March 28, 2015
February 17, 2015
PebreroKatorse.
Naalimpungatan ako sa tunog ng bumukas na pinto sa kwarto ko, madilim ang paligid at hindi ko alam kung anong oras na. Basta nahiga ako kaninang umaga ng alas diyes dahil from night shift ako.
Kahit hindi pa fully dilat ang mata ko alam ko na kung sino ang nag mamay ari ng aninong lumalakad sa room ko.
Hanggang sa lumundo ang kabilang gilid ng kama ko, nagdilat akong muli ng mata at nakita ko si Jojo.
"hi mahal..." pabulong niyang sabi.
"anong oras na ba?" inaantok pang tanong ko.
"Alas singko na mahal ko.." sagot niya sabay yakap mula sa likod ko at naghanda para matulog sa tabi ko.
Ganito gawain niya. Mula sa work, didiretso sa bahay ko dahil may sarili na din siyang susi na ayaw na niyang isoli sa kin. LOL
Halos one week na siya na sa unit ko nauwi mula nun bumalik ako galing Amerika. (na kwento ko sa inyo soon hihihi)
Nauna pa siyang naghilik kesa sa akin. Napakagaling di ba? parang sasakyan pa namang ayaw mag start ang hilik niya. Grrrr. Buti nalang may nadiskubre akong super effective na ear plugs mula sa Daizo, kaya nakakatulog na ko kahit naghihilik siya. Dati kasi kelangan ko pa siya patulugin sa inflatable bed.
Madali na din ako nakatulog dahil sa puyat sa shift ko. Hanggang gisingin kami ng alarm clock nun alas diyes ng gabi. Kehaba pala ng naitulog namin. Jusme. 12hrs ata ang tulog ko. Bawing bawi. Off ko din kasi today.
Yumakap at sumubsob pa si Jojo sa kili kili ko imbes na bumangon, habit na niya yun. Gigil siya sa kili kili ko. LOL weird noh?
Ayaw pa niyang bumangon at todo higpit lalo ang yakap sa kin. Nagpipilit na ko kumawala mula sa katawan niya. Gutom na kasi ako. Huli kong kain ay alas otso ata ng umaga . E alas diyes na ng gabi. Kamusta naman yun.
At last ay nakatakas ako mula sa kanya kaya dali dali na akong bumangon at nagbukas ng ilaw. "bumangon ka na oy" sabi ko pa bago ako tumungo sa banyo para mag mumug at hilamos.
Paglabas ko ng banyo:
"Happy Valentines Mahal ko!!!!" salubong niyang greetings sa akin. May dala dala siyang bouquet of flowers na iniaabot sa akin.
Nabigla ako. Nawala tuloy ang aantok antok ko pang diwa. Pagkatapos ay napalitan ng saya. Muntik na ko mapaluha. Hahaha
First time may mag bigay ng bulaklak kasi sa akin. Jusme. Gurl na gurl naman peg ko. chosssss
I feel so special and loved.
Speechless ako at first. Then kinuha ko ang flowers at hinalikan niya ako sa labi.

"happy valentines day mahal ko. Happy ka?" tanong niya habang yakap yakap ako ng mahigpit.
"kow sana pagkain nalang dala mo!" biro ko pa hehe "happy valentine's day din Mahal".
"meron kaya akong dalang KFC chicken hihihihi" ganting sagot niya at meron nga pala talagang manok na dala si Mokong paglingon ko sa table.
Kahit hindi kami nakapag date sa labas dahil pareho kaming antukin ay OK na din na pinagsasaluhan namin ang simpleng food na dala niya. Ang pinaimportante ay magkasama namin itong sinecelebrate. Kahit gano pa kapayak at san man kami andun.
*wink*
December 17, 2014
Kasi Mahal Ko E...
Naalimpungatan ako sa pagpasok at paglabas niya ng room ko....Busy pala siya sa pagluluto ng lechon kawali sa kusina.
Napabuntunghininga ako.
Boyfriend kong masipag.
Boyfriend kong saksakan ng cheesy.
Boyfriend kong makulet.
Sobra. Pasaway.
Pero wala magagawa.
kasi mahal ko e...
![]() |
| My plus one at our christmas party hehe. |
Ang boyfriend kong pasaway na si Jojo.
Kaloka!
"Gusto mo ba bang masuspend or materminate ako sa work pag nalaman na nagpapatulog ako ng hindi empleyado ng hospital dito?" Yan ang panakot ko sa kanya pag ayaw pa niya umuwi.
Uuwi nga siya pero may kasama namang maktol. Lol. parang bata lang si mokong. Pero totoo naman yun sinabi ko. Kasi bawal naman talaga yun andito siya sa building ng company namin. Lalo na pag may nagsumbong, buti nalang mababait housemates ko at kasundo niya. Binibigyan niya kasi minsan ng luto niyang meryenda!
Kaya sabi ko dapat uuwi-uwi din siya. Hindi pwdeng tuloy tuloy na andito siya. Dapat may pahinga ganyan para di naman obvious di ba.
Masaya din naman na lagi kami magkasama dahil asikasong asikaso niya ako. Sa lahat ng nakarelasyon ko siya lang ang super ganito sa akin. Ang sarap lang pala ng lagi inaalagaan at minamahal. Hihihi
At ito ang pinaka bet ko sa pagkakaroon ng boyfriend yun kahit san ko gusto pumunta e may makakasama ako! Kung san ako naroon andun din ang jowawiz ko. Lagi ka pang may kayakap sa gabi!
![]() |
| ito yung isa sa pasalubong ko sa knya from London, para matching charms kami pwde gawing pendant. |
"Ano gusto mo ulam Mahal pag uwi mo?" Yan malimit niya tanong. Ang sipag kasi magluto kaya wala ako maireklamo kaya eto ang taba taba na namin pareho!
Kaya masarap ding nasa bahay ko siya. At kesarap naman niya yumakap sa gabi pag tutulog kami. Higpit na higpit. Fave namin ang spooning. hihihi. Pero nagagalit ako pag lagi nakatusok sa likod ko etits niya. Nakakailang kaya! Kaya naglalagay na siya ng unan mula nun!
Nakakatuwa lang na halos pareho na kami pumorma sa pananamit ng di namin namamalayan. At minsan pag may gusto ako damit bibili din siya na ibang kulay naman. Naisama ko na din siya recently sa aming department's christmas party last week. Kaya parang its official na naipakilala ko na siya sa mundo ko as my partner.
Uuwi nga siya sa bahay nila ng mga ilang araw at pagtapos ay uuwi na naman sa bahay ko. Pinakamatagal na ang 3 days! Kaloka.
Nawawalan tuloy ako ng Me-Time mag porn hahaha masarap din kaya mag mariang palad paminsan minsan noh.
Mahilig siya mag alibi at gumawa ng kung ano anong eksena para lang makitulog sa bahay ko. Minsan buking ko naman siya. Natatawa nalang siya pag inookray ko.
"mahal naman ehhhh..." ganyan linya niya na parang batang kulang nalang gumulong sa sahig pag ayaw ko pumayag.
Pero itong alibi niya this week ang pinaka matindi sa lahat! Wala akong kalaban laban!
Pang Oscar award ang script!
"Mahal, may bulutong yun housemate ko. Hindi pa ko nagkakabulutong. Pano pag nahawa ako mahal...kaya makikitulog ako sa bahay mo ha?"
Napapailing nalang ako na kinantiyawan siya. Ano pang laban ko sa bulutong diba? Lol
Natural wala na naman akong nagawa. Napapailing nalang ako. Ano pa nga bang magagawa ko e Mahal ko e kaya keri na....
Subscribe to:
Posts (Atom)


