Kinabukasan ay nagbalik siya sa bahay ko at ang plano namin ay ang magluto ng sinigang. Gusto ko kasi matuto. Tuturuan niya ako. Maiba naman this time. Cooking bonding naman kami. Tutal naman ay may pork pa ako sa fridge. Nakakabili na kasi kami ng pork dito pero kelangan ay may license ka.
Humalik siya sa labi ko pagkasara ko sa pintuan. Hinataw ko siya ng mahina sa balikat bilang pagsaway dahil jeskelerd iskandalosa naman kasi at baka biglang lumabas ang housemates ko at makita kami.
"na-miss kita beh..." sabi niya sabay akap. Napangiwi ako sa itinawag niya sa aking "beh" na gasgas na gasgas na sa pandinig ko. Nagpaubaya lang ako at niyaya na siya sa room ko. Kwentuhan saglit about sa day niya sa office.
Nag grocery kami sa pinakamalapit na supermarket sa bahay ko ng mga kailangang ingredients at supplies ko na din sa bahay. Nakapayong pa nga kami dahil mainit pa din kahit alas kwatro na ng hapon yun. Hanggang sa di talaga kaya lakarin pumara na kami ng taxi'ng dumaan. Natawa pa nga sa amin ang driver kasi few blocks lang naman yun distance!
Cowboy siya at walang keyeme. Hinayaan ko lang siya mamili ng gulay.
Tulong kami sa pag prepare ng mga kailangan na rekado. O sige na nga mostly ay siya. LOL Pero sa actual na pagluluto ay ako talaga! Iniinstruct-an lang niya ako. Aba e kedali lang pala ng sinigang na baboy! Wagas! dinamihan ko ang pampaasim dahil ganun ang gusto ko. Yun mapapangiwi ka sa asim! hihihi
Habang nagluluto ay minsan lalabas ang housemates ko at makikita si Jojo. Pakilala ko nalang ay kaibigan ko. Getz na nila yun, di ko na need mag elaborate. Tseh.
Sabay namin pinagsaluhan ang masarap kong sinigang nun maluto. Andami namin nalafang. At talagang bagay kami dahil angtakaw namin pareho. LOL
Habang nakain ay may akbay akbay at paghawak siya sa kamay ko in between. Hinahayaan ko nalang. Although wala pa kaming usapan na mag ano dahil jusme naman, second day palang ito, kahapon lang kami nagkita noh.
Pero alam ko na gusto ko na siya. At siya naman ay todo todo na pinapakita ang pagkagusto sa akin. O di ba ang gondoh ng lola niyo. hihihi
Dun naman nag uumpisa ang lahat. SA "LIKE" then saka na yayabong yun sa love eventually. Basta give it some time. Natatawa lang ako sa knya kasi parang sa kanya ay "kami" na nga kahit di pa ko na "oo".
Pagkakain ay humilata siya sa kama ko na para bang kasambahay ko siya. Natawa ako "oy at home na at home ka a..." biro ko.
"Lika dito tabi tayo sige na beh...." sabay extend niya ng kamay niya na inaaya ako. Kahit napangiwi na naman ako sa itinawag niya sa akin ay sumunod ako.
Niyakap niya ako ng mahigpit. At humalik sa labi ko.
"kung magiging tayo ayaw ko ng "BEH" ok? aba'y lahat ng tao ay yan ang tawagan. At ilang jowa ko na ang nagamitan ko ng ganyang tawagan hahaha" kwento ko pa.
"bakit naman? e ano tatawag ko sayo?"
"saka na ako mag iisip!"
Nag play ako ng movie at nanood kaming magkayakap. Maya maya lang ay naririnig ko na ang marahan niyang pag hilik sa may tenga ko. Tinulugan na ko ni Mokong. Hinayaan ko lang siya at ipinagpatuloy ko ang panonood ng movie.
Namiss ko din kasi itong ganitong may kayakap sa kama. Mas gusto ko yun ako ang niyayakap hihihi lalo na kapag spooning di ba? mas masarap kesa sa ikaw ang umaakap. E itong si Jojo sakto namang hugger so wala akong problema at di siya mangalayin kahit na matagal kong nadadaganan ang arms niya.
Nun medyo late na ay ginising ko siya ng marahan dahil kelangan na niya umuwi dahil maaga pa ang pasok ko bukas.
At eto na naman kami, same as yesterday. Pahirapan na naman siya pauwiin!!! Gusto niya ay dito matulog para daw tabi kami pagtulog.
"e hindi nga ako nakakatulog ng may katabi. I need a good sleep....sige na...bangon ka na..." pakiusap ko pa. Pero sa halip na bumangon ay lalo pa niya hinigpitan ang akap sa katawan ko. Parang batang munti na ayaw magpaiwan sa bahay kapag aalis ang nanay niya! LOL at sa nanay at anak ko talaga kinumpara e noh?
Hindi naman ako makawala dahil ang laking tao ni Jojo kainis! hanggang sa nag galit galitan na ko. Nun makakawala ay tumayo ako at hinila siya pababa ng kama! natatawa ako sa itsura naming dalawa!
Hanggang sa napilit ko din after 15minutes ng malupit na pakiusapan! Grrrrrrrrr!
Kinabukasan ay nasa bahay ko siya ulit! at nun sumunod na araw at nun sumunod na araw at nun sumunod pang araw! as in everyday!!! total of 5 days ata yun!
Inaraw araw ang panliligaw!
At sa araw araw na yun ay iba ng iba ang niluluto namin. Hihihi. Nag pork hamonado kami, nag turon kami, nag ginataang bilo bilo na paborito ko din. Nag lumpiang shang hai din kami. Kaya eto ang jubis jubis ko lalo!
at ito namang Jojo gusto daw niya mataba ako. Kainis! kaya bawal daw ako mag diet!
At eto pa hah sa inaraw araw na ginawa ng diyos lagi nalang pahirapan siya pauwiin! kelangan ko na naman hilahin...at kakapit na naman siya ng mahigpit...hanggang sa maggagalit galitan ulit ako. one time pa nga sinipa ko ng marahan para mahulog sa kama! LOL Tsaka lang siya uuwi. Ilang gabi ganun ng ganun! nakooooo!
At nun ikadalawang linggo mula nun magkakilala kami, nag decide akong gawin ng official ang relasyon namin. Medyo mabilis, Oo, pero jusme naman for 2 weeks napunta siya sa bahay ko araw araw, compared sa weekly or twice a week na ligawan ng iba diyan e super compensated na kami hahaha.
Hindi na ko tinantanan ng lalakeng ito, na aaminin ko na natutuwa ako at lalo ko siya naaappreciate. Super iba siya sa lahat ng naging boyfriend ko before. Pasado siya sa lahat ng requirements ko. haha Kasi yun mga hinahanap ko sa isang guy ay nakita ko naman. So yun. Keri na.
At ang mas importante ay mas gusto niya ako. Yun na! at eto pa, ako ang first boyfriend niya! o bilib na kayo na maganda nga ako? chosssssssssss
Ito yung pic nun gabi na sinagot ko siya. He asked me nun nasa duty pa ako if nag dinner na daw ako. Sabi ko hindi pa. He said pupunta daw siya sa house ko pag uwi ko ng alas diyes ng gabi at dadalhan niya ako ng chickenjoy. Kinilig ako ng mga 10x.
Kaya sabi ko sure na ko na gusto ko na nga siyang maging jowawiz. Tuwang tuwa siya at humalik ng wagas na wagas.
Pero may ipinakiusap ako nun, sabi ko wag niya ko tatawaging "beh"!!!
Sa darating na August ay icecelebrate na namin ang aming first month! excited na si Mokong lagi sinasabi sa akin e!
"Malapit na Monthsary natin...yahooooooo"
And by the way ang naimbento kong tawagan namin e:
"Monchiko". Na minsan ay nagiging "Monchs" or "monchi"
Hihihi. Para walang kapareho.
Pero dahil pasaway ang jowawiz ko, minsan lagi pa din siya nag be-beh or mahal ko or asawa ko. Hmmmmmmmp!