Good morning guys, just got home from a 12 hr shift, wagas na wagas na O.T, nauumay na nga ko e. LOL Pinamimigay ko na nga OT ko sa iba ayaw naman nila kasi sila din umay na!
Buti nalang onti lang patient ko sa ICU this week, hindi ganun ka pagod magtrabaho ng 12hrs, more more chika and lamon and tawanan with my friends. Di gaya last week grabe full house kami 12 beds ang intubated.
Anywayz, napanood ko ang Capt. America part 2 and The Amazing Spiderman 2 and I both love them. Astig lang ng mga moves nila. Looking forward sa pag shown ng Godzilla and X-men. Haist andaming kaabang abang na movie.
Kamusta naman ang mother's day nyo? ako, tinawagan ko lang si Mudra sa Dubai at binati, happy happy naman siya sa new work niya. Sana maging okay na siya dun talaga. Yun last work niya kasi delayed magpasahod kaya nag resign siya dun.
And speaking of delayed ang sahod, yun ex ko na andito sa Dowha ay naaawa din ako kasi delayed din lagi company nila magpasahod. Mag 4 months na ata siya dito. Sinabi ko naman kasi sa knya na wag na tanggapin yun work na yun pinush pa din niya kahit na ang baba ng offer. Katwiran niya kesa naman daw umuwi pa siya ng pinas e andito na din lang sa middle east e di ipush nalang.
Andami ko kakilala na may ganun sitwasyon sa knya, kaso nagtitiis nalang kasi wala choice, mahirap din talaga maging OFW at mas mahirap kapag panget ang company na napasukan mo. Kaya naman nun isang araw ay isinama ko si ex sa lakad naming magkakaibigan para makapag unwind naman siya at maitreat ko na din ng dinner.
Tulong ko na sa knya, yun nalang iniisip ko.Tutal naman kako sa sarili ko ay mas fortunate naman ako sa napasukan ko at walang ganun problema gaya ng sa knya, so yun, im just being nice ganyan. Hihihi.
At lagi ko din siya pinapaalalahanan jusme ang mga escapade niya sa taxi ay nakakaloka! kebago bago dito sa dowha e ketapang umayuda sa mga driver na nasasakyan!
Nako alam nyo ba ilang araw na ko nahihilo at nagsusuka...at hindi ako buntis, pang nth na kayo nagsabi. tseh!
So worried lola nyo, nagpa check ako ng blood pressure, normal naman, nagpa check ako ng mata ko baka kasi tumaas ang grado ko na naman, kaso same pa din naman daw sabi ng optha. Nag suggest siya na to check my sugar daw.
Medyo pasok nga ako sa mga signs and symptoms ng diabetes. So more more kaba naman ako. May diabetes pa naman lola ko nun nabubuhay pa.
Nagcheck ako ng RBS, medyo mataas than normal values, so the next day nag fasting ako ng 8 to 9hrs no eat and no drink yan ha, mamatay matay ako sa pagtitiis. LOL
Perks of being a hospital staff and being so friendly like me e madali makapasuyo sa mga nurse or ibang hospital employee ng pabor haha. at libre lahat! Nagpa kuha ako ng blood sa kanila para maeksamin ang sugar ko ng nag fasting, sinama ko na din ang cholesterol, uric acid, at kung ano ano pang blood works para malaman ko kung ano na ba nagaganap sa loob ng bubot kong katawan. Charot!
Pinangakuan ko nalang sila na ililibre ko sa starvaks!
Henywayz, after an hour ayan na nakita ko na ang resulta. Jusme! Yun ina-assume ko na mataas na sugar level ay mataas lang ng konti sa normal pero kaya pa ikembot, pero ang nagpagulat sa akin ay ang mataas na level ng SGPT ko!!! sa Liver ito! huhuhu
Hindi nga ako manginginom pero due to medications I'm taking for my gastritis and GERD and for my allergic rhinitis. Haist.
Kaya dapat uminom ako ng liveraide at kumain ng liverspread? charooooot! LOL
At hindi pa diyan natapos mataas din ang uric acid ko!
At humabol pa si cholesterol and triglycerides ko is borderline. Konti nalang mag high risk na ko. huhuhu. Tumatanda na nga ako at sabayan pa ng hindi magandang lifestyle sa pagkain! kaloka.
Kaya sa darating na mga araw ay kelangan na magbago at kumain ng healthy and more exercise. Health is wealth ika nga, Aanhin ang pera kung hindi ka naman malusog di ba.
Atleast alam ko na kesa naman wala ako kamalay malay na mataas na pala sila. Baka isang araw na lang bumulagta nalang at ma-cardiac arrest. Chos.
Biruan pa nga ng mga kaibigan kong walangya e hanggang kelan nalang daw itatagal ko? haha. Napapaisip tuloy ako bigla, dapat pala talaga moderation sa pagkain ng mga unhealthy food. Lahat ng sobra ay masama sabi nga nila.
Pero hindi pa din nasagot nun ang issue ng pagkahilo at pagsusuka ko. Isa nalang suspetsa ko: Baka nga buntis ako? chos ulit!
Malamang at sa malamang ay may vertigo ako. Yun na.