil nung mga sandaling yun...nakita ko ang isang bahagi ng pagkatao nya...
Isang mapagmahal na kasintahan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
some things are just not meant to last, they are just meant to be experienced... horay for closures.
it's all coming back to me now... :(
gusto ko yung comment ni DSM: "..they are just meant to be experienced..."
malinaw na ang lahat :D
closures... hmmm...
@DSM--tumpak! at mas mabuti kung magigigng friends sa huli :-)
@juan--haha at kumanta nalang?tse!
@justin--oo nga e..salamat sa pagdaan
@geek--o bakit?duda ka ba?LOL
I need closeure hehe : )
Some things are not meant to last,and some people are not meant to stay in our lives forever.
It's good that you became friends in the end. Though naghiwalay kayo, for sure, you've both left a mark in each other's hearts that no one could erase.
This is beautifully written,btw. :)
awww...lungkot talaga pag di nag wo-work out ang mga relasyon.. :(
sobrang nalungkot ako. hindi nako magbabasa ng blog mo. lol
some good thing never really last. all we have to do is to enjoy every single moment of our time with that person before its too late.
-M from the South-
That's part of moving on I guess. Just looking at the happy moments of being together in the past.
I like this entry Mac, full of optimism.
Post a Comment