February 1, 2012
Asan Ang Padala Ko?
Antok at may halong katamaran ang nagaganap sa loob ng katawan ko nun umagang yun, galing ako ng night shift. Kaya naman imbes na sa Western Union ko i-send yun hinihingi ng sis ko na pera, gaya ng madalas ko gawin. Medyo mahaba haba kasing lakaran yun kaya naman sa mas malapit sa bahay ko na remittance center ako nagpunta instead, sa Cebuana Lhuillier ang ending nun after 3 hours daw.
E di ako naman mega mega tawag na sa sisterette ko na na send ko na yun money at saka ko tinext sa kanya ang transaction pin and everything at saka ko binirahan na ng tulog nun makauwi ng house. At ten hours ako natulog nun. Wagas.
Kinabukasan tawag ng tawag sis ko sa cellphone ko habang naka duty ako that morning. Nagtatalak at wala pa daw yun money sa Cebuana Lhuiller branch sa amin sa Laguna. Andun na daw siya mismo sa branch, singkwenta pesos na lang umano ang kaperahan nya na di ko naman pinaniwalaan! Oa lang! siya 50 lang anda? imposible dream! LOL
E di sabi ko naman sa kanya e: "aba awayin mo yang kahera diyan! Kahapon ko pa sinend yun a!"
"Baka mali tong PIN na binigay mo! Ulitin mo send sa text", sabi ng mahadera kong kapatiran.
Tatlong beses ko pa inulit yun na i-check kung tama yun PIN na tinetext ko sa kapatid ko. Tama naman siya. Kaya sabi ko sila may problema diyan. Baka yun system nila e bulok!
Nun time na yun naasar na ko sa Cebuana! sa isip isip ko naku, hinding hindi na ko dun magpapadala ulit ever!
Pinakulit ko ulit sa kanya yun mga tao sa cebuana na i-check ulit yun transaction pin ko. Wala daw talaga.
No choice na ko kundi tawagan yun remittance center. Effort sila kontakin. Laging busy yun hotline nila. Tinawagan ko yun office number at sinabi kong nagtetelebabad ata mga empleyado nyo dahil kanina pa ko natawag di ako makapasok.
Todo apologize naman siya at ikinonek akong muli sa tamang linya. Mabait naman yun pinay na nag aasikaso sa complain ko. Sabi nya follow up nya at that moment din daw yun branch nila sa Laguna para maayos na yun problema namin. Hiningi din niya yun number ng sister ko para daw ma text nila.
Sabi ko sana maayos nila agad kasi kawawa naman yun kapatid ko nag iintay dun kanina pa. Malumanay akong nakipag usap pero halata nya na imbyernadette sembrano na ko sa kanila.
Pawis na nga daw kili kili ng kapatid ko kaka-pabalik balik sa dalawang branch ng cebuana sa kainitan ng araw! LOL
After a couple of minutes tumawag siya sa akin:
"Naku! Macoy! Masasakal kita! Nagtext na sa akin ang China Bank at sa M. Lhuillier pala sa Kwarta Padala pala mo sinend yun pera, hindi sa Cebuana Lhuillier!!!!Ke tanga mo! kaya naman pala wala silang makita na transaction number na binigay mo! kainis ka talaga kahit kelan! Grrrrrrrrrrrrrrr!!!!"
"Ano???At bakit magkaiba pa ba yun? basta ang alam ko may Lhuillier! yun na yun!"
Choserang mga Lhuiller yan! nanggugulo ng tao!
Hmp!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
Hahaha!
Buti hindi pinalitan ng alahas ang kwarta.
Chos! :)
Hahaha! Kaloka! Tawang tawa ako sa ate mo. Feeling ko, masasakal ka nga niya. Ganun ata talaga kapag nasa 30s na, nawawala ang attention to details. Charot!!! Ganyan kasi ko eh. Hahaha.
ang kwela nmn ng story na 'to.
ako rin one time muntik ko na masuntok kung teller ☺
ayan tuloy natawag kang shunga ni ate haha
hahaha. may experience din ako niyan, exact same incident.
nagpadala ako not knowing na magkaiba pala ang M Lhuillier at Cebuana. Naloka ako.
Nainis din ang pinadalhan ko. :)
Opo magkaiba sila. Pero magkamaganak ang may ari.
Kaya naman pala di natanggap ng sister mo eh.
Kasalanan mo yun. Hindi ng Cebuana :0
peace! Mwah! :*
--M from the South--
Nakakatawa naman, una nainis ako sa sister mo , ganun ba talaga sila na may time ka pang awayin na di nila alam na halos sa ospital ka na tumira para lang sa perang ipapadala. Isa pa halos na kuha mo na lahat ng pseudomonas sa mga vented mo na pasyente para lang may ma isend sa lhuillier!!!!
Ramdam ko ang buhay mo jan bilang OFW ganyan talaga kahit kami d2 ganyan din.
Pero bigla na lamang napalitan ng inis ng tuwa ng malaman ko na ikaw pala ang salarin hahaha, sa susunod hindi lahat ng may lhuillier ay iisa hahahaha!
bwahaha bentaaa! :p
What?!?! NKKLK at inaway mo pareho ung kapatid mo at ung taga Cebuana! Haha.
Mas mabuti talaga sa Western Union magpadala. Para wala ng lito lito. Hehe.
hahaha... kung maka akala naman ito... sagad.. hahhaa
m. lhuillier.. d best ever!!!
I work for a remittance firm, akala ko nga sa amin ka nagpadala we, kasi we have cases like this. Dami kong tawa, mga 100. haha
Post a Comment