January 21, 2011

Ito Ang Simula II: Pagbuo Sa Mga Piraso


Itinayo ako ng tiyahin ko mula sa pagkakasadlak ko sa sahig pagkatapos ako hilahin dun ni tatay palabas ng bahay. Ibinagsak nya ang pinto pagkatapos. Nakakatawa kapag binabalikan ko sa alaala ang mga pangyayaring ito, Oh di ba, parang isang drama lang sa telebisyon...

Wala akong tigil sa pagmumura ng pabulong sa tatay ko...Isinumpa ko siya sa galit...matagal na nasa kalooban ko yun plano na:

"Gago ka...pagtanda mo, tandaan mo to, itatapon ka naming magkapatid sa ampunan ng matatanda hanggang sa mabulok ka dun at mamatay..."

Naramdaman nyo na ba yun sobrang galit na halos sumakit ang dibdib nyo?

Nakatungo ako habang patuloy pa ding umiiyak patungo sa bahay ng tiyahin ko likod ng bahay namin. Isang compound kasi kami. Na-appreciate ko si tita nun mga time na yun. Mahal din pala nya ko, sa isip ko. Nun maisip ko nanay ko, lalo ako napaiyak...kung andito si nanay di ako gaganituhin ni tatay, may magtatanggol sakin...hikbi ko...

Kasalanan niya kung bakit napilitan mag trabaho bilang DH si nanay sa Qatar noon, kahit di siya sanay magtrabaho, ginawa nya, kahit alam kong takot na takot ang kalooban ng nanay ko, kinaya nya, kasi ayaw nya magutom kami, dahil hindi kumikilos ang tatay ko para kumita...wala na nga kami pera, hindi pa namin masakyan ang kakaibang pag uugali niya...nahihirapan kami sa knya...isa rin yun marahil kaya narindi na ang nanay ko at lakas loob na namasukan sa ibang bansa....

Huli ko nalang nalaman na ginawa pala ng nanay ko yun pag a-abroad: "Kasi mag kokolehiyo na si Mac...gusto nya magkolehiyo..." sabi niya sa isang kaibigan nya.

Ako pala ang tunay na dahilan bakit niya ginawa yung pagsasakripisyong yun...ambait ng nanay ko taena.

Taena. Yun nalang nasabi ko nun. At sinumpa ko na aalagaan at mamahalin ko nanay ko hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Mahal na mahal ko si nanay.

Nag umpisa akong buo-in muli ang sarili ko, pulutin at idikit-dikit ang nawala kong pakatao na nagkalat sa kung saan saan...Sinubukan kong mabuhay muli...

Pagkatapos ng insidente sa bahay namin, dun ako tumuloy sa bahay ng pamilya ng Ninang ko, kapatid siya ng nanay ko, inaanak nya ako sa binyag, kaya Ninang ang tawag ko sa knya imbes na tita.

Worried man akong iwanan ang nag iisa kong kapatid na babae sa piling ng tatay ko, wala ako choice...

Paborito nila ako, magaan ang loob nila saming magkapatid kahit nun mga musmos pa kami. Nagsumbong agad ako sa kanila, galit galit sila. "Huwag ka na babalik sa inyo, dito ka nalang, walang'ya talaga yang tatay mo..."

Tumawag si nanay kinagabihan nun malaman niya nangyari sakin, ramdam kong alalang-alala siya sakin...halos isumpa niya ang tatay ko sa galit nya. Dito na rin unti unti'ng nawala ang pagmamahal niya sa tatay ko.

Pagkalipas ng ilang araw, dinalaw ako ni tatay. Civil sa kanya lahat ng tao sa bahay ng mga Ninang ko. Pero di ko siya kinausap. Bahala ka sa buhay mo, hudas ka, bulong ko sa sarili ko.

Ilang beses siyang bumalik balik, para siguro mawala galit sa knya ng nanay ko at mga kamag anak nila. Para sa sarili niyang kapakanan kaya siya dumadaan sa bahay na yun, hindi para mag sisi sa ginawa niya sakin.

Mahirap din pala makisama sa bahay ng kamag anak, isa yan sa mga napatunayan ko. Mababait sila, di kami nagugutom kasi well-off naman yun pamilya nila. Pero parang de-numero ang bawat galaw ko, bawat gawin ko. Tumutulong ako sa gawaing bahay, natuto ako magluto ng simpleng putahe gaya ng nilagang itlog at pritong hotdog LOL!

Pero parang laging kulang ang ginagawa ko, kapag pa upo-upo lang ako, parang naiinis si Ninang...lagi kang pinaghahanapan. Ano ba ko pamangkin o katulong?natanong ko sa sarili ko. Pero wala ako masasabing masama sa mga pinsan ko. Lagi silang nakasuporta sa akin.

Nag enroll ako sa isang pribadong kolehiyo sa Laguna pagkalipas ng ilang buwan, nanay ko ang magpapadala ng pang matrikula at sina Ninang sa baon ko. 50 pesos lang baon ko nun, imagine! Di ko alam pano ako nabuhay ng ganun sa college!hahaha (that's around 1996).

Pero pahirapan bago nila ako bigyan ng baon sa araw araw...parang hirap silang bigyan ako, minsan nag-tutulog-tulugan siya. Minsan, nagtitiis nalang ako di kumain sa school, kasi wala ako extra.

Nakakaawa na nakakatawa ang itsura ko nun college, pag binabalikan ko, napapa-ewwww! at yuckkkkk! nalang ako, nakamahabang buhok na hating hati sa gitna na nilalagyan ko pa ng gel, take note ang gamit ko pa nun e "michael's styling gel" LOL. Mata ko lang din ang walang taghiyawat, ewan ko ba galit na galit silang lahat kaya kung magtubuan sila parang wala lang...

Panalo din ang salamin ko sa mata! Ang lalaki ng frame at ke kapal ng grado. At kapag ngumiti ako, maglalabasan ang sobra sobra kong ngipin na patong patong na parang sa chainsaw!

Ang Cute oh!LOL

Ang outfit? Maong na binili sa palengke, Wragler pa nga tatak, imbes na Wrangler. tapos ang nag iisa kong sapatos, jologs na jologs pa na binili namin sa Footsteps nun pasko, may batik na shirt pa ata ako nun! ika nga nila: Barrio-tic!!!!!!!!! as in kakadiri talaga!

Mahirap makihalubulo sa mga mapo-porma at may mga kaya sa school namin dati. Ang lakas ng inferiority complex ko, at ang self steem ko, sing-baba ng mga parasite sa kanal.

Kumuha ako ng kursong nursing nun unang taon, pero taena di ko kinaya ang mathematics for nurses! Sumuko ako! nakakarindi ang computation. OO aaminin ko, bugok ako sa math! LOL Nag shift ako ng course sa hilera ng mga Therapist ako pumili...

Pero tiniis ko ang sangda-makmak na anatomy, biochemistry, zoology at kung anong anik anik pa bago ko makuha ang diploma!

Lumipat na rin si nanay sa Dubai para mag work, hindi na siya DH dun. Natuwa ako, kasi alam kong di nya kaya mag DH. Maayos ang naging lagay nya sa bagong trabaho nya. Nakokopya ko na rin ang mga way ng pananamit ng mga student sa school namin, na-e-exposed na ako sa mga malls at sa mga tambayan. "Sushal" na?!

Mejo jologs pa din...pero mejo-mejo nalang naman!LOL

Mas itinago ko pa ang pagiging bading ko. Pinilit kong magpakalalake, pinilit kong wag magkaroon ng rason ang mga tao na kutyain ako. Masaya ang buhay ko sa kolehiyo. Ang buhay istudyante....hay kaka-miss tuloy. Isa to sa mga masasayang parte ng buhay ko na di ko makakalimutan.

13 comments:

efrenefren said...

mas magiging maganda yung post na to kung may pictures!

Lone wolf Milch said...

pareho tayo ako din mahina sa math at superhate ko ang math

RainDarwin said...

teh, akala ko nurse ka. PT ka or OT?

Pang MMK din pala ang kwento ng buhay mo.

Mac Callister said...

@efrenefren--hahaha send ko sau in private!

@hardtoget--hahaha pampatulog ko yun math books dati e!

@raindarwin--di ako nurse,iba linya ko...mejo malapit na din sa dalawang binannggit mo...

c - e - i - b - o - h said...

akala ko nga nurse ka.. sabi mu malapit sa PT o OT,, alam ko na,, masseur ka noh?? LOL

nakakaloka ka.. pero masaya ako sa ending... kaya smiley na ang ilalagay ko..

:)

Leo said...

inaantabayanan ko talaga to. :) gusto ko ung term mo na barrio-tic. hehe.

can't wait for the next part. :)

Ms. Chuniverse said...

alam mo, ganyan din ang tatay ko before. sobrang strict at dedma ang emosyon. lumaki akong hindi sya ka close.

inunawa ko na lang. siguro nga frustration nya na naging sirena akey. Eh panganay eh.

Hindi pa rin kami close ngayon pero i was able to prove something. medyo successful lang naman akey sa lahat ng mga anak na straights ng barkada nya.

and i can feel now na proud na proud sya sa akin, especially ng itinayo ang mansion sa kabukiran. hahaha!

Virex said...

pagsubok lahat yan na dinadaanan ng mga tao sa buhay nila.. may iba na maswerte sa simula, pero sa huli binabawa lahat.. mabuti at ikaw ay nagsimula sa hirap at dahan dahang umaangat hanggang sa kung nasaan ka man ngayun..

next part please!!

Mac Callister said...

@ceiboh--hahaha sinabi ko na sau dati ano profession ko noh!nakalimutan mo lang!

@leo--haha salamat, wow naman nag *blush* daw ako! choz!

@ms.chuni--un naman yun!!taray na! good for you..

@virex--hahaha hey salamat sa pag babasa ng munti kong serye~

Anonymous said...

atleast matino ang iyong pagkatao di ba.. :)

Mac Callister said...

@kikomaxx--yata...LOL!

Ming Meows said...

ako rin, pasend ng pics hehe.

inaabangan ko yung discreet-discreetan part.

Nimmy said...

tuhmuh! pwedeng pang hapontastic ng ABS CBN! pwedeng ihilera sa Sabel at Mara Clara.

"Maclesia"

paaaaaaaaaak! :)