Halos 2 days akong ngarag sa paghahanda ng mga kaukulang dokumento at gamit na dadalhin sa aming byahe patungong London. Yes, may medical escort ulit ako. Its been a year since my last. Yun ay nung magdala naman ako ng patient sa Thailand, remember? (click HERE) yun maligayang maligaya ako sa mga napanood na katitiin dun sa Bangkok? LOL
Im so happy na makakabalik ulit ako sa London after 4 years! super excited na ako. Yun unang punta ko kasi ay hindi kami masyado nakagala. Kaya this time kelangan sulitin ko na. Pero siyempre kelangan kong unahin ang kapakanan ng pasyente ko bago ang mag isip ng paglalamyerda.
Alas dos ng madaling araw ay dumating na ako sa hospital ICU. Ihinatid at Isinakay ako ng boyfriend kong si Jojo ng taxi sa harap ng house. 4 days ko din siya maiiwan. Ibinilin ko na magpakabait. LOL
Chineck ang status ng patient namin. Stable naman siya at mukhang fit na fit for travel by air. Inayos ko ang mga kakailanganin kong karagdagang gamit at saka bumaba sa aming opisina para mag relax naman saglit at mag kape habang inaantay ang doktor at nurse na makakasama ko sa byahe.
Isang 3-man-team kasi ito. Ako bilang therapist, yun nurse na si Tariq (egyptian), at ang aming team leader na si Doktor Shungek (indian). Chos. Hindi yan ang tunay niyang name, pero dahil imbey ako sa knya yan nalang ang itatawag ko sa knya dito sa blog ko. LOL
3:15am ay muli akong umakyat at naghanda na para sa pagdating ng ambulance team na susundo at maghahatid sa amin sa airport. Halos 30mins din ang inabot bago namin nailipat ang patient sa stretcher at tuluyang nailabas ng icu at hospital.
Matagal kaming nag antay sa airport bago kami nabigyan ng go signal na pumasok na sa aircraft. At eto pa ang saya lang! sa Aibus 360 kami isasakay! first time ko toh!!! Nakakaintimidate tignan mula sa labas ang higanteng eroplanong ito. Honglaki laki at luwag sa loob!
Pinakahaggard sa lahat ay ang ipasok ang stretcher at i-secured ang pasyente sa eroplano. Papawisan ang lahat dito kahit anong lamig. LOL Mas naawa ako sa mga taga ambulance, effort kaya magbuhat. Crush ko pa naman yun pinoy EMS nila hihi "hi Ray" Humiling siya ng souvenir from London, isang shotglass daw. Umoo ako mura lang naman yun. At take note inaad pa niya ko sa Wechat! todo kamusta pa siya sa akin nun nasa London na ko. Landi ko! lagot ako sa jusawa ko!
Pagdating sa Heathrow airport ay sinalubong kami ng rude at medyo grumpy na mga thunders na ambulance team ng Wellington Hospital. Hindi ko nalang pinatulan. Inisip ko nalang na baka nirarayuma na sila kaya masusungit na. LOL
Nagalit pa si doktor Shungek sa knila kasi hindi nila inopen yun oxygen tank nila. Kala ata nila hindi napansin ng manggagamot ko. Mukhang tanga. tinitipid ata nila yun kapiraso nilang oxygen. Kaloka.
Sakay ng ambulance nila ay tinatanaw tanaw ko ang mga dinadaanan namin. Sa wakas nakarating kami ng ligtas at walang aberya sa himpapawid. At stable pa din ang patient namin. Ganda ng wellington hospital. MUkha siyang hotel actually. Carpeted. Maganda ang pintura. AT ang ICU nila first class! Ganda ng set up.
Pagka endorsed namin ng aming pasyente ay nagpaalam na kami sa ICU staff nila at nag antay sa sundo namin. Na arranged na kasi ng Qatarrr embassy ang arrival namin kaya susunduin at ihahatid kami ng driver nila sa aming hotel.
Nag booked na ako online kinagabihan palang para hindi na kami mahaggard ni Tariq sa paghahanap ng tutuluyan. Nakiusap kasi si Tarik na makikishare nalang siya ng accommodation sa akin. Kay dr. shungek ay wala na me paki san man siya tutuloy. LOL
Sa Ashley London hotel kami naka checked in at nagbayad ng 278 GBP for 3 nights na pinaghatian namin ni Tariq. 3 star hotel lang ito bilang tipid mode ako. haha. Ok ang location nito dahil walking distance lang papunta sa Oxford street (dito ang shopping district nila) at Hyde Park.
Dusa lang ang bathroom. Jusme. Kesikip. Pagjejebs ka ay nakaharap mismo sa mukha mo ang lababo. Ang ang shower ay either very cold or very hot ang water! hindi ko kinaya ang sunog level ng tubig sa balat ko. Buti nalang may dala akong maliit na tabo pambuhos pag jejebs haha.
(Tissue lang kasi ang pang linis dito pagjebs. Kaya nagdala talaga ako ng tabo)
Yun ang ginamit kong pang ligo at sumahod ng tubig mula sa lababo kasi yun tubig dun ay matitimpla! kakaloka lang!
Alas kuwatro na kami ng hapon nakarating ng hotel at dahil pare parehong pagod at puyat natulog lang kami! O di ba nag aksaya ng isang araw. LOL
our hotel location |
ito yun kahabaan ng mga store malapit sa hotel room namin |
Dahil excited ay hindi ako nakatulog ng maayos. Mugto tuloy ang mga mata ko huhu.
7am ay naligo na ako gamit ang tabo at tubig na mula sa gripo ng lababo. Nairaos ko naman ang paliligo kahit papano susmio. Bumaba na kami ni Tariq para sa free buffet breakfast. Na sad lang ako na unlike sa ibang hotel mas madami dung mga choices na kainin. E dito sa Ashley hotel ni walang scrambled or hard boiled egg at sausages etc man lang.
Pero keri na dahil sabi ko nga maganda ang location niya. LOL kaya tiis nalang ang peg namin.
The famous Big Ben |
siyempre nun mapadaan sa London Eye ay agad kaming bumaba ng Tour Bus at bumili ng tickets! 21 GBP ang isa. Mura lang. Keri na. saya kaya! |
view from the top |
afraid akong tumanaw sa baba LOL |
syempre dapat mamili ng mga souvenir items pampasalubong. I bought 3 jackets with the word London printed on it haha at sangkatutak na mga ref magnets and key chains |
angsaya ng condoms |
Nag tea time kami ni Tariq saglit para mainitan dahil malamig. Sinisisi niya ako kasi napadami ang pamimili niya ng mga souvenirs haha kasi naman aayaw ayaw pa pumasok nun una pero mas madami pa siya napamili kesa sa akin. LOL
Next post na yung iba pang pinag gagawa ko sa London. Kilometric post na ito at mauumay na kayo haha. See you next time guys. Mwah!