Malamig pa din kahit na naka maximum na yun heater sa loob ng hotel room ko nahihiya naman ako mag request ng extra heater haha! Nagmedyas at todo pajama nalang ako nun matulog. Puno din ng beverages yun fridge ko. May beer pa! at ang nakakaloka ay ang water! Tawag nila dito: water with gas. O di bah! sushal! Ginawa nilang soda yun water! Hongsama lang ng lasa! ewan parang sprite na walang lasa ganyan! Tae! pauso sila! LOL
Pero no choice ako yun ang water nila ayaw ko naman mag tap water at baka sumama ang tiyan ko. So keribels na.
Inusyoso ko ang buong room ko pagkatapos maihanger lahat ng susuotin ko. I travelled light kaya naman isang malaking travelling bag lang ang dala ko kumpara dun sa mga bitbit ng dalawa kong indian na kasama. Aba! tig-dalawa silang malalaking maleta! san ang punta? one month sa Germany? LOL
Libre breakfast sa hotel kaya naman lamon to the max lolo nyo! hahaha bundat na bundat ako after hindi naman halata na bumukol tummy ko kasi todo jacket kami.
Arte-arte lang nun dalawa at lagi nalang may reklamo sa food jusko ha! kesyo di sila nakain nito, ayaw nila ng ganyan. Kawawa naman sila. Hay naku bahala silang magutom walang indian resto dito noh! Buti nalang mga pinoy kayang kaya mag adapt kahit asan tayo! Winnur!
At letse lang nun lumabas na kami ng hotel para mamasyal kasi nag stop na ang pag snow! Umuambom kaya yun mga natirang snow kahapon nag melt away naaaaaaaaaaa! Nadisappoint ako ng wagas kasi hindi man lang ako nakapag roll over sa snow at gumawa ng angel kapag nakahiga ako gaya sa movies na napapanood ko! hahaha
Anywayz, wala ako sa mood magkwento masyado kaya daanin ko nalang sa pictures:
Second day in Frankfurt:
Inside my room.
Its not a five star hotel so wag mag hanap ng malaki! Umaga, bago ako bumaba for breakfast, a guy from asia called me up on my hotel room phone. Nabigla ako kasi, its just a challenge when I told him on twitter to call my room! Napatalon ako nun mag ring ang phone sa side table ko!
Galante ang mokong! more than 30 minutes nya ata ako kinausap! Overseas call to ha! Impressed naman lolo nyo!
The subway...bili lang ng ticket for a whole day for 6.20 euro sa machine sa loob. At walang mag check ng ticket mo kung meron ka ba or wala. Talagang konsensiya mo nalang! kaya kung matigas mukha mo, wag ka bumili ng ticket! kaso may random check daw mga pulis na hindi ko naman nakita na nagchecheck.
Dumiretso kami sa christmas market nila. Swerte daw kami kasi inabot namin to!
Bili na kayo ng german sausages!honglalaki!
Nag enjoy talaga ako sa trip naming ito dito! Angsaya lang tignan at usisain ang mga nakadisplay nilang paninda! Andaming souvenir items! Pero ilan lang binili ko! aba ang mahal! Isang keychain e 5.oo euro na! Equivalent to 287 pesos na!
at siyempre nagpa picture ako! hehehe
At dahil explorera ako ay nakarating kami dito sa may river na to...ganda lang ng view!
Dito naman ang kanilang shopping district from high end to cheap products! Hindi ako namili gaya ng ginawa ko nun nasa London ako nun February dahil may pinag iipunan ako bilhin nun time na to!
Ganda lang ng mall na to. At dito ako muntik na mamatay sa dami ng gwapong aleman na nakita ko! Kahit bagger pinagnanasaan ko ata! LOL
Nung magutom sa mall na to din kami nakakita ng isang magandang Thai restaurant na may cute na taga luto sa gitna ng kinakainan namin! enjoy lang manood sa kung pano nila iluto ang bawat dishes. Ang bibilis nila! at winner sa tamang tamang spice at tamis yun inorder kong nakalimutan ko na ang tawag basta may noodles siya! Toink!
Third day in Frankfurt:
Tumawag ulit same time si Caller from Asia...hmmm...
Anywayz,
Napagtrip-an namin nun girl na nurse na kasama ko na mag bus trip kami sa buong city. Double decker yun bus kaya naman sa pinaka unahan sa second floor kami pumuwesto at nagdaldalan na lang kami ng nagdadalan buong trip haha before we know it tapos na pala at kelangan na namin bumaba! Malakas ang ulan nun at zero pa din ang temperature pero gora pa din kami. KJ yun doctor kaya nagpaiwan nalang muna siya sa hotel.
Chaka ng gloves ko nalimutan ko kasi dalhin yun binili ko sa Doha kaya nun makita ko to buy na agad kesohadang chaka itsura nya! Naninigas na kasi mga daliri ko!
Naglate lunch lang kami this time sa Japanese restaurant naman. Nakakatawa lang at nasa Germany kami pero ang kinakainan namin e puro asian! haha. Ayaw kasi kumain nun dalawang egoy na kasama ko ng authentic german sausages! Nakakainis lang sila! hmp! As usual super na enjoy ko tong yakisoba ek ek na to :-)
Nagshopping lang kami ng konti at napadaan sa mga booth ng streetfoods nila. Andaming tao dito grabe!
Nung makauwi nag request ako sa reception na i-activate ang pay-tv sa room ko at nakita ko na may mga erotic silang channel with additional charges opkors! Malamig kaya kelangan ko toh! charot!
Fourth Day in Frankfurt:
Ito na ang sad part...uwian na ito haha! Nagbreakfast lang kami for an hour and headed to the train station kasi nakakita ako ng chocolates dun na may halong alak! kakatuwa! meron with 50% to 80% of whine or rhum or champagne! dami ko nabili at siyang ipinasalubong ko sa friends ko pagbalik!
infairness nag enjoy ako sa pag design nyang santa face na yan hahaha!
At nung 12 noon na nag check out na kami and headed to the airport for our 2:00 pm flight :-) nag enjoy ako sa medical escort naming ito as in! salamat at nagka chance ako makapunta ng germany. Next year ulit sana London ulit or Thailand naman!
P.S
Pasensya na sa mahabang post na ito haha! Kelangan ko na kasi tapusin ang kwnto at baka di ko na mapost pa ulet ever!
11 comments:
thailand?
thai ba si asian caller? hehehehe
tsismoso lang... hahahaha
Nyahahaha tama si Juan... kasi kung Pinoy yun eh dapat sinabi mo ng Pinoy o Filipino ☺ hehehehe (isa pang chismoso)
Bagay sayo yung black leather jacket! Artistahin ka Mac! ☺
I truly enjoyed my stay in germany, have same pictures,,nakaka miss tuloy! Auf Wediersehen
gandarah! at wala ka pa sa mood magkwento nyan huh...
kainggit ka lng sa mga trips mo :p
ang saya di ba? nang dahil sa mga naghihingalong pasyente, nakakapag-travel ka hihihihihihi
@juan--haha maling mali ka!
@brian--ang lakas mo mambola sa artistahin! sabay flip ng hair! chos!
@RM--really?saya nga at ang sarap din maka experience ng sobrang lamig n weather kakamiss nga!
@aboutambot--nakakaaliw ang name mo haha...tamad pa talaga ko nyan magkwnto hahaha
@bien--aray ko!natawa ako sa comment mo bruha ka!
pasalubong?
-the geek
mukang masarap yung chocolates na may halong alak ..hehehe :)
Wow nakakaingit naman..Kelan kaya ako makakarating ng Germany hehe : )
ang sarap ng stay mo dun! at grabe yung mga kinain mo! nakakatakam! pero ang sad nung pauwi ka na..hahaha! di mo ata sure kung may pamasahe ka pa pauwi. KEYCHAIN? 287 pesos! hahaha!
Talagang pina-activate and erotic channel? Ang saya ng lakwatsa mo na 'to Mac, business and leisure ang drama! :)
Post a Comment