March 28, 2015

Isang Bugsuhang Post!



Hello guys!

Alam ko sasabihin nyo buhay pa pala ko! LOL

Sensya na at busy lang masyado at aminin ko na din na nagkaroon ng konting katamaran na mag update ng aking blog na itey.

Andaming ganap sa buhay ng lolita nyo nitong mga nakaraang buwan. If napa follow nyo ko sa twittah at IG malamang alam nyo na haha kundi naman eto ang isang bugsuhang kwento na dadaananin ko nalang sa picture picture ng slight para mas madali hahaha!

Nakwento ko na before yun medical escort ko sa UK last November 2014 right? 

Kundi pa paki click ITO

Henywayz, ayun nga 4 days kami dun and since andun na rin lang ako at super katal na kong makaranas manood ng broadway musical e gumora na ako kahit mag isa at bumili at nanood ng...drum rool pls!


Jan-Ra-Ra-Raaaaannnnnnn:

MISS SAIGONNNNNNNNNNN!!!!

The best itong musical na toh. Mga 10x ata akong pinaiyak. Lalo na sa ending jusme super hindi ko ineexpect ang ending nitoh kainissss! Halos humagulgol ako pigil na pigil ko lang kumawala ang hikbi ko, I swear!

Sobrang gagaling nila.Lalo na si Rachel Ann Go! Pati yung korean singer na gumanap ng THUY, langya boses nakaka habag siya kumanta.Damang dama ko pain nya.

Kaya guys kapag nasa London kayo wag nyo itong palampasin. Panoodin nyo dahil Super sulit ang bayad nyo at nakaka proud na andaming pinoy na member ng production na ito habang nagra run pa. Ito ang highlight ng trip na yun. 

Nun umpisa lang at patapos na lang ako nakapag nakaw ng pictures haha. Eto lang nakayanan ko.
December:
At sa wakas nag pasko ako na hindi lonely, dahil kami pa din ng Monchiko ko. hihihi o di ba tumatagal kami! infairness to me!!! umattend kami ng party with my friends nung xmass eve wearing the same shirt! oh di ba couple shirt na tohhhhhh! gow!
Fast forward to February 1-7, 2015:

Nag byahe ulit kami for medical escort naman to Houston, Texas, USAAAAAAAAA!!!!

O di ba ako na talaga! at ito pa naka business class kami sa eroplano. Nakakatanga lang sa una ang mga pindutan sa upuan, nangongopya nalang ako sa katabi ko! LOL!

First time ko sa jumerika pakshet! ang saya ng feeling na nakatungtong na ko dun ng libre. Di gaya ng UK escort ko na 4 days lang, ditey sa Texas, 7 days kami. O di ba. ako na ulet. chos

Pero aminin na natin waley masyado ganap sa Texas kaya naman jinontak ko mga kaibigan ko sa states, nun una sa New York ko balak lipat ng state, kaso inabot naman ng blizzard nun mga panahon na yun, sabi ng friend ko wag na daw ako tumuloy dahil super bad ng weather. Na-sad ako ng sobra, gustong gusto ko talaga makarating ng New York. Haist. Life.

Henywayz, so next location ko e California or Las Vegas, kaso wala daw direct flight pabalik ng Dowha mula sa mga states na yun. So ang siste pag nagpunta ako sa alin man state sa dalawa. I need to go back to Houston para makauwi ng Dowha! Aksayado sa pamasahe yun! sayang ang pera ko hahahaha!

So ayun ang ending ko stucked ako sa Houston na aantok antok na state. LOL

ditey ako nag check in
sabi sa inyo aantok antok dito, parang eksena sa The Walking Dead ang mga kalsada dito haha. 


Buti nalang kamo yun friend ng cousin ko ipinasyal kami nun indian nurse na kasama ko sa medical team. Kaya sa wakas nakakita din kami ng mga building establishments at malls at pasyalan. Ito nga dinala nya kami sa NASA Space Station












dito ako super nag enjoy. ang mag shopping sa mga premium outlet malls! as in lahat ng brands dito 50% off! andami kong nabiling Coach Items. Lalo na ang Shoes. Pabango. Clothes. Bags etc! kaya pag nasa US wag nyo kalimutan dumaan sa mga outlet malls na ito. Grabe lang naubos ang pera ko sa mga binili ko kasi sinamantala ko na dahil sobrang mura! yun na!


February 24-27, 2015 naman:


Byahe ulit kami pabalik ng UK! medical escort ulit. hihihi. I love my job!

O alam nyo na sasabihin nyo....

ako na talaga! LOL


full english breakfast
unang gabi namin mamasyal e nakakita kami ng mga red buses na may ads ng visit the Philippines! and boracay! dali dali namin kinuha cam at nag picture hihihi. I wonder magkano binayad ng phil gov dito...



say hello to the birds and my beki bag. LOL




the Westminster Abbey






Matagal ko ng pangarap makapasok sa loob ng abbey na ito, bakit naman hinde e super popular nito lalo na nun recent royal wedding nina Prince William and Kate.


sayang bawal kasi mag take ng pic sa loob ng abbey kaya eto labas lang mga shots ko huhu di ko tuloy maishare sa inyo. Pero super ganda sa loob, grabe ang architecture at ang mga art and decor jusme.

Dahil nasa London ako ulet, di ko ulit pinalampas manood ng musical, this time e WICKED naman! sobrang entertaining and fab ng costumes. Pero siympre mas number one pa din sa akin ang MIss Saigon hehe. Sunod na balik ko dito sana maabutan ko pa ang run ng The Lion King and Mama Mia.
Hopefullyyyyyyyyyyy!!!



Kinabukasan we booked a bus tour for 75 pounds/person papunta sa 3 locations outside London.

First location-- The Windsor Castle:













Grabe sa loob nito. As usual bawal na naman mag take ng photographs kainis lang haha. Pero nakakamangha ang decor, ang mga gamit, ang ceilings juskolord ang sarap maging reyna ng kastilyong itech, super ganda sa loob, a must visit location in UK.





Second location- The Stonehenge:

ang layo nito pero super sulit! sa mga pictures ko lang nakikita ito nun araw, pero andito na lola nyo now! ang saya!
siyempre di pwedeng di Mag selfie! hihihi katal na katal na kami dito ang lamig ba naman na may kasama pang ambon! kalurks




At ang third and final location - Bath, England

Nun una hindi ako sure kung ano makikita sa Bath, akala ko isang hot spring lang na parang sa Los Banos sa Laguna. Kasi ba naman 1 hr na kami nasa bus at puro bakahan at mga damo lang nakikita namin, typical n countryside ganyan. Aba maya maya inannounce na ng tour guide namin on his microphone na we arrived in Bath!

At nalaglag ang panty este panga ko sa ganda!!!!

Yun buong view ng city kitang kita namin from our bus window!


told yah ang ganda ng city na toh! nakaka inlove! kaya mo siyang libutin ng kalahating araw, pero i think if gusto mo talaga makainan at ma experience ng todo ang ganda ng city ay dapat maghapon ka dito super na bitin talaga ako sa 2 hrs na stay namin dito huhuhu I wanna go backkkkkkkk!



ito dw ang isa sa mga pinaka matandang bakery dito, imagine since 1482!!!






Bath Abbey





ang sarap ng chocolate nila! napabili ako ng 3 boxes ng di oras! at take note dito lang sila may store wala ng iba pa kahit saan lupalof ng mundo!



ito ang highlight ng Bath Tour na ito, ang Ancient Roman Bath! ang gondohhhhhhh!

Pagkatapos ng sangkatutak na pictorial namin ay its time to go back to our tour bus at bibiyahe ulit pabalik ng central london ng 2hrs! sa layo!

Kinabukasan ay pabalik na kami ng Dowha sobrang pagod at puyat pero worth it naman. Andami kong nagawa at napuntahan this time. Wagas ang mga souvenirs na nabili super bet. 

Di ko alam kung kelan ulit ako makakabalik sa UK kaya sinulit ko na. Hopefully next year, kapag due ko na ulit sa rotation namin. Super thankful talaga ako sa opportunity na ito.

Kaya yan na muna ang kwnto ko. Ang haba haba haba na nito. Sana nag enjoy kayo. 

Hanggang sa next time ulit na sipagin ako mag update. LOL

Ingats.