August 6, 2011
Unang Tapak Sa Disyerto (part 2)
Buti nalang marunong makaintindi ng arabic kahit papano si kuya na kasama ko dumating. Kasi kung ako lang, never ko siya mage-getz!
Gusto ko na makapasok sa airconditioned room nun time na yun. Pakainit grabe! Idagdag pa yun gutom na nararamdaman namin.
"Wag ka mag alala...for sure yun mga dadatnan natin sa flat na tutuluyan natin e naghanda ng dinner for us. Ganun kami noon sa saudi e" naalala ko pang sabi ni kuya sakin nun nasa kotse pa kami.
Iniimagine ko na ang tutuluyan namin...puro barako! na-excite na nag worry ako...kasi pano pag di ko sila napakibagayan? pano pag di nila ako trip kasama?
Six storey yun building ng accommodation namin, hindi siya bago pero maayos naman. Dinala kami ni mohammad (yun caretaker) sa 6th floor. Bongga lang! talagang sa tuktok pa dapat?!
Parang condominium pala yun flat, ganun pala dito hehe. Ang laki! in fact malaki pa sa bahay namin sa pinas! Airconditioned buong bahay at may mga gamit na din. Parang tanga lang ako'ng namamangha! chos! at ang kusina ay kumpleto sa gamit mula sa oven, ref, kalan, at ang pinaka gusto ko sa lahat: ang automatic washing machine! Ang saya lang maglaba, alang ka hirap-hirap.
May balcony din kami na wish ko lang kung matatambayan ko sa init ba namang ito! lapnos ang balat ko for sure! LOL
Nag antay ako ng mag we-welcome saming dalawa. Pero tahimik. Yun pala kami lang ni kuya ang laman ng flat! As in bakante siya!
Kumusta naman ang welcome party kuya???!
May tatlo'ng kwarto bawat flat sa building, akala ko share-share dito, yun pala solo-han ito! at napunta sakin ang master's bedroom na may sarili'ng banyo! taray! Ang laki ng ngiti ko nun makita ko ang room ko na halos doble ng room ko sa bahay namin sa pinas!
May mga sinasabi pa itong si Mohammad, na siguro e mga rules and regulations ek ek na dineadma ko nalang kasi malay ko ba sa mga pinag sasabi nya! Hindi ako miss international para maintindihan siya noh! LOL
Ininterpret sakin ni kuya yun sinabi nun egyptian: Bawal daw magdala ng babae sa building na ito...
Muntik na ko masamid! but opkors never mangyayari yun kuya hindi po ako kumakain ng petchay! hahaha sa isip isip ko lang naman yun.
Nung maka settle kami, naisipan namin bumaba at humanap ng makakainan. Nagpasama ulet kami kay Mohammad. Nakakatawa dito, later on nalaman ko na halos lahat pala ng lalakeng arabo dito e mohammad ang pangalan! (Isinunod sa propeta nila)
Ibinayad agad namin yun pera na binigay sa amin nun driver kanina hehe. Kaya naman nakakain kami sa Merry Brown (fastfood...parang jolibee lang ek ek nila dito). Kaing-construction worker naman kami'ng dalawa sa gutom!
May napansin ako kay kuya bukod sa namumuo ang laway nya sa gilid ng labi pag nagsasalita...e, napapahawak din siya lagi sa bayag nya sa labas ng pants! LOL! a mannerism i guess. But a bad one! hahaha
Parang:
"oy mac (hawak sa bayag) ayos ka lang ba diyan? (hawak sa bayag)"
Pero dineadma ko nalang, matanda na pati siya. Kaya keber!
Maganda yun location ng accommodation namin, malapit sa mga commercial establishments. madami mabibilhan kahit konti lakad lang. Hindi ako magugutom sa isip isip ko. Although, nag aral ako mag luto ng mga simple'ng putahe ilang buwan bago pumunta dito sa middle east. Kasi alam kong walang mag luluto for me here.
Nagbasa-basa din ako about sa culture nila. Pati mga damit ko ay piling-pili. Bawal daw ang maigsing shorts, ang mag sando, ang mag suot ng bra at mag make up ang bading! LOL!
(sympre naman! bawal talaga bading dito haha! pwde naman ang bading, basta ba di ka bulgar na bulgar...konting hinhin kumbaga! at nasa paraan mo nalang ng pagtatago yan basta you do it inside your walls you are safe! at iwasan mo ang ibang lahi, lalo na ang mga arabo! dyan ka mamatay (either sa sarap or sa totoong kamatayan! chos: yan ang turo sakin mga lolita ko dito haha!)
Remember the nurse na nag suicide? click here
Hirap ako matulog sa unang gabi ko...parang minumulto ako na ewan ko! Feeling ko inaangat yun kama ko!hahaha~ kaya naman natulog ako na bukas ang ilaw! Di ko sure if may multo din sa middle east! nyak!
Hatid-sundo daw kami ng driver ng hospital at libre ang meal 3 times a day for 3 days daw. Oh di ba, hong-taray!
Yun nga lang di ko naman malamon yun foods! puro arabic na ang sama ng lasa! at yun kanin nila, parang laging hilaw na mahahaba ang butil. kaloka!
Nag report na kami sa kanya-kanya namin department. Ninierbiyos ako nun makaharap ko yun chied therapist namin at mga ilang makakasama sa work. May mga Pana (mga bumbay--para di nila malaman na sila pinag uusapan hehe), mga arabo, at madami pala'ng pinoy! natuwa naman ako.
Libre lahat ng scrubsuits at white lab coats. Andami machines na di ko pa alam gamitin. Hello! galing po ako ng third world country! hehehe. wala kami nyan sa bundok! chos.
Naisipan namin ni kuya na wag na muna magpahatid sa service ng hospital. Nag bus kami. Para makapasyal na din around the city. Puro pinoy ang driver ng bus. At ang gasgas na linya ng mga pinoy sa pinoy dito e: KABAYAN!
Unti-unti nang napupuno yun bus...at unti unti na din nag aamoy cheeseburger sa loob... bumabaho! Amoy anghit! amoy putok! taena! ito pala yun sinasabi nila na amoy ng mga PANA at mga iba pang lahi! hahaha!
I swear di nila alam na may produkto na tinatawag na deodorant!
Pagkatapos namin mahilo-hilo sa amoy. Tumuloy kami sa mall para bumili ng rice cooker at mga iba pang necessities. Madami din pinoy products na available pala. Kakaaliw. Hindi ko masyado mami-miss ang mga pagkain sa atin.
Naloka din ako sa mga lalakeng nag ki-kiskisan ng ilong bilang greetings sa isa't isa. At andami din mga bumbay na nagho-holding hands! ganun daw sila pag magkakaibigan. Oh di ba so gayyyy!
Wala pa ko internet sa flat namin. Mabuti nalang pala nagdala ako ng laptop na pinuno ko ng movies! Atleast hindi ako naiinip sa paglipas ng oras na walang ginagawa.
Yun nga lang wala ako porns!!! hirap tuloy ako magparaos ng wala'ng visual aids! LOL
Labels:
bading,
balikbayan,
bus,
disyerto,
filipino abroad,
gay,
gitnang silangan,
kabayan,
merry brown,
middle east,
ofw,
pinoy gay overseas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
nice! you're blessed to have that kind of job. ang daming perks! :)
natuwa ako sa nose to nose! :)
ha ha ha...visual aids pa ang kailangan talaga? nya ha ha ha ha
I swear di nila alam na may produkto na tinatawag na deodorant!
nastress ako bigla! hahaha
yung ibang lahi kaya may putok kasi spicy ang pagkain nila. grabe bawal ang babae pano kung nanay or kapatid
Teh nainggit naman ako sa flat mo. Ako bed space lang sa Dubai na parang sardinas lang. Purita. Ang joke nga- di naman bed space kundi bad space. Hayyyy na-miss ko bigla titi ng arabo.
Timing itong post mo, brother ... me linaw na yun working abroad ko...got the employment contract already...work permit being processed already ... haayyy... excited n ako ...
hehe, nice, ngaun ko lang nabasa ang part two. natawa ako ng sobra dun sa bus, hahaha. cheeseburger talaga. ahaha! grabe. saket sa ulo nun.
parang naamoy ko hanggang dito yung amoy putok na yan! sorry but ayheytit hahaha! baka sumisignal si manong hawak-bayag.
Post a Comment