November 28, 2011

Platlayns


Bata palang ako, madalas na ko ma-amaze sa mga doktor at narses noon...parang naiimagine ko ang sarili ko na naka-puti din kapag napapadaan at napapadalaw kami ng nanay ko sa loob ng ospital.

Pangarap lang yun, kasi alam ko naman na wala kami pera at mahal ang gastusin mag aral ng mga ganung kurso sa kolehiyo.

Pero tinupad ng Nanay ko ang pangarap kong yon. Nakipag sapalaran siya noon sa gitnang silangan at pinatapos ako ng pag aaral sa kursong napili ko. Isa na akong Therapist. Isa nang kasama sa team ng mga propesyunal na may misyon na tumulong manggamot ng mga may karamdaman...

Halos kalahati ng buhay ko ata ay nagugol ko na sa loob ng ospital. Mula nun mag aaral pa lang ako, nun mag internship, nung mag training. At ngayong nagta-trabaho na. Hindi ko naiimagine ang buhay ko sa ibang karera.

Ito ang ginusto ko noon, ito ang pinaghirapan ng Nanay kong ipatapos sa akin, kaya naman pinilit ko itong tapusin.

At kaya ko sabihin ng diretsahan kahit kanino na mahal ko ang trabaho ko. Masaya ako sa ginagawa ko. Alam ko maraming iba sa atin ang hindi ganito. Maituturing ko na masuwerte ako. Hindi ko alam kung darating din ako sa puntong mabubuwisit at maiirita na ko sa trabahong araw araw kong ginagawa.

Wag naman sana muna.

Pero hindi din naman lahat e masaya, siyempre meron din mga pagkakataon na mabigat sa kalooban ko ang ibang parte ng trabaho ko.

Madalas kasi sa loob ng ICU ako kailangan. Kritekal ang mga pasyente na mina-manage ko. Of course katulong at may direktiba ng doctor.

Mga comotose, mga 50/50 na halos ang chance mabuhay, mga pasyenteng nakaasa nalang sa mga makinang pang-hinga (ventilators/life support) at gamot na pampatibok ng puso.

People die here all the time sabi nga ng ibang kaibigan ko. Kaya naman siguro madaming tao ang ayaw sa ospital. They could smell death.

May mga pagkakataon na pinapayuhan nalang ang mga kamag anak na iuwi nalang nila or ipa-stop na ang life support ng pasyente.

Alam ko mahirap na desisyon ang kailangan nilang gawin. Kung ako man ang nasa kanilang kalagayan ay mag aagam-agam din ako. Pero minsan kasi, kahit nagawa na at naibigay na natin ang lahat, pero kapag wala pa rin, wala na talaga tayo magagawa kundi ang ipasa-diyos na lang ang lahat.

Isinasaalang-alang din dito ang lumulobong gastusin. Hindi biro ang gastusin sa mga ganitong kondisyon lalo't balewala na rin naman ang lahat...

Nakakalungkot din ito sa parte ko na somehow naging familiar na ako sa pasyenteng hinahandle ko...yun iba pa nga sa kanila inaabot ng ilang buwan sa care namin...

Naiintindihan ko na wala halos may gusto na mag volunteer sa pamilya ng patient. Sino nga naman ba ang may gusto na ikaw ang pipindot ng makina na eventually e papatay sa mahal nila sa buhay di ba?

Ako ang kailangan magturo sa isang miyembro ng pamilya kung paano at saan ang dapat niya pindutin sa ventilator...

Hindi ko gusto ang sitwasyon na ganito...mahirap...nakaka-guilty...

"Mam, oras na po...lapit kayo dito...ito po ang pipindutin nyo..."

"Alin dito?" saka siya muling titingin sa akin at sasabihin:

"Hindi ko kaya...hindi ko pala kaya (titingin sa mga kasama niya parang sumasaklolo)...please ikaw nalang ang mag turn off for me" sabay hikbi at akap sa iba pa niyang kapamilya.

Nalalagay ako sa ganyang alanganing sitwasyon. May nagba-back out. Hindi na ito bago sa akin...Titingin ako sa doktor na katabi ko at tatango lang siya akin.

Wala ako choice kundi gawin ang inaatas sa akin. Hihinga lang ako ng malalim at saka i-press ang power off ng makina. Pagkatapos ay maririnig ang biglaang pagtigil ng kanina lamang ay tumutunog at umiilaw na ventilator.

Katahimikan. Parang nakakabingi...

Lahat ay nakatingin sa taong nasa kama sa gitna naming lahat...unti-unting tumitigil ang kanyang paghinga...parang nauupos na kandila...

hanggang sa tuluyan ng pumanatag ang kanyang dibdib...

hanggang sa wala na kaming maaninag na buhay mula sa knya...

Ang tangi mo lamang maririnig ay nag natutunugan na monitors sa paligid...mag flatline na rin ang tracing ng heart rate...

Saka mo maririnig ang malalakas na hikbi na nagli-lead sa histerikal na iyak ng mga kamag anak...

Wala na siya...sambit ng ilan.

May mga nagdadasal...may mga humihingi ng tawad na dumating sila sa ganun sitwasyon na itigil na ang life support...

Sa mga oras na ito ako lumalayo...dito sa mga oras na ito ako nagdadasal...hindi ko gusto ang ganitong klase ng iyakan...nakakadala...nakakaantig ng puso.

Halos kalahati ng buhay ko ay nagugol sa loob ng ospital...

Pero hanggang ngayon, nakikipag laban pa din ako sa kalooban ko na wag maantig sa mga nagdadalamhating puso ng mga mauulila mula sa mga pasyenteng inalagaan ko at sinubukang muling mabuhay ngunit nabigo pa rin sa huli...


16 comments:

Bwryan said...

ang gloomy naman... at some point gusto ko rin sanang maging doctor kaso squeamish ako sa mga batang umiiyak due to simple fractures... ewan ko ba, kaya ko pang i-tolerate yung super bloody tapos basag yung bungo kesa sa ganun... hayzzZ (-__-)

bien said...

Haynaku I'm one of those na ayaw sa hospitals. It's full of uncertainty, false hopes and has this certain smell that makes me want to gag (arti).

How ironic, I practically lived in a hospital for more than a month when my father suffered a stroke.


PS: I love Sarah too

Mac Callister said...

@brian--hahaha natutuwa nga ako at nakagawa pala ako ng post na walanh halong kahalayan! success!

ang weird ha!di ka takot sa dugo pero ayaw mo ng mga batang umiiyak! maigsi siguro ang patience mo :-)

nubadi said...

naiyak ako dito mac. it's nice to know that there are people like you who may be desensitized with the medical aspect of being a nurse but whose hearts are still very human and compassionate. it's a sad and dark story mac, but the undertones are very positive.

dario the jagged little egg said...

Hindi ko kaya maging nurse or doctor, hindi ko kaya ang ganyang klaseng work. Kaya I salute all you guys na nasa Medical field!!

c - e - i - b - o - h said...

iheychu..
ayaw ko ng ganitong entry.. kung ung sa budoy nga umiiyak ako e lalo pa pag ganitong naiimagine ko..

:(

Mac Callister said...

@bien--totoo naman yun e...hospitals are for sick people...pero wag natin kalimutan na hospitals represents recovery and new life too :-)

i hope your dad's ok na.

@nubadi--salamat sa comment mo. and nakakatuwa na naapreciate mo itong entry na ito kahit na malungkot ang nilalaman :-)

@daniel--yeah, hindi lahat ay kaya ang ganitong area...buti nalang may free will tayong lahat hahaha.

Mac Callister said...

@ceiboh--awww!!! iyakin ka pala! di halata hehehe. thanks kikimo :-0

kalansaycollector said...

awwwwwwww.

hay saludo ako sa mga nurse at doktor.

hindi biro ang inyong trabaho.
gosh ambigat ng trabaho mo literally at figuratively.

Chyng said...

everyday is a test no? ang hirap.. kaya dapat kayo talang med people ang may malalaking sweldo kasi buhay ang hawak nyo. walang take 2. bawal magkamali..

saludo ako sa inyo! di ko kaya yan..

Unknown said...

hai, gloomy nga. Grabe much.

victormanalo said...

ang tapang mo pa rin kahit paano to survive in the world you choose in. di ko kaya yan.lol

Mac Callister said...

@kalansaykolektor--oo nga e...mahirap yun ganun moment...

@chyng--salamat sa comment mo..oo nga e kaya andito na ako sa abroad para kumita ng mas malaki, wala na kasing choice e...liit sahod sa atin alam mo naman hehe

@tim-- yeah. thanks for dropping by :-)

@victor--sanayan na din kasi...dati nga mega iyak talaga ako sa namatayan e nakakahawa kasi sila minsan!

eMPi said...

pangarap ko rin ang maging katulad ng propesyon mo. kaso hindi natupad. hehehe!

lakas at tibay ng kalooban talaga pag nasa propesyon na yan.

Mac Callister said...

@empi--sanayan na lang to hehe. why not aral ka ulet hehehe. thanks for being here :-)

manong pepe said...

hi im a nurse also and working for almost a year now. at first hirap din ako sa mga ganyang situations pero when i was transferred to icu, parang naging numb ako, kumbaga parang naging routine na lang. mahirap lang pag na attach na sau un relatives ng patient mo at mas mahirap kung relative mo mismo un patient.