February 7, 2011

Pagtangis


Katatapos lang ng code namin, namatay yun matandang pasyente pagkatapos subukan i-revive for an hour. Nakakapagod pero keri lang, trabaho naman yun e. Naghugas na ko ng kamay at nagpahid gamit ang panyo ng nagmantikang mukha sa katoxic-an ko kanina.

Hay salamat, makakaupo na ulit...sabi ko sa sarili ko. Pumuwesto ako sa silya namin sa cardiac room-station sa Emergency room. Dito ako naka assign ngayon. Isa to sa mga paborito kong area. Andami kasing cute na nurses dito... na paminta! LOL!

Binubuklat buklat ko yun librong inumpisahan kong basahin bago magkanda busy-busy kanina. Nagsisimula na ko mag enjoy ng napatingin ako sa entrance ng room namin...

parang slow motion ang lahat sa akin... parang bumagal ang lahat, parang walang sound na marinig...

Nakatingin ang iba habang ang iba naman ay abala sa knya kanyang pasyente...kakaiba itong isang ito, ngayon ko lang nakita ang ganitong senaryo sa ER.

Humahangos na tumatakbo ang isang lalakeng arabo...

Wala siyang suot na pang itaas at nakapaa lamang...

Binabaybay nya ang kahabaan ng bay 1. Parang eksena sa pelikula.

Nasa mga bisig niya ang sanggol na hindi namin alam ang nangyari...

Sumisigaw siya. Help! Please help! help my child...

Nakatitig lang ako sa kanya habang palapit siya sa aming area

Kitang kita ko ang pag alala sa knyang mukha, isang wangis ng amang natatakot para sa kahihitnatnan ng kanyang anak....

Itunuro sa knya ng nurse na dun sa bakanteng kama sa kaliwa dalhin ang sanggol. Dun palang ako parang natauhan, dali dali akong tumayo at agad na tinignan ang pasyente. Nagkagulo na naman ang tahimik na kwarto, napaka unpredictable talaga ng ER kahit kelan, one minute halos para itong library sa tahimik, one minute para na naman itong palengke.

At ito ang gusto ko, magulo, palengke, sigawan, batuhan, talsikan!!

Pumuwesto ako sa dapat na puwestuhan ko, bilang therapist, alam na ng lahat yun, kasama ang partner ko'ng anesthetist, dun kami sa unahan para mag provide ng unang lunas, ang bigyan ng daan ang hangin sa baga ng pasyente.

Hindi na siya humihinga, inabot sakin ng nurse ang bag valve mask para pansamantalang tumulong huminga sa pasyente. Pero masyadong malaki ito sa para sa knya.

Please give me a neonatal size bag, sister this is too big hurry up, sabi ko.

Wala silang makitang size, antagal maghanap, taena! ako na hahanap, sabi ko sa sarili ko, ipinasa ko sa isa pang nurse ang ginagawa ko at pumunta sa drawer namin. Nakita ko naman agad muntik na akong matumba pagkatapos magkabanggaan ng isa pang nurse.

Nagsuction ako sa bibig ng sanggol, madaming gatas akong nakuha. Aspiration ang kaso. Napunta sa baga ang gatas na ininum nya hanggang sa malunod siya at hindi na makahinga.

Lahat mabilis ang kilos, halos maitim na ang sanggol. Kanya kanya kami ng ginagawa. May nag si-CPR, at may nagkakabit ng suwero sa magkabilang braso, at kami sa bandang ulunan, pinipilit bigyan ng daan ang papasukan ng hangin na siyang hihinga sa knya.

Di maka insert ng tube sa baga ang doctor ko, mahirap. Ako ang nag aasist sa knya, Ilang beses siyang nag try. Pero wala pa din. Nagpatawag ng pedia doctor. Pero sa isip, wala na, di na aabot, huli na para sa anghel na ito.

Napatingin ako sa paligid ko, andami namin, sampu ata kami dun, na bawat isa may role na ginagampanan, bukod ang mga usisero, pero kung iisipin mo, andaming tao na nagpapakahirap mailigtas at maitawid lang sa panganib ang buhay ng isang tao. Nakakataba ng puso minsan, na parte ako ng team na ito.

Tumulong na ako sa pag CPR sa isang buwan na sanggol na ito,pagod at masakit na kamay ng mga doctor, halata ko. Pero wala na, maitim na mga extremities at ulo ng baby...pagkalipas ng isang oras, umiling na ang doctor, wala na daw.

Time of death 5:16 pm.

Tinanggal ko na ang oxygen at hinugot ang tubo na ikinabit namin sa bibig nya. Lumayo na ako sa stretcher at nakita ko ang ina at ama ng sanggol na kanina lamang ay sinubukan namin ibalik ang buhay.

Napuno ng malalakas na iyak ang buong kwarto.Pagtangis ng inang hindi matanggap ang pagkawala ng munti niyang anghel.

Nakakaantig ang pag iyak nila. Unang anak pala nila ito. Ininimagine ko ang nararamdaman nun tatay habang nagda drive siya kalong ang anak na hindi humihinga. Marahil sari saring emosyon at worries ang nasa kalooban nya habang nagmamadaling makarating sa ospital...

Ito ay kapabayaan ng magulang. Ito ay maiiwasan. Sana bantayan nila ang sanggol nila lagi, wag padedehin ng sobra sobra at laging mataas ang ulo habang dumedede sila. Maaaring nadaganan din nila ito habang katabi sa kama pagkatapos dumedede, madaming pwdeng maging dahilan.

Madami na daw ganitong kaso dito.

Nakakalungkot.

7 comments:

Anonymous said...

nakakalungkot naman yun. :'(

Ming Meows said...

ano ba kasi ang nangyari. sa sobrang pagmamahal siguro nasobrahan sa gatas.

Nimmy said...

:( ang lungkot naman sis. gawa ka nga ng video ng tamang pagpapadede.

Sean said...

this is sooo sad :'(

Anonymous said...

grabe naman...

bien said...

depressing, mag bullfrog ka na lang uli sister

Mac Callister said...

@kyle--oo nga e...kawawa naman mga baby

@ming--napabayaan kasi,nalulunod tuloy sila sa gatas

@nimmy--oo ba, sige wait mo lang haha

@sean-- :-( trulali

@kiko--di ko kasi makalimutan un eksena nun tatay,para talagang sa movie :-)

@orally--mabuti pa nga!haha