Last December 19 dumating ako ng alas diyes ng gabi sa hospital para ihanda ang aking mga equipments at i-assess na din ang pasyente namin na ililipad namin papuntang Frankfurt, Germany mamayang alas dos ng madaling araw. Busy na ang mga nurse. Nakaligo na at nakakabit na din ang mga monitors namin. Inaantay nalang ang pagdating ng EMS at ako! Toink!
Tatlo kaming miyembro ng medical escort na ito. Kasama ko ang isang doctor at isang nurse. Dumating ang ambulance team ng saktong alas onse. Naisakay namin ng matiwasay ang pasyente sa ambulance hanggang sa makarating sa airport.
May mga pasahero na sa loob ng eroplano. Nakakaloka lang ang hirap na dinanas namin sa pagpasok ng patient namin na nasa stretcher sa eroplano. Alam nyo naman kung gano kakipot ang daanan sa gitna ng mga upuan ng plane di ba.
Sampung tao ata ang hindi magkandaugaga sa pagtulak! Nakaka conscious lang kasi puro German ang mga nakaupo na sa passenger seats...e di ako naman pa demure kunyare! chos!
Ka-stress lang ang mga nagbubuhat from the airport staffs! Hay naku hindi sila organized pansin ko lang habang nasa gilid ako. Hindi makausad-usad! Di malaman pano isasaksak ang mataba namin patient sa loob! Basta ako ang role ko lang e bantayan ang machine for breathing ng patient ko at kung nahinga pa ba siya at stable noh! bahala sila sa diskarte nila! LOL
After one hour saka palang kami naka hinga ng maluwag! Imagine isang oras bago nai-settle ang lahat!!!
Nai-secured na ang patient at naikabit na lahat ng dapat ikabit kaya naman nakaupo na din kami sa wakas. Nagsambit ako ng maigsing prayer na nawa'y makarating kami ng maayos at ligtas sa kulang na anim na oras na flight sa bansang alemanya.
Ito ang patient namin sa eroplano...buhay pa siya don't worry...alam nyo naman arabita yan kaya dapat todo taklob ang lahat hehe.
Delayed lang ang flight ng 30 minutes dahil sa amin! ganyan.
Pinipigilan ko makatulog kasi 2 days din akong puyat sa pag aasikaso ng mga papeles sa biyaheng ito, hay naku kung alam nyo lang gano kadaming ek ek ang dapat ayusin! hmmmp!
Dinaan ko nalang ang antok ko sa pakikipagtitigan kay cutie na German tall guy sa kabilang isle ng upuan! grabe ang gwapo talaga! 6 footer ata siya! Nun gumaganti siya ng tingin ako naman ang nahihiya! binabawi ko ang tingin ko at ipapaling sa ibang direksyon! LOL at saka andun ang malandi niyang girlfriend na di naman kagandahan! chos!
Actually halos lahat ata ng kasabay kong German sa plane e matatangkad! grabe ang mata ko panay ang habol tuwing daan sila sa harap ko para mag toilet! kagigil ang tambok ng mga butt! nyahaha!
Pati si cutie male cabin crew e todo asikaso sa akin! panay monitor nya kung may laman pa ba ang oxygen cylinder ko at mega tulong siya sa akin everytime mag palit kami...siya pa nag bubuhat mula sa lalagyanan sa taas! gurl na gurl pakiramdam ko nun mga time na yun! charot!
Nagpasalamat ako nun makarating kami sa Germany ng maayos at stable ang pasyente namin...hindi ko maimagine kung gaanong stress ang idudulot nito sa amin kung mag cardiac arrest siya sa ere! ang sikip kaya sa plane di ko alam pano ko isi-CPR siya sa kapiranggot na area na to! Idagdag pa dito na super exposed kami sa madlang pipol baka may himatayin pa sa takot!
Mapipilitan din ang piloto na mag emergency landing sa kung saan bansa kami abutin! jusko pano kung sa Africa or sa afghanista kami ibaba? naku! naku! di ko typeeee! LOL
Ang masaklap pa nito, nakarating nga kami ng Germany pero hindi pala kami sa Frankfurt ilalapag, kundi sa Stuttgart! Dahil sa sobrang snow daw! Hala! Inabot kami ng 4 hours sa airport na to bago napagdesisyunang ilipad muli sa Frankfurt airport! waaaaa!
Buti nalang nagkasya ang 8 oxygen cylinders namin kundi yari kami! baka bugahan namin isa isa ang tracheostomy tube ng patient! LOL
Pagdating sa Frankfurt, jusko nag snow-snow nga! ahahay! Na excite talaga ako! nararamdaman ko ang pagbagsak sa mukha ko ng maninipis na snow...unang beses ko makakita ng snow as in!!! at take note zero degree ang temp! kamusta naman yun!
Gustuhin ko mang mag pichur-pichur e pinigilan ko kasi bitbit namin ang pasyente! haha! baka pagtinginan ako ng EMS team ng Germany!
Habang sakay ng ambulance, mega chika sakin si Doctor Thomas! buti nalang magaling siya mag english! kasi my friends endorsed to me na super hirap ng communication dito, iilan lang ang nag i-english, isa siyang hunky doctor! Kilig na naman ako ng slight!
Nun makarating kami sa hospital sa Langen at maipasa ang care sa staff dun after 30 minutes, badtrip lang ang embassy namin kasi hindi kami sinundo para ihatid sa hotel namin sa Frankfurt! Mega taxi tuloy kami, it costs us around 25 Euro! hmmp!
Nausok na bibig namin sa lamig! nangangatal ako as in!
Kaya naman nun makapag check in na kaming lahat sa kanya kanyang room e nakahinga ako ng maluwag! hayyy! tapos na ang kalbaryo namin! Success sa group namin to kasi nadala at naitransfer namin ng maayos at ligtas ang patient! Kudos for our team! yeah!
May three days left kami to enjoy, relax and see Frankfurt! hongsaya lang! may bayad na ang apat na araw naming absense sa duty, kasi considered duty kami sa Doha e, tapos bukod ang bayad sa apat na araw namin dito sa Germany, libre lahat pati pocket money namin! nasa iyo na kung pano mo tipirin ang pera para may matira sayo! at may natira sa akin! di ba! todo budget na ko ever! kaya naman nakabili agad ako ng galaxy tab pag uwi! toink!
Makakapasyal pa kami sa ibang bansa!!!reklamo ka pa?! I love my job talaga!
5 pm na kami nakarating sa hotel nun kaya naman nag early dinner lang kami at saka natulog na! pagoda wave lotion lang kami kaya borlogs lang sa unang araw!
Sa susunod na araw na yun ibang mga detalye at masyado na mahaba ang post na ito :-)
12 comments:
pasalubong!!!!! kahit hotdog lang... hehehe
naaamaze talaga ako sa mga medical keme na yan. kahit pinapanood ko lang sa mga tv tv. haha. congratulations sa inyo!
at mukhang masaya ang pagpunta nyo sa germany. :D
@juan--oo bah!antayin mo ang pag uwi ko hahaha
@JC--salamat...masaya na mahirap ang work namin,at hindi ako nag sisisi sa course na kinuha ko nun college :-)
buti nmn di toxic si Araba! ehehehehe waiting for part2 ☺
nakakaloka ang pasyente, parang bagahe lang na hinagis somewhere over the rainbow.
Asan ang mga fectyurs ng cutie-pie-blue-eyed- Aryans?
geldi geldi
geldi garu
Wow! Awesome trip!
hagardo pero keribels lng haha!
I agree with bien... nagmukha ngang bagahe lang yung pasyente. Kumusta naman ang pawis n'ya? :)
wow ayus paginstant trip.. hehehe
ay ang sayaaaaaaa! :)
you really got to love your job mac! i'm so happy for you friend. :)
Post a Comment