May 8, 2011
Pagmamahal Mo
Lahat tayo may kanya kanyang love story na binubuo sa ating isipan...nangangarap...masarap mag wish na sana magkatotoo ang mga ito, na sana maranasan natin na magmahal at mahalin...alam natin na hindi ito ganon kadali.
Masakit magmahal. Masakit umasa at mabigo. Totoo yan.
Minsan magmamahal tayo pero di natin natatanggap ang pagmamahal na gusto natin in return...laging may kulang...
Pero kahit nam gusto mo pa din magmahal at mahalin kahit konti...
Mga tanong na nasa isipan mo ngayon, andami mga bagay bagay na humahanap ng sagot....Bakit nga ba mahirap humanap at makatagpo ng taong magmamahal satin?
Minsan naiisip mo, hindi ka ata karapat dapat mahalin?
Pero pano ka ba magiging karapat dapat?
Sa mundo na pagandahan at pisikal na anyo ang batayan, ano ang panama ng isang simpleng tao na gaya mo?
Susunod ka ba sa itinatakda ng paligid at babaguhin ang iyong sarili?
Ilan na ba ang nakilala mo na minahal ka ng dahil ikaw yun at tinanggap ka ng buo kung ano ang meron at kaya mong ibigay?
Marahil, masasabi mong meron naman...
Pero bakit ganun? pagkatapos ng pagkahaba habang proseso ng pag hahabulan at panahon na dumaan magkita at magtagpo ang inyong landas...
Kung andiyan na ang isat isa, abot kamay na ang ligayang matagal na pinangarap sa isipan lamang noon...hawak kamay mo na ang iyong love story...
Bakit hindi mo kayang panghawakan ang pangakong ibinigay nyo na magmamahalan kayo...bakit sa problema kay rupok nyo? bakit sa pagsubok kay dali nyo sumuko?
Ganun ba talaga ang pagmamahal? O sinabi lang nila na mahal ka nila at gayun ka din sa kanila? isang pagkukuwanri...pagbabalatkayo...
Minsan naiisip mo...Nakakaya ng iba di ba, marami kang kilala na tumagal ng mahabang panahon na matibay at matiyagang umaalalay sa isat isa...
Pero bakit di mo magawa?
Sana this time, ready ka na...matured to handle it differently.
Sabi mo hindi ka na naman naghahanap ng taong mamahalin, sa katunayan, andami mong kaibigan, masaya lagi, magulo, asaran. Okay ka na dun.
You are living your dream ika nga...maayos ang lagay mo, maayos na trabaho, kumikita ng tama lang sa pangangailangan mo...
Pero tao ka lang...may mga pangangailangan...malamig ang gabi...hinahanap mo ang pagmamahal na nalasap mo dati...
Mga halik at yakap na may assurance na mahal ka nya...
Minsan naiisip mo ayaw mo ng magising nang nag iisa, na sana pagmulat ng mga mata mo kasabay ng pagsikat ng araw, andiyan siya sa tabi mo...pinagmamasdan ka hanggang sa ikaw ay magising...nakangiti...
O di ba kay sarap lasapin ng ganun umaga...at maibubulong mo sa sarili mo na, this time:
mamahalin ko tong "gagong" to ng buong buhay ko...
ang taong ito na nakikita ako sa kung ano ako...sa kung ano meron ako at kung ano ang kaya ko ibigay....
Yun pera ko! charrr!
Kahit paulit ulit ka ng nabigo...paulit ulit na nasaktan...Naniniwala ka pa din na isang araw darating siya. Magmamahal...magiging matibay sa pagsubok...at hindi susuko sa pagmamahalan....ano ba ang sukatan ng pagmamahal? nasusukat nga ba ito?
Andami ng nagsabi na mahal ka nila, pero walang tumagal sa mga pagsubok na dumadating, lahat kay dali sumuko... naging marupok at naduwag...
Ikaw. Kaya mo ba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
it's easy to fall in love , but sustaining the relationship means a lot of sacrifice. hope you've found the right one for you.
@kuyakoy--its true and thanks! :-)
gud lak na lang
@ming--parang di bukal sa puso?chosss!LOL
niloloko mo kasi sila wag ganun! juk!
LOLZ
i wish the same thing for myself, na maging matured next time.
:)
@kumag--hahahaha natawa ako promise!oy baka maniwala sila sayo umayos ka nga! grrrr!
@green baker--sana nga we could be a better version of ourselves this time....
Post a Comment