January 12, 2018

Super Short Home Visit


       We escorted a patient in Bangkok thailand last January 3, after admitting him at a private hospital there for treatment i headed back to the airport and boarded philippine airlines going to Manila hehe.

Ginto presyo ng PAL by the way. Keri lang. Atleast makakauwi kahit 4 days lang.

Was able to see my family. Bonding kami. Especially my baby na si Dash. My siberian husky. Iniwan ko siya 8 months ago. 2 months old palang siya nun. Nagulat ako ang laki laki na nya jusko.


Sa mga pictures kasi na sinesend ng sis ko hindi ganon itsura nya chaka kasi magpic si sisterette. Nakakaaliw si Dash na sobranf excited the first time he saw me. Tumatalon talon pa!


Na drive ko ulet si Atom ko hehe. Kala ko limot ko na magmaneho e. Kaso ka haggard ang mga motorsiklo sa daan. After a while si mudra nalang ulet pinagmaneho ko. Baka makabangga lang ako ng motorcycle rider pag nainis ako. Lol


Siningit ko na rin sa sched ko yun magpa check up sa neurologist dahil sa chronic headache na nararamdaman ko. Natatakot kasi ako magaya kay Isabel G. As you all know sa amin siya na admit sa hospital sa Dowha.

Had my ct-scan with contrast. And thank God wala naman nakita sa results ng scan. Atleast may peace of mind na. Normal din Fasting blood sugar ko. Worried din kasi ako na baka diabetic na. Takaw kasi sa matamis.

Nagpa root canal na din ng 2 ngipin. Jusko ang gastos. Pautang guys. Charrrr.

Habang nasa short visit sa pinas ka chat ko lagi si boyfs. O diba kami pa din. Going on our 4th year this coming July 4.

I went back to bangkok after 4 days and boarded a flight back to Dowha. Need kasi balik ng bangkok otherwise magkaka problema ako sa HR dept namin haha. Haggard lang.

Anywayz, kahit bitin sa pinas, balik naman ako sa Mayo uno para maghanda na mag reyna elena. Charot.