December 16, 2010
Nalaspag
Hindi pa nag iinit ang pwet ko sa pagkakaupo sa station namin sa emergency room ng tumunog ang bleeper ko.
"Trauma team is activated" 3 times ko narinig yun boses ng Pana'ng nurse!
Oh shit!!! Yun agad nasambit ko! ayoko sa lahat ang trauma case! (either mga road related traffic accident or mga nahulog sa building or anything na brutal, madugo, at kahindik hindik na maaring mangyari sa tao)
Una, nakakatamad magtrabaho. Wala lang, tinatamad lang ako nun araw na yun!LOL.
Pangalawa, masyadong madumi ang mga kaso
pangatlo, kaka-stress!!!
Malinaw ang bleep nila ngayon, inpernes. Kasi madalas nakakatawa pag nag be-bleep sila sa lahat ng kinauukulan, ganito nagiging sound:
"Trauma team is precipitated" or "trauma team is intubated" , or "trauma team is painted"! LOL
Ako lang ang nag iisang therapist sa buong emergency room. So hayun, takbo agad ako sa trauma room para mag respond. Andun na lahat buong team, nasa sampu ata. Mga doktor, mga nurse, mga aid, technicians at ang nag iisang star: AKO!
toink!!!
Nagsuot ako ng protective gears para di ako matilamsikan ng kung ano man na manggagaling sa pasyente'ng ewan kung ano kinasangkutan this time sa kalsada! Isang klase ng tilamsik lang ang type ko at alam nyo na yun!
Inasess ko ang patient, nabangga daw siya ng kotse, gising naman, nahinga pa naman, at yun sigaw ng sigaw! karindi! letse!
Mabubuhay pa to, base sa kakairita niyang pag ngawa! yun ang assessment ko!hahaha. Pag dako ng tingin ko pababa e naintindihan ko na bakit siya nasigaw...ah, eh, understable naman pala, sorry naman, my bad!
Putol pala kanan paa nya, at wasak lang naman binti! kita ko mga ugat, at buto na naputol, para lang sanga ng kahoy na naputol.
Napa-ewww! nalang ako ng sikreto, di pwdeng malakas na eww kasi baka masisante ang lola nya sa work!hahaha.
Nagpalinga-linga ako. Hinahanap-hanap ko kung asan ang naputol na paa nya. Pero, wala....Oo yun ang pinoproblema ko! LOL. Kaso itinabi na ata nun nurse, kainis di man lang pinakita sakin! hmmp!
Naka-stand by lang ako, at nakiki usyoso, kasi di pa ako needed, kasi nga nahinga pa naman patient! Anyway, tumawag na naman ambulasya at may darating na naman daw! 3 yrs. old na bata naman!
Napa-yes ako!!! peyborit ko ang pediatric case!
Naurungan daw ng sasakyan yun bata.
Handa na mga gamit at gadget ko sa sulok kung magkaka-gulo kami sa pasyente mamaya!
At tama ako, nagkagulo-gulo nga kami! haha
A little bit of shouting here, run run dun, roll-roll there, tambling sa sulok, sex sa gilid, ay! di pala kasali yun!LOL
Atribida pa yun partner kong mang gagamot! nag mamarunong! grrrr! pero nag relax lang ako at ginawa work ko. maya maya, lumapit sakin yun headnurse, bumulong: may cardiac arrest tayo sa Bay 1...
Napa-Oh, my gawd nalang aketch! Is this my lucky day or what! aba sunod sunod ang ka toxic-an ko ha! luge ata ako sa bayad ng ospital ngayong araw! Choz!
Nagpatawag pa ako ng isa pang kasamahan to respond dun sa isang pasyente kasi di na kaya ng powers ko pumunta sa dalawang magkaibang lugar at kaso! ano ko si darna?!
After 4hrs, natapos din ang lahat, muling tumahimik ang mundo ko at naupo sa upuan ko at nagbuklat ng libro ni Bob Ong.
Hay, this is life...sabi ko. Sana magtuloy-tuloy na to hanggang 10pm.
Kaso nabulabog ako sa isang pangyayari!
Karima-rimarim!
Hindi ko kaya i-ignore...
napa-mura ako!
Tumae yun isang pasyente!
Pagkabaho-baho! siyet!
Oh yun lang, dun nagtatapos ang entry na to!LOL :-)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
ikaw na ang active..
totoo ba yan or panaginip?? choz!!
bakit mu naman hinahanap ung naputol na paa?? nu gagawin mu dun? keychain?? LOL
@ceiboh--haha totoo to noh!naloka ako nun araw na yan! at mali ka,hndi keychain,gagawin kong earrings! LOL
Hahahaha!!! Kalokang entry
Jusko Hindi ko na makain yung lunch ko.
nakakaloka. ang kyoho pa ng finish.
@carrie--haha maski ako naloka nun araw na yan e!
@sean--asus maniwala ako sau!malamang ubos pa din lunch mo!LOL
@ming--ganun talaga dapat may big pasabog!hahahha
Mac, your job is really heroic. I don't think I'd last!!!!
Pero alam mo, mas kawawa mga nurse dito sa Pinas. Hay.
Kane
@kane--u think so? i enjoy my work, at exciting madalas!
Haha. You should demand for hazard pay.
Galeng-galeng mo naman Mr. Nurse.
omg, isa kang SUPERNURSE!!! i cn just imagine kung gano kataas ang stress level mo that day, and naimagine kita na ikaw si Sandra Oh sa Grey's Anatomy ehehhe ")
actually, gusto ko maging doctor.. feeling ko ok ako pag naging doctor.. ahaha.. kaso ang tagal ng pagaaral nun at medyo ala na akong time.. its too late.. inde din naman ako nandidiri pag nakakakita ng mga ganyan..
goodluck sa career mo my dear.. pahinga ka lagi.. ehehe
ahahaha, ngayon lang ulit ako madaan dito a, kumusta po
ang toxic ng duty mo teh kakalokah! like ko pa naman magwork sa ospital hehehe
Post a Comment