November 4, 2011

Krimen Kay Tony


"Uy Mac nasa ER yun friend mo na si Tony a, may umatake daw na ibang lahi!" napa-ha lang ako at napanganga ata nun sinabi sa akin yun nun isa kong kasamahan.

Friend ko si Tony pero hindi sobrang close na magkukuwento siya sa akin ng lovelife nya or mga bagay bagay na masyadong personal. Masaya siya kasama at nag eenjoy kami sa company ng isa't isa. Isa siyang kaibigan para sa akin. Pareho kaming nag wowork sa iisang hospital. Nurse siya.

Mababakas sa mukha niya ang exhaustion nun makita ko siya. Nakabenda na ang mga sugat na tinamo nya.

Sabi niya, may nag doorbell daw sa flat nila at nagkataon naman na siya lang ang tao nun gabing yun, nang binuksan daw niya ang pintuan ay tumambad sa knya ang isang estranghero na tingin niya ay pakistani ang lahi.

Nagpupumilit umano ito na bigyan niya ng pera. Sinabi daw nya na wala at lumabas na lang. Pero matigas daw ang estranghero at naglabas ng kutsilyo.

Isasaksak daw sa knya yun patalim kaya naman sinalag niya ng mga braso niya. Takot na takot na daw siya nun mga oras na yun kaya nag sisigaw siya ng nag sisigaw! Pero wala dumarating...

Dahil na rin siguro sa adrenaline rush kaya naman kahit bading ay nagawa niyang manlaban sa malaking lalaki na umaatake sa knya.

Nagpambuno umano sila sa living room...Duguan na mga braso at kamay niya nun sa wakas ay may dumating para sumaklolo...

Sa takot daw nun pakistani ay nagmamadali itong tumakbo palabas at tumakas. Hindi na nahuli pa hanggang ngayon.

Nakakatakot ang pangyayaring ito kay Tony. To think na nasa loob siya ng accommodation ng hospital. To think na nasa bansang zero ang crime rate kami. Sa bansang takot ang mga tao na gumawa ng masama.

Isa itong realization sa aming lahat. Hindi pala kami ligtas afterall. Akala namin sobrang ganda ng security na tinatamasa namin lahat lalo't mayaman ang bansang ito, at higit sa lahat mayaman ang hospital employer namin. Sikat at may reputasyon. Sabihin lang namin ang pangalan ng ospital, mapapa bilib na agad sila.

Pero bakit nangyari pa din ito? nakaka disappoint. Lesson learned din ito sa amin. Wag basta basta mag bubukas ng puntuan lalo't wala naman ini-expect na bisita. Mag mimiskol or tatawag naman yun kung sinuman ang nasa pintuan a sabi namin.

Pinauwi na din si Tony pagkatapos gamutin ang mga sugat niya at makuha ng mga pulis ang statement niya.

Isang taon na ang nakalipas at naka move on na ang lahat...

Pero kagabi lang...naka received ako ng tawag sa isa na naman na kasamahan sa ER na andun na naman daw si Tony... duguan ang ulo dahil may pumalo daw... may bone fracture din siya at bugbog ang katawan.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kasama ko lang siya last time sa mall at masaya nya ko sinamahan bumili ng ref at pabango. Nag papalitan sa isip ko ang itsura ng masayahing Tony at ang duguan niyang katawan...

Grabe ang nangyaring ito this time. Wala pa ako idea kung sino at bakit may gumawa sa knya nito. Naka-admit na daw siya sa high defendency unit sa kabilang ospital at nagpapahinga.

Nagwo-worry kaming mga kaibigan niya kung bakit malimit siya masangkot sa mga ganitong insidente. Mga tanung na gusto namin masagot. Booking ba niya ang may gawa nun? kasi sa bahay daw nangyari muli ang pag atake kay Tony, yun unang insidente sa knya na nasugatan ang mga braso nya, dati kaya niyang booking din yun at binalikan lang siya for extra cash? O biktima ba siya ng hate crime?

Nag uuwi ba siya ng ibang lahi sa bahay niya? dahil kung totoo ang mga tanung na ito, kelangan na niya mag take ng extra ingat kasi delikado talaga ang ibang lahi...this have to stop....Pero hindi ko kayang itanung sa knya ang mga yun. Basta ang tangi lang namin magagawa ay ang pagpayuhan siya na mag ingat.

As of now I'm praying for his speedy recovery. At sana mahuli ang gumawa ng kahayupang ito sa knya.


At sana lang maging ligtas ang mundo para sa ating mga bading...everyone deserves a peace and loving environment.


10 comments:

Drama King said...

Nakakatakot nga! Doble ingat Mac! :)

Leo said...

In fairness, 300 na ang followers mo! :)

Sabihin mo kay Tony na magdasal rin. Nababad-vibes siya palagi. Try mo na rin kaya siyang kausapin. Baka kasi may malalim siyang pinagdadaanan.

egG. said...

grabe nakakatakot ha...

siguro ser mac.. kausapin mo nga siya.... sino pa bang magtutulungan e di kapwa pinoy din...


ingats po kayo jan... :)

c - e - i - b - o - h said...

naku naman,,

hindi ko alam kung un entry mo e for awareness o for chismis purposes..

but nonetheless, sana makarecover agad siya.. ayaw ko ng may nasasaktan..

Bwryan said...

nakapanglulumo lang kasi kung sino pa yung dayo eh yun rin yung gumagawa ng kasamaan sa kapwa dayo... praying for your friend's swift recovery...

on a lighter note, naku Mac dapat kanang mag train for judo at karate! Cheers! Keep safe always ☺

Mac Callister said...

@babit--kaya nga...salamat!

@leomesia--tumpak!natupad din ang wish ko na maging 300 na sila!haha....ewan ko ba dun,paggaling nya sasabunutan ko siya!charot

@egG--ganun na nga lang.sana gumaling n siya agad at di na maulit yun

@ceiboh--opkors for awareness to ano pa ba!hahaha! kaya ko to ipinost para mag ingat ang lahat ng bading na nasa middle east...at may natutunan kami sa nangyari sa knya, dati kasi basta basta kami nagbubukas ng pinto kahit wala inaasahan na dadating e :-(

@brian--oo nga e,lakas ng loob nun gumawa nun sa kanya.., ay di ko keri un magdadala nalang ako batuta?charot!

zeke said...

feeling ko nga teh booking niya yun. yun ang unang pumasok sa isip ko nung unang story.

likewise, dapat mag-ingat ka lagi. keep safe.

charles. said...

Aww, pagaling siya. Ingat ka din!

Anonymous said...

keep safe

citybuoy said...

301 na followers! haha congratulations! :)

Hope you keep safe din, mac. Wala nang kasiguraduhan these days.