October 23, 2014

Afternoon Kiss




Narinig kong ipinasok nya ang susi sa may doorknob at bumukas ang pinto ng room ko. Pumasok si Jojo na nakangiti. Binigyan ko siya ng duplicate ng front at room keys ko. Naka office attire pa siya ng navy blue na long sleeves at black slacks. Poging pogi ako sa knya kapag ganito porma niya.

Na make over ko na din hair niya recently haha kaya ayun pasok sa taste ko. chos.

"Hi mahal ko...musta tulog mo?"

"ayun masarap. mahaba..." sabi ko. Parang ang bastos? LOL

Kasalukuyan akong nanonood ng koreanovela nun na subbed ng english. Yung "Angel Eyes" grabe yun. Keganda. Nakakainlove.



Lumapit siya at lumapit sa labi ko para humalik. Ganun siya tuwing darating. Nag smack. Kaso this time iba ang halik niya. May drag. Pahila. Medyo matagal. May konting sabit ng dila paminsan minsan. haha. Don't get me wrong mas gusto ko yung ganun kesa sa lapat or parang tuka ng ibon na halik. LOL

Dahil chosera ako sabi ko "ano ba yan! natatanggal ang lip gloss ko sa halik mo. ayan tuloy wala na!" maktol ko kunyari. Pero totoong naka lip gloss nga ako.

"E bakit kasi naka lip gloss ka pa e nasa bahay ka lang mahal?" ganting okray niya na natatawa.

"Paki mo ba? e naka foundation pa nga ako ngayon di mo ba nakikita???"

"ano??? bakit naka ganon ka pa?" tawang tawa na nandidilat siya sa nalaman. Napatawa na din ako. Di ko na napigilan.

"pasalamat ka inalis ko na yun rollers sa buhok ko at fake eyelashess! tseh!" irap ko pa. At saka ano ko typical na maybahay? exchuse me. Modern woman ako. charot.

 "kumain ka na nga diyan. Ininit ko na food mo. hmmmp"

"itong asawa ko talaga oh may regla na naman ata" iiling siya na naghubad at kumuha ng pambahay sa cabinet.

Pagkakain niya ng late lunch labi ko naman pinapak niya. Charot.

October 14, 2014

SingSing


Hello!

And Im back here in the middle east for about fourteen days now.

Thank God hindi pa ko inaatake ng homesickness. Laking pasasalamat ko dahil my boyfriend is with me. Kung wala siguro siya todo emote na ko till now sa isang sulok at namimintana or padausdos sa sahig habang pumapatak luha. Charot!

Pero bago ang lahat may chika ako sa inyo sa NAIA nung flight ko pabalik dito sa Dowha. Smooth na smooth ang check in ko, mapa immigration keme keme. sabi ko pa nga sa sarili ko makakapag relax pa ko at makakapag refreshments pa habang antay ng boading.

Pag buhat ko ng bag ko may naamoy akong mabaho. Amoy durian. Sabi ko malamang dun sa katabi kong maleta sa isip isip ko. Tinanung ako ni koyah na guard kung may dala daw ba akong durian. Nagtaray pa ko sabi ko "Wala noh."

Pagdating sa xray sa final scanning na yun. Hinubad ko belt ko, metals sa katawan, katangahan ko pati kwintas at ring ko na white gold hinubad ko at nilagay ko lalagyanan ko ng passport sa tray na provided nila. Hindi naman pala required haha shunga di ba?


Paglampas sa scan isa isa ko ulit sinuot yun mga hinubad ko including the necklace but not the ring. its must've slip through may passport. Naalala ko nalang na wala akong suot na singsing nun nasa boarding gate na ko!

Mga 5minutes na yun nakalipas nun! nagmamadali ako bumalik sa scan area nila! hoping na andun pa yung ring ko! huhuhu

Mega halughog ako sa mga tray na nakasalansan dun sa table. Pero waley talaga! hanggang sa lumapit na ko sa security and sinabi ang problema ko. Tinanung nila nangyari at yun detalye. at kung ano itsura nun ring ko. I told them its a wide white gold ring na may nakasulat na Bvlgari sa sides.

Its not a real Bvlgari but a replica of their B.Zero 1 ring but its 100% pure gold. I bought it here in Dowha.

this is the orignal version hihi di ba? pwde na, Uso kasi dito sa Gold market yun magpapakopya ka ng gusto mong design ng alahas. kahit anong style kaya nila :-)

They asked me how much the approximate value nya then inulungan nila ako maghanap sa paligid. Infairness sa kanila super helpful. The told me to look for my bag daw once again usually daw andun lang sa bag lang. Sinabi ko di ko makita. They said na scan daw nila ulit yun bag ko. Wala pa din daw sila makita ring. They told me to remove all the contents of my bag and this time scanned the bag alone.

"wala talaga sir e. Pero may isa ka pa tayong option. Ipareview natin CCTV. Mabilis lang naman yun. Wait lang tawagan ko supervisor namin" sabi ni ate'ng security.

Umagree ako dahil gusto ko din malaman naganap. If naiwan ko ba siya, or nahulog ko ba siya, or may kumuha ba etc. Sinamahan ako ni bisor nila sa police department ng airport. Si police officer Bernabe ang nag attend sa concern ko and dinala naman niya ako sa banyo para mag quickie... charot!

Sinamahan niya ako sa second floor sa security cameras nila. May sumalubong sa amin na another security personnel na malaki tiyan na batangueno.

"sir ito dito po sa amin ang tangi lang namin na mai-offer ay kung ano lang yun makikita ng camera" sabi pa niya.

Kaya pala smooth ang check in ko at maaga natapos yun pala may magiging problema ako na kailangan ayusin.

Sinimulan niya i-review ang CCTV kung saan nasa final scanning nila ako. Ang awkward lang makita sarili ko sa camera. Kung di lang seryoso ang nagaganap sa akin matatawa ako nun time na yun. 30 minutes din ako sa room na yun. Naging alerto mga kasama ko nun may nakita kaming lalake na titingin tingin dun sa tray na iniwanan ko. Kinabahan ako!

Halatang may sinisipat sipat siya dun sa loob ng tray. Then umalis siya then bumalik ulit. Nakakapagtaka naman! Then umalis na siya ng tuluyan!

Ang conclusion ni mister pulis Bernabe ay negative daw. Hindi kasi namin nakita na may kinuha yun lalakeng naka cap. Umalis ako sa camera room nila ng bigo. Hmp

Hanggang sa makapag boarding ako ay yun pa ding katangahan ko about my lost ring ang nasa isip ko. I super love that ring pa naman.

"Sana sinangla na nalang natin yun! napakinabangan pa sana natin! kasi naman bakit hinubad hubad mo pa!" sabi ng sister ko nun ibinalita ko sa knya.

Nilibang ko nalang sarili ko panonood ng mga movie sa eroplano. Mula sa "Grace Of Monacco" to "The Other Woman" ni Cameron Diaz na halos mapautot ako kakatawa! and finally "Harry Potter 1 and 2" hihihi. Masakit na mata ko kakanood at super nakain ko lahat ng ihinain na food sa akin! spell PG!

Pagdating sa airport sa Dowha muli ako na stress kasi baka masita ako sa dala kong isang pack ng chicharon at 5 purefoods na liver spread. Kasi balibalita na mahigpit daw sa new airport lately. Alam nyo bang iniwan ko yun dadalhin ko sanang isang kilong longganisa at yun ipinaluto kong binagoongan na may madaming taba ng baboy sa takot na baka mahuli ako huhuhu.

12am na yun at pagbuhat ko ng bagahe ko muli kong naamoy yun amoy durian!!!! natawa ako kasi mukhang confirmed nga na sa akin yung source ng mabantot na amoy na yun!

May dala akong sampung itlog na BALUT!!! at malamang nabasag sila kaya umaamoy! OMG

Nakalabas ako ng custom ng walang aberya at di nasita sa ilang dala kong delata. Buti nalang!

Sinundo ako ng apat kong friend na babae and Jojo paglabas ko. Muntik na kaming di magkasya sa sasakyan haha sabi ko magtaxi nalang kaya ako! charot!

Its nice to see boyfie again with my friends. Gumawa pa siya ng turon para daw may kainin sila habang nag iintay sa kin.

Masayang kwentuhan ang naganap at naichika ko ang nangyaring pagkawala ng singsing ko etc. Itinuloy namin sa DQ restaurant ang masasayang chikahan ng mga naganap sa akin sa isang buwan kong bakasyon ko sa pinas.

Sa loob ng sasakyan ay bumibida ang amoy ni sampung balut haha amoy durian na di mawari ang amoy!

Pagkauwi sa house ay todo akap ang aking jusawa na halatang sabik na sabik sa akin. Oh ganda ko di ba? chos.

Naka move on na ko sa nawala kong singsing. At inisip na baka kaya nawala ay may bongga namang kapalit ganyan.

Tinulungan niya ako mag unpack saglit nun mga dala ko na madali mapanis. Inuna ko ang nabasag na "balut" buti kamo di siya tumagas. Dahil selyado naman ang pagkakalagay ko sa container, pero tindi ha umaalingasaw pa din amoy niya mula sa loob  ng maleta.

Ipinasok sa fridge ang Jco donuts, ang yema cake, ang itlog na maalat at ang sangkatutak na Mochi ng Eng Bee Tin na super delicious!

At habang isa isa kong inaalis ang laman ng messenger bag ko...nang mapadako ang kamay ko sa isa ko pang wallet na pang  pinas dahil dalawa ang wallet ko isang pang pinas at isang pang qatar. May nakapa akong matambok sa gilid na bulsa nun wallet.

Pag usisa ko andun yun singsing koooooooo!!!napatili ako sa tuwa at yumakap kay Jojo na noon ay patulog na!!!

Nagulat siya sa akin pero natuwa din nun malaman na di pala nawawala singsing ko! bwahahaha!!!

Nakakaloka lang! na stress ako sa pagkawala niya and andun lang pala sa wallet ko. At nangdamay pa daw ako ng mga tao sa NAIA!

Pero come to think of it, ang shunga din naman ng scanner at ng xray machine sa NAIA e di ba iniscan nila yun bag ko twice? e bakit sabi nila waley daw? hay nako. e siyempre ako aasa asa din na wala siya loob ng bag ko. May mali din sila noh

At syempre shunga din ako kasi hinubad ko siya. LOL

October 4, 2014

Enta Habibi





Thank You for sticking up with me kahit anlakas ng toyo ko. LOL

Thank You for keeping me company kahit puyat ka go ka lang para masamahan ako. Mapa grocery, mapanood ng sine kahit di mo bet, mapa galaan sa kung san san. Isa yan sa gustong gusto ko sau. You always wanna be with me.

Thank You for being makulit kasi nalilibang ako. LOL

Thank You for all the time you've given me. Sobra sobra, wala ako maireklamo. I super appreciate it.

Thank You for all your spicy chicken wing adobos, ginataang bilo bilos, turons, shanghai rolls, your delicious ginataang hipon and alimango na to die for. Dinadaan mo ko sa luto e kaya di kita maipagpalit. charot!

Thank You kahit madalas kita awayin dahil lagi mo naipagpapalit ang "E" and "I" sa mga tagalog words mo.

Thank You for making friends with my friends...my sister and everyone around me! ang adik mo lang kasi!

Thank You for laughing at my jokes and all of my kabaklaan. Kunsintidor ka din e lalo na pag ginagawa kong long gown with slit yun scarf ko. Lol!

Thank You for telling the truth pag may kulangot ako in public or pag sobra foundation ko. Chos

Thank You dahil ang linis linis ng banyo ko. O.C ka kasi!

Thank You for making me kulit to send you my selfies kahit ang haggard haggard ng itsura ko sa shift! I always feel na ang gondoh gondoh ko tuloy. hahaha

Thank you for the endless hugging, spooning and cuddling all night. (teka iisa ata meaning nun? LOL) nasasanay na ko na lagi ka kaakap mahal...

Thank you for loving me.

I Love You.

Naks!



Happy Monthsary Monchiko :-)



P.S

nakontra pa siya sa shirt niya diyan. e totoo naman ako lagi tama noh! LOL (bully?)


"Enta Habibi" -- You Are My LOve