July 31, 2011

Unang Tapak Sa Disyerto (part 1)


Two years ago, bagong salta lang ako dito sa bahaging ito ng middle east...ang bilis talaga ng panahon...ngayon madami nang nangyari, marami akong natutunan. Isa na nga talaga akong OFW...yun nga lang, bading na OFW...toink!

Pero laking pasasalamat ko kasi super enjoy ako sa trabaho ko, sa mga mababait na kasamahan at higit sa lahat sa mga naging kaibigan ko dito.

Di ko pa pala na i-share sa inyo ang nangyari mula nun unang tapak ko dito sa gitnang silangan. Samahan nyo kong balikan ang mga pangyayari dalawang taon na ang nakakaraan:

(insert music...#harp playing)

Pagkahatid ng pamilya ko sa kin sa NAIA, hindi pa ko nalungkot nun. Para ngang wala lang. Parang luluwas lang ng maynila drama ko.

Unang sakay ko ito ng eroplano. Kabado na excited ang pakiramdam ko. Di ko pa alam nun na bulok pala ang Gulf Air! hahaha. Hinayupak kasing agency ko, tinipid pala kami, wala nga kami'ng placement fee kahit singko pero kinupit pala nila yun pambayad dapat sa Qatar Airways! na isang world class airline! Go figure!

So ako naman yun, kiver kung anong sasakyang airline, go lang ako sa flow.

Sinabi sakin nun recruitment agency ko na may kasabay daw akong pinoy muslim, medtech siya, therapist ako. Pero pwede na sabi ko sa isip ko. Ang mahalaga hindi ako nag iisa papunta dun. Na-meet ko naman si Kuya agad sa airport. Mga edad 40 na siya. May walong anak sa mindanao. Mabait naman siya.

Yun nga lang naiipon lagi ang laway sa gilid ng labi nya tuwing magsasalita (ansamaaaaaaaaa ko! LOL)

Nag stop over kami sa bansang Bahrain ng isang oras ata yun. Puro Pana ang nakikita ko. Excited na ko makakita ng mga arabo. Gwapo kasi ang tingin ko sa lahi nila. Upo lang kami sa airport, antay ng oras. Si kuya sanay na, kasi galing na pala siya sa saudi 3 years ago.

Nun finally nakarating na kami sa Qatar airport, kabado na ko. Pano pag nahalata nilang bading ako? OO yun una tumakbo sa isip ko haha! Ayaw ko umuwi noh! Tinanggal ko ang agam agam. Di naman siguro. Tinignan ko sarili ko habang nakapila. Manly naman ang suot ko a...LOL

Pati sinunod ko lahat ng bilin sakin, walang naka save na file na bold or M2M sa cel or sa laptop in case ma check ang gamit ko. Wala din akong dala mga pork products ek ek. Lalo na mga dibidi-dibidi!

"Uy may arabong cute!!!" muntik ko ng masabi ng malakas!haha. Pinigil ko sarili ko.

Sa wakas, nakakita din ako ng mga arabo na naka white THOUB complete with head dress... naglalakad ako sa likod nila..ang tatangkad nila...naaliw ako sa mga suot nila na pare pareho'ng naka puti~!

Andami nila...nalulunod na ko...chos!

At tama, andaming gwapong arabs! Wagi! Pero siyempre di ko pinapahalata na type ko silang lahat! Balita ko pa naman mahilig sila'ng mang gang-rape!

ay type! chossssss!

Paglabas namin sa waiting area ng airport, ini-scan namin ang paligid sa susundo samin gaya ng sinabi nun taga agency sa pinas.

May nakita kaming Pana na may bitbit na karatula na pangalan ng hospital na pagta-trabahuhan namin.

Lumapit kami sa knya at tinanung niya kung kami ba sina ganito at ganire hehe. Pagkatapos inabot nya samin ang dalawang white sobre.

Yun isa naglalaman ng letter na wine-welcome kami sa corporation blah-blah. Pati detalye ng number ng bahay, at room na magiging tahanan namin. Pati na din ang susi sa pinto.

At yun pangalawang sobre naman ay naglalaman ng two thousand riyals (around 24K pesos ata) na gagamitin namin pansamantala habang di pa kami nag uumpisa sa trabaho at di pa sumasahod.

Ayos to! atleast di ko magagalaw yun baon kong $200! Kasi natakot akong wala akong gagastusin pagdating dito kaya nagbaon ako, incase lang naman.

Sumunod kami sa parking lot kung san andun yun company car na magdadala samin sa magiging flat namin. Yun kasi ang tawag sa mga tinutuluyang bahay dito. FLAT.

Dito ko na naramdaman ang matinding init ng panahon. Ang sakit sa balat. Para akong niluluto. Pati simoy ng hangin! Grabe. Imagine 48 degrees ba naman! Yun iba nga dumudugo pa ilong! E sa pinas 32 degrees lang kaya tayo dun.

Buti nalang mayaman tong mga bansang to sa middle east, pano nalang kung poor sila?e di walang aircon kahit saan! LOL

Nakarating na kami sa accommodation namin. Kinatok nun driver yun caretaker ng building at ipinakilala kami.

Egyptian siya. Wala akong maintindihan. Di siya gaano marunong mag english. Nag nose bleed ako hindi sa init kundi sa mga pinagsasabi nya!


Itutulog...


este itutuloy pala!





*kelangan ko na matulog! Galing pa night shift ang beauty ko! LOL

July 27, 2011

Isang Taon


Isang taon na pala ko'ng single....damn, that's a long time.

Isang taon na pala akong tigang...tagtuyot...tag araaaaaaaw!

Oo ako ang walang nakaka-sex!!! Oo, ako na ang loser! nyahaha!

Pero come to think of it (uy ingles yun!) I don't feel that bad at all...I don't know, parang wala lang...teka, baka naman menopausal stage na to?LOL

Naku wag naman sana...kasi di pa nga ko dinadatnan, kala ko delayed lang ako this month...echos!!!!



*sorry sa walang kwentang post haha...sabog pa ko..galing ng night shift lagi*

July 25, 2011

Sisterly


I only have one sibling, and that is my sister, I'm just a year older than her and I could still remember very clearly how we were when we're young.

We are like cats and dogs. We fight all the time. Literally. I don't remember a time that we never get jealous of anything. So my parents have to get me something if they gave anything for my sister or else...it would be chaos in the house!LOL

So if she received a doll, they have to give me a doll too!

Kidding!!!

Of course, i would love to have a car or a gun during those times...ano bah!!! (hawi ng bangs!chos!)

When we're fighting, it was like a wrestling match. I would pull her hair and dragged her accross the living room while she screams for help! Ibabalibag ko pa ulo nya saan-saan sa gigil ko!

And if she has the advantage over me, she would use a wet towel and lashed it on my face! and it would leave a reddish mark on my face and I would cry so hard till my mom comes! LOL

Fighting over who would wash the dishes was also a classic one! Sometimes it would take a whole day who would surrender to wash them till my mom arrives and beat us both! hahaha

Those memories makes me smile. We came a long way. Me and her. We are both adults now and she is married to a great guy and having a cute 7 year old boy and another one on the way.

Our relationship somehow changed and we became matured and responsible. I came OUT on her first and accepted me wholeheartedly.

Whenever I'm on vacation back home, she never fails to make my stay worthwhile. She prepared and cooked my favorite foods. Pag nag request ako ng kakainin, later on, andun na yun sa lamesa. She's making sure I'm comfortable and contented.

Especially my last vacation this year...we are closer than ever. Most of the time we go out together. Just the two of us. And always reminding me how to be careful in choosing someone to date and who to fall inlove with.

"Ayoko masaksak ka sa motel tanga ka!" her famous line whenever I go out alone and meet someone or go on a date.

Sometimes I felt that she's the one older. Because, she thinks much wiser than me. Last year when I had my first vacation and its my flight back to the middle east when she hugged me I felt really awkward because Im not really the hugging type of person when it comes to family members.

But this year, when I'm about to leave and say my good byes to them again, my body automatically approached her and hugged her really tight this time. I never felt awkward at all...

We are really different now. And we are both grown ups who loves each other. And besides, I know she will be there for me no matter what.

And I know she would take care of me when I'm old and...alone.

July 18, 2011

Sex Could Ruin Everything


Late na ko nagising kinabukasan. Nakahiga pa din kaming dalawa ni Brian sa kama. Di ako kumikilos para bumangon, tinatamad pa ko. Naalala ko ang nagdaan gabi. Napangiti ako. Nakatulog pala kami magkayakap.

"Nahihiya ka pa kagabi ha..yayakap ka din pala!" si Brian habang tumatawa, gising na din pala si gago.

"asus! Ikaw naman, gustong gusto! halatang halatang nasasarapan!" ganting tukso ko

"ang kapal mo! if I know ikaw unang kinilig!"

"ah ganun ha!" niyakap ko siya ng mahigpit mula sa likod at idiniin ko ang etits na tumigas na naman sa puwitan nya!haha! Tapos kunyari sinisibasib ko ng halik ang leeg at batok nya habang todo iwas naman siya na kiliting kiliti sa ginagawa ko.

"Shhhh! Wag ka maingay! Maririnig nila tayo sa labas hahaha!" pigil ko sa pagtawa niya."halika, sex na tayo, tignan mo, libog na ko..."

"ayaw ko nga! friends tayo noh" sagot nya.

"e ano naman?! e di fucking friends!" biro ko pa.

Sinubukan ko siya halikan ulit pero parang wala na nga akong maramdaman na kakaiba. It felt weird. Awkward. Di ko na lang tinuloy pa. Nagkwentuhan nalang kami na magkayakap sa kama. Binalikan ang mga moments na nakakatawa. Mga personal na nangyari sa buhay buhay.

Talaga sigurong magkaibigan nalang kami ngayon. Tama siya. Mas ok na kami ng ganito, di kami nag aaway, at di na dapat gawing komplikado ang lahat. Sex could ruin everything. Kaya pinigilan ko nalang sarili ko. Mas mahalaga ang friendship namin ngayon.

Pagkatapos mag lunch, dumiretso na kami sa Enchanted Kingdom. After 3 years nakabalik din ako dun haha. Sobra kaming nag enjoy sa mga rides. Nagsuka pa yun friend ko after sumakay sa anchor's away!hahaha! Kakahiya!!! after nun itinakwil ko na siya! chos!

Alas onse na ng gabi kami nakauwi. Lahat pagod pero masaya. Nauna na natulog si Brian, bukas na siya uuwi. Pagpasok ko sa room at makita siyang nakahiga, biglang tumirik na naman ang di dapat tumirik!LOL

Napabuntung hininga nalang ako at pumasok sa banyo at naglabas ng init ng katawan! ayoko pa naman ginagawa sa banyo yun! hindi komportable! pero wala ng ibang venue e! Gusto ko sana couch! LOL.

Paulit ulit na sinasabi sa sarili na: sex could ruin everything-sex could ruin everything. Saka ako pumasok sa room at nahiga sa tabi nya para matulog.

Malapit na ko makatulog nang maramdaman ko ang braso nya na yumayakap sakin. Gumanti ako ng yakap saka sinubukan matulog ulit.

July 14, 2011

A Good Night Sleep


"Mac, san ako matutulog?" tanong ni Brian nun silipin nya yun room at wala na yun kutson na nilatag ko last year nun dito din siya natulog. Bakasyon ko din yun. Hinatid nya ko sa airport with my family.

"Wala na yun e, sira na. At saka may daga dyan sa sahig akong nakita. Mamaya gapangan ka pa, gusto mo???!" depensa ko. Muntik na ko mapatawa sa inimbento kong daga. Hindi na siya umimik at tuluyan ng pumasok sa kwarto para matulog.

Nasa mall ako kanina para magpa-facial treatment nun tumawag siya at sinabing on the way na daw siya to visit me bago ako lumipad pabalik ng middle east. Saturday ngayon at sa wednesday na flight ko. Nagtatampo ako sa knya kasi tagal ko ng inaantay na bisitahin nya ko. Ngayon lang naisipan ng hayop. LOL

Sinagot ko na din facial nya, pagkatapos, kumain kami ng dinner. Nun una medyo naiilang pa kami, halos wala mapag usapan, pero eventually, naging at ease na ulit kami sa isa't isa kaya nagkukulitan na ulet.

Pahapyaw nyang nabanggit na nakipag break na siya sa current bf nya. Kunyari di ko narinig. Tuloy lang ako sa pag kwento. Sa isip isip ko, this is getting better and better. At least kung mag sex man kami di kami magi-guilty! (sabi ng dimonyo sa isip ko sabay ngiti!LOL)

Pagdating sa bahay, malugod naman siya kinamusta ng pamilya ko. Bakit daw ngayon lang siya ulet dumalaw blah-blah-blah.

"See love na love pa din ako ni Tatay at ni ate..." bulong nya nun nanonood kami ng TV.

"Oo nah! ikaw na!"

me and brian at enchanted kingdom

More than three years na nun mag break up kami ni Brian. Siya ang pinakamatagal kong nakarelasyon. 19 years old palang ata siya nun haha. Pero nanatili kaming magkaibigan sa kabila ng lahat. At siya lang din ang nakasundo ng sister ko ever.

Heto nga, nakahiga na siya sa kama ko. Nakatagilid. Kita ang makinis na legs. Kita ko ang kurba ng balakang.

Nilibugan ako...

chos!

Naisipan ko nalang mag browse ng blogs. Inabot din ako ng ilang oras. Tuwing maalimpungatan siya sa pagtulog nakikita kong naiinis siya. Parang gusto mahiga na ko at mag sex na kami! LOL (inisip ko lang yun, di ko sure haha)

Finally, naisipan kong matulog na din. Nakatihaya ako sa kama. Mulagat. Nakatitig sa kisameng madilim. Masikip. Single bed lang kasi yun. Pero that's the idea e, yun masikip. Alam na!!! Nakatagilid pa din siya sa kin. Nakailang ikot ikot ako sa kama. Di ako mapakali. Kelangan akitin ko to'ng gagong to! LOL

Nilakasan ko ang loob ko at tumagilid din ako paharap sa knya.

Iniyakap ko yun kamay ko sa tagiliran nya.

Nakiramdam ako.

Walang reaksyon.

Dinikit ko pa lalo ang katawan ko sa likod nya. Wala pa din reaksyon.


Deadma.


Nilagyan ko ng unan ang sa may parte ng etits ko kasi kakahiya naman na maramdaman nya na matigas na matigas na yun "ano" ko. haha! Baka isipin nya pervert ako!


Dikit na dikit na ko sa knya.

Hmm, napangiti ako. Napayag si mokong. Nun last uwi ko, Dati dati kung itulak tulak nya ko e. Iniyakap ko pa ng mabuti ang braso ko sa katawan nya.

Iginapang ko pa ang aking mga kamay...

may hinahanap...

madali ko naman natagpuan.

Ang malambot nyang kamay.


Inihulma ko ang aking mga daliri sa knyang mga daliri...

Naramdaman kong pinisil nya at hinigpitan ang pagkakawak sa mga daliri kong nagpilit mangahas...

Sa kakaibang saya ko nakalimutan ko na ang maka-mundo kong balak. Napalitan nalang ng pagkalma ng kalooban. Ng excitement ng puso.



Hanggang sa makatulog na kami pareho sa ganu'ng posisyon.





(Click HERE for all related posts about Brian)

July 11, 2011

I'm Fine Now


Today is my fifth day back here at the middle east. My first 3 days are very difficult. Been adjusting to the weather and time difference. I was lonely and feeling homesick as expected. I know I will be in this phase. Been like this last year. I know, all OFWs got through this too. I wanna cry but my tears are not coming. I missed my family. I missed home. Been calling them every now and then.

hangbigat sa dibdib ate charing!

But I'm all okay now. Finally. As soon I started working at the hospital and saw my crushes, as soon as I saw some patient's blood, some open chest with their heart's exposed and beating, as soon as I saw some leg broken (and some dick?chos!) and this and that...I know I will be okay. LOL!

I got through it at last. Now I'm back to my old crazy self!

Purita ako pagdating ko dito, I spent all of my savings back home! Now I'm eating, dried pusit and salted eggs! LOL

July 6, 2011

Last Day Na!

Today is my last day to our country. I've finished packing my baggage just now. My flight will be this afternoon...36 days have passed by and now its time to go back to the middle east, go back to work, going solo once again for a whole year. I am goin' to miss my family and friends. Mabigat ang dibdib ko na aalis, but I have to be strong and be a MAN...chos!!!


Farewell...see you next year.


Thanks to those "secret" bloggers that I've met. Salamat sa inyo. Also to Nimmy and Leo. To Desperate Houseboy, thanks for spending some good time with me, and thank you for the friendship. To Mark, I received your message, its also my pleasure meeting you at last, to Brian, thank you for that two days you've spent with my family. All of you guys made my vacation special.

So that's it! My next blog post will be on the other side of the world na :-)

Good night!

July 3, 2011

Bloggers@Cibo

.

Finally, after a year! natuloy din ang much awaited meet up namin nina Nimmy at Leo nung Friday! sabi ko dapat silang dalawa talaga, di pwdeng wala ang isa! parang ReyCards lang! LOL

Gustong gusto ko matuloy to kasi feeling ko pag na-meet ko sila e gaganda na din ang vibes ng lovelife ko kasi napaka refreshing ng personality at ng lablayp nitong mga to! Kaka-inspire! Chos!


Me (as usual nagtatago!LOL!), Leo and Nimmy

Salamat at pinagbigyan 'nyo ko, and naglaan kayo ng time to see ang isang kagaya kong taga subaybay mula sa buhanginan :-)

At di nyo ko binigo, habang kumakain sa Cibo resto sa gateway, sobrang nag enjoy ako sa walang puknat na chikahan at ka-ek-ek-an evah!!! Till next year my friends! See you soon! hehehe