August 17, 2011

Ang Tatlong OFW

.



Si Manong Oscar...



Busy ako sa ICU kung san ako naka-assign nun gabing yun. Napatingin ang lahat sa grupo ng mga Pinoy na nag iiyakan dun sa labas. May kamag anak sila sa kabila? Bihira lang kasi kami magka pasyente sa Intensive care unit ng mga kababayan natin.

May namataan akong beki. Go ako at lumabas para alamin kung bakit... at magpapansin na din dun sa pinoy na bading hehehe. Magkatabi yun dalawang magkaibang ICU kasi.

Nung makapasok ako sa loob, napag alaman ko ang situation:

Bad pala ang kalagayan ni kabayan :-( nakalimutan ko na tuloy si beki....

Nag cardiac arrest siya sa hallway habang inililipat sa ICU at nakita yun ng mga kamag anak nya. Yung actual na nag si-CPR sa harapan nila kasi nga dun inabot sa hallway...believe me hindi kaaya-aya makita na ang mahal mo sa buhay ay sinusubukan buhayin ng mga staff sa harapan mo...Kaya pala ganun ka hysterical ang iyak nila.

Pagkatapos subukan i-revive si Manong Oscar sa loob ng isang oras, pumanaw din siya.

Ang concern ko lang. Sana di nila itiransfer si kabayan natin ng hindi pa siya stable. Aabutin talaga yun sa daan. Ang siste pala, kailangan ng isang pasyente na taga-dito (local) sa bansang ito yun kwarto sa isa pang ICU sa itaas."sila daw kasi ang priority?" Kaya walang urada, yun pinoy ang inilabas nila. tsk tsk tsk. Kakainit ng ulo!



Si Ate Cora...



Nun nakaraan naman...sa cardiology care naman ako naka assign ng mabasa ko ang chart ng isa namin pasyente na comatose at naka life support nalang. Kababayan din natin na babae. Andun yun dalawa nyang kamag anak at nakatingin sakin. Kala ata doctor ako. Nagpakilala lang ako na therapist.

Buntis pala si ate at kabuwanan na nya para i-CS...sumakit ang tiyan at nagtungo sa kanyang doctor na ibang lahi. Ang sagot daw ni manggagamot e. Hindi pa ready ang baby..balik ka sa ibang araw...

Umuwi si ate. Pero kinabukasan nakaramdam na siya ng kakaiba sa bata sa tiyan. Hindi na ito gumagalaw. Isinugod si ate sa hospital at mabilisan dinala sa operating theatre. Patay na ang bata. At si ate, nagka-komplikasyon dahil dito. Bumigay ang puso nya, at nadala siya dito sa ICU at ito nga nira-rounds ko siya at kasama ng pangangalaga ng mga nurse na kababayan natin.

Minsan kasi we find relief na may mga kapwa pinoy tayo sa dayuhang bansa. At madami tayong pinoy everywhere. Kahit papano, alam mong andun yun concern lalo na kapag kababayan namin yun pasyente.

Hay...mahirap talaga kapag nasa ibang bansa ka...wala ka sa sarili mong teritoryo. Hindi mo lubusang magamit ang karapatan mo.

Sana idemanda nila yun doktor at sana matulungan sila ng embahada natin dito.



Si Ate Clarisse...


kapwa therapist namin siya...sa ibang branch siya ng hospital naman naka assign kaya naman madalang ko siya makasama. Pero dahil sa pagputok ng gulong ng sinasakyan nilang van papasok ng morning duty sana...ilang beses bumaligtad at nagpagulong gulong yun sasakyan sa highway na mabilis ang takbo nun mga oras na yun.

14 daw yun passengers at 7 dun ang tumalsik sa labas ng sasakyan at pumanaw. Isa na dun si ate Clarrise. Three months siyang nagdadalang tao. At isa pang pinoy nurse na 8 months pregnant naman daw ang nakitang nakasabit sa alambre sa may gilid ng kalsada. Nag aagaw buhay pa daw ito nun alisin sa kinalalagyan nya.

Ilan araw din nag iiyakan sa department namin nun time na yun. Halos tulala ang lahat. Mahirap pala yun, kapag kakilala mo at namatay sa tragic accident. Nakakalunos.

Sinagot ng hospital lahat ng gastusin nun mga biktima at mga kamag anak. Wala naman kasi magagawa kasi aksidente ang lahat.

Sabi ng mga kasamahan ko, ang buhay ng tao, walang kasiguraduhan. Maigsi lang ang buhay. Kaya sana i-enjoy mo ito. Dahil di mo alam bukas-makalawa, wala na. Huli na.

Pag time mo na kasi, time mo na. Kahit ano pa gawin natin. Basta mag ingat nalang siguro at magdasal at ipaubaya sa diyos dahil siya lang naman ang nakakaalam ng lahat.


P.S

Pasensiya na kayo sa malungkot kong entry today. Minsan lang naman to. Maging seryoso naman minsan at di puro kalandian at kaselfish-an ang blog ko :-)




*****
Read more OFW story. Click HERE.

12 comments:

bien said...

Sad. Buhay OFW nga naman. Walang kasiguraduhan minsan.

Leo said...

Malungkot at may kurot sa puso. Madalas ganyan ang mga stories sa hospital. Ibang iba ito sa mga nakaraan mong kwento.

Gayunpaman, yan ang realidad ng buhay, at sang-ayon ako sa sinabi mo, Diyos lang ang nakaka-alam ng lahat.

Inspiring. :)

bulakbolero.sg said...

salamat po sa pagbisita sa bahay ko.

binasa ko naman entry mo. pramis. pero mabilisan. lol. baka kung anu isipin ng mga nasa likod ko dito sa opisina. kung anu ano kasing drawing yung nasa blog mo. lol. joke lang.

pero ayun nga, malungkot, pero ganun talaga ang buhay...

Mac Callister said...

@bien--yeah...nun dumating ako dito di ko din alam ano mangyayari sakin dito...

pero sana mapangalagaan ng mga govt natin ang kapakanan nating mga OFWs.

@leo--salamat sa pagbisita friend:-) ewan ko ba bigla nalang ako inatake ng pagiging serious this time hehehe

@bulakbolero--hahha ka tino ng blog ko! wala naman bold guys a!LOL sa bahay mo nalang basahin...NSFW kasi lalo na sa mga straights!LOL

Nimmy said...

oh my! buntis pa naman silang dalawa. :(

oo sis. dapat thankful tayo lagi. thankful din dapat sa gandang ipinagkaloob sa atin. ganyan. :)

Anonymous said...

how sad naman this one, eto ang isang reason kung bakit ayaw kon gumalis dito sa pinas, kung kaya ko naman mabuhay dito,feeling rich parin naman sa puder ni mama at papa kaya dito nalang ako, kung aalis pa ako, tapos kung may manyayari sa akin, baka ipagisantabi lang ako ng ibang lahi, hindi katulad dito, pwede ako maoperahan ng walang bayad haha, nice post, so touching..

dario the jagged little egg said...

Really sad. Thanks for sharing these stories :)

Mac Callister said...

@nimmy--oo nga e nakakabigla mga nagyayari...and yeah, count our blessings nalang and be happy that everyday is a blessing....

@mark--kanya kanya na lang cguro talagang tadhana yan...

@daniel--you're welcome and thanks for visiting :-)

Anonymous said...

grabeng kalungkutan ito...

ZaiZai said...

nadepress naman ako dito..but thanks for sharing mac..

Anonymous said...

un me sakit nga lang nadedepress nako, ung namatay pa kaya ng wala ka sa sariling bansa :(

Vitori Vita said...

Awww its so sad... =(( I wanna cry.... Sumalangit nawa ang kaluluwa ng mga pumanaw...

I too am an aspiring OFW and now I dont know if it will be worth it... Sana naman... =)