May 29, 2015

Welcome To My Home



Good morning pelepens!

Sorry guy now lang ulet. Bwahaha. Sobrang late ng post ko. Busy lang. Pashensha na! 

Eniweiz mag one month na aketch sa ating country and pabalik na ng Dowha in a few days. 

Kaya awww kaka sad!
Eto nalang, check nyo nalang cute pic ko sa alabang town center kahit may takip fezlak ko, nakyotan lang ako sa chair nila kaya nagbuysung ako ng hindi masyadong masarap na #mochiko icecream nila. Bwahaha!

O siya, nun May 24th. Kasabay ng 59th bday ni mudra ay nagpa blessing ako ng aking new balur sa laguna. Hindi po ito sa bonggang subdivision sa mga nagtataas ng kilay. Haha. Sa mumu lang po. Ito lang nakayanan ng bulsa ko.
As promised from my previous post, eto ang aking living room na super love ko ang mga red accent chairs from SM's Our Home!!! Na kyotan ako kaya di ko na tinantanan yang upuang yan. Lakas daw naka madam e. Bwahaha. Pati yun 3 seater sofa ko. Sa SM din. Yun curtains ko i brought it from dowha sa souq market lang dun and ipitahi ko nalang sa aunt kong mananahi. My Chandelier is from IKEA and the super cute 3 bulb lamps on the corner is from Home Center store at Dowha too. My center table ay from SM also. Di na ko lumayo. Haha those 2 litte red boxes na additional seating keme ko and that ottoman chair sa lower right ng pic ay all came from Wilcon😄 
And ito naman ang dining area ko. Yes pina aircon ko ang living/dining area ko. Bwahaha nagmamayaman ang lola nyo. Majinet namn kasi. And since maliit naman ang aking bahay na munti e keri na siya erkonan! My dining table itself is from SM Our Home din. Cuteness ng chairs diba? Yun mga dragon balls sa gitna and the tall jars keme na may sanga sanga ay sa Mandauefoam ko nabili. The large mirror ay from HomePlus. At yun tatlong itlog este lighting ko came from Wilcon. Masyado daw mataas. Maghahanap pa ko ng electrician para ipababa pa po ng konti. Relax lang kayo ok. Lol. Yun 3 black and white frames naman came from IKEA. 

O yan muna ang update. Pagbalik ko na sa dowha ang ibang pictures. Ang hirap mag upload at taeh ang Internet connection ng smart!!! Very 3rd world kainis! Aba mas mabilis pa daw ang internet ng nepal kesa sa atin a ayon sa report! Nakakaloka yun diba!!!

Kaaliw lang na nakaya ko pala mag decorate ng bahay. Nun una kasi afraidy aguilar ako at mega hanap pa ako ng ID na kemamahal ng singil. Hay nako!

Anyways. Belated happy birthday to me nun 20th hihi. Bye muna guys!