Greetings from The Province Of Laguna!Pelepens!
Mabuhey!
Achuwali, 5 days na ko dito. Now lang nagka time to update you guys. Napangiti ako when I saw the rain shower outside NAIA. Nakakamiss din pala ang ulan after many months na puro tag init lang ang nararanasan mo.
Hinatid ako ng boyfriend kong si Jojo with 2 other friends nun sunday night sa bagong Airport ng Dowha. Mega pictorial kami kasi ang laki at ang ganda. hihihi. Nagkape at Kakapichur taking namin medyo naalanganin tuloy yun allowance time ko para dumaan sa duty-free dun.
Balak ko kasi ay dun na bumili ng mga pasalubong na chocolates. Para di na kasama sa timbang ng bagaheng dala ko. Nagmamadali tuloy ako. Kung ano nalang madampot. Kalurkei. Hindi tuloy ako nakabili ng Joe Malone na pabango! Grrrrrr!
|
lakad takbo na ko sa walkalator na ito dahil 30mins late na ko sa boarding time ko haha |
Sinabi ng friend ko nun pumasok na ko to check in hindi na daw naimik si Jojo pauwi sa flat namin. Hindi na daw makausap ng maayos haha. Sad na daw agad. Well, ito ang first time na magkakalayo k
ami ng matagal.
By the way, kahapon pala ay second monthsary namin. We just talked over the phone. Sana more more months to go pa :-) nakakatawa pa kasi yun huling shirt na sinuot ko nun last day ko sa dowha ay inuwi daw niya sa bahay niya at isinuot sa unan niya at ginawang punda para daw lagi niya ko naaamoy!
"E di sana pati madumi kong brief ko isinuot mo na din sa unan mo!" biro ko pa.
Nakakamiss din palang ang yakap niya sa gabi at ang paghawak niya sa utong ko para makatulog siya. LOL
Kinabahan pala ako nun papasok na ko ng NAIA kasi andun yun mga health workers nila. May konting sore throat at sipon pa naman ako. Lam nyo na baka ma praning sila at uso pa naman ang Ebola tapos galing pa ko ng middle east at malapit kami sa source ng Mers-CoV! LOL Buti nakalusot naman lola nyo.
At super asar pa nun nasa conveyor na ko to search for my luggages aba'y ketagal lumabas! 30minutes na namumuti na mata at hilong hilo na ko sa kakatingin sa umiikot na mga bagahe!buti nalang andaming gwapo na nag aabang din. Infairness! naaliw ako sa kanila. LOL
Buti nalang bago pa ko mag collapse e natanawan ko na ang aking pink maleta with rainbow colored ribbons para makilala ko sila kahit madaming kamukha!
Charot lang yun oy! ang manly kaya ng dalawang maleta ko. Hihi.
Sinundo ako ng family ko and bago umuwi ay dumaan kami sa shell sa NLEX para mag withdraw ng pera and guess what! Wala pa yun inihulog kong money since thursday!!!
Wagas diba? Nganga levels kami e andun lahat ng pera ko haha! kakapag sisi tuloy na di ako nagtabi ng dollars sa wallet kahit papano. Buti nalang may pera bayaw ko. Inutangan ko muna siya ng 10K! LOL
Bago umuwi sa bahay namin ay dumaan kami saglit sa construction ng bahay ko sa mumu'ng subdivision. Nakita ko na may second floor na at yun bubong na ang ginagawa nila sa kasalukuyan. Super ka excite lang! as in!
Maasahan talaga sisterette ko dahil nakahanap siya ng ayungin na fish if alam nyo yun favorite ko kasi yun sa sinigang na bayabas. Wagas na wagas na naman ang paglafang ko ng rice. Ayun after 2 cups of rice himas himas ko na ang malaki kong tiyan sa sofa habang nanonood ng TV. Toink!
Pinakamasaya sa lahat nang pag babalikbayan ay ang pagbubukas ng bagahe at pamimigay ng pasalubong sa family members. Their reactions and smiles are priceless. Di nila alam asin nalang inulam ko sa Dowha nun para lang mabili gusto nila.
Charrrrr!