Hi guys! Musta kayo diyan?
Nakaduty ako now ng night shift as I'm writing this entry. Medyo sinipag magsulat. And stable ang mga patient namin sa ICU kaya knock on wood wag sana mausog hehe.
Malapit na din ako magbakasyon sa pinas. 5 days to go. yey!! And bilis lang ng araw!
Kaya medyo abala ako sa paghahanda ng mga iuuwing gamit. Pamimili ng pasalubong, ng mga request na ganito ng ganyan ng sister ko. Para namang andami kong pera kung maka hiling ang bruhang yun. Yun mga ibang gamit like shoes and bags and mga masisikip na sa aking clothes na di ko na ginagamit ipinabagahe ko na via air freight. Hinaluan ko na din nga mga ilang bagong damit at chechebureche.
Tuwang tuwa naman sila. First time ko magpa air cargo. Ang convenient lang at ang bilis. Within 5 days andun na sa door step namin sa Laguna e!
Wish ko lang e hindi ako bagyuhin sa Pinas like last year kasi nasa pinas ako nun nag Yolanda. Medyo tagtipid din ako this time dahil sa mga nadagdag na gastusin at bayarin. Lam nyo naman lola nyo breadwinner din naman ang Peg.
Very OFW lang talaga. hihihi.
Pero okay lang at malapit na matapos ang aking new house! yeyyyyy! by December daw ay pwde na i-turn over sa akin. Kaso waley na ako nun sa Pinas. So ipapaubaya ko na sa mahadera kong sisterette ang pag inspeksyon nun balur ko if pasado na ba ang lahat ng detalye.
At dapat wala ding alikabok kundi di naman tatanggapin! charot!
Kaso waley na ako extra anda pang furnish huhuhu ipon ulit lola nyo. unti unti nalang siguro bili ng mga gamit. you know, like walis tambo, walis tingting, floor map, arinola, ganyan. LOL!
Yun talaga e noh? bakit ba e yun nalang kaya ng budget ko e! haha ganun na pala ka poorita del sol.
Pero wag kayo, excited ako magdecorate. Panay nood ko ng mga home interior keme online. Kumukuha ng mga ideas. Gusto ko medyo modern yun design. Cozy. Parang mukhang condo kahit na yun ay house and lot lang. Hihihi. I like the wall to be gray and black. My ceilings would be white and the floorings. My furniture pwedeng black. red and woody ganyan. O davahhhhhhh! *nakita ko lang yun online* (wink)
Pero andiyan din yun idea na kumuha ng Interior designer. Pero wala ako idea how much they charge e at wala din ako kilala!
Henywayz, malayo pa naman yan at wala pa akong cash pang bili kaya mangarap na lang muna at mag pray na tumaas sahod ko dito sa disyerto! LOL
Pero super thankful ako sa aking pagkabait bait na jowawiz na si Jojo. sa lahat ng preparation ko pag uwi andun siya. Kasama ko pamimili (tagabitbit) pag eempake, etc. Nasasanay na ako na andiyan siya lagi. Tuwing may kelangan ako puro Jojo na lang ng Jojo.
Pag gutom "Jojo, luto kana'
Pag bored "Jo kanta ka"
Pag masakit katawan "Jo masahe mo ko"
Pag libog "Jo baon mo"
Charrrrrr!!!
Kidding aside ang sarap lang nun feeling na lagi ka may kasama. Ito ang namiss ko sa pagkakaroon ng boyfriend. Yun kahit san mo gusto pumunta may makakaladkad ka ng walang reklamo bagkus ay lagi pa game sa kahit anong trip mo.
Kaya eto todo pray ako na wag sana siya magsasawa na intindihin ako. Anglakas din kasi ng toyo ko. Pero promise ko susubukan kong maging maayos na boyfriend. LOL
Mahirap na baka isang araw lumuwag tornilyo at iwanan ako!
Knock on wood! 10x!