December 17, 2014

Kasi Mahal Ko E...



Naalimpungatan ako sa pagpasok at paglabas niya ng room ko....Busy pala siya sa pagluluto ng lechon kawali sa kusina.

Napabuntunghininga ako.

Boyfriend kong masipag.

Boyfriend kong saksakan ng cheesy.

Boyfriend kong makulet.

Sobra. Pasaway.

Pero wala magagawa.

kasi mahal ko e...

My plus one at our christmas party hehe. 
Kaka celebrate lang namin ng ika limang buwan namin together. Infairness to me ha tumatagal kami. Mukhang magki-christmas ako na may Jowa! achievement toh! sabi nga ng mga friends kong mahadera.

Ang boyfriend kong pasaway na si Jojo.

ay kailangan pang ipagtabuyan para lang umuwi  sa bahay nila. Magka iba kasi kami ng accommodation. Pero dahil deads na deads siya sa akin aba'y halos mag live in na kami. Charrrr

Kaloka!

"Gusto mo ba bang masuspend or materminate ako sa work pag nalaman na nagpapatulog ako ng hindi empleyado ng hospital dito?" Yan ang panakot ko sa kanya pag ayaw pa niya umuwi.

Uuwi nga siya pero may kasama namang maktol. Lol. parang bata lang si mokong. Pero totoo naman yun sinabi ko. Kasi bawal naman talaga yun andito siya sa building ng company namin. Lalo na pag may nagsumbong, buti nalang mababait housemates ko at kasundo niya. Binibigyan niya kasi minsan ng luto niyang meryenda!

Kaya sabi ko dapat uuwi-uwi din siya. Hindi pwdeng tuloy tuloy na andito siya. Dapat may pahinga ganyan para di naman obvious di ba.

Masaya din naman na lagi kami magkasama dahil asikasong asikaso niya ako. Sa lahat ng nakarelasyon ko siya lang ang super ganito sa akin. Ang sarap lang pala ng lagi  inaalagaan at minamahal. Hihihi

At ito ang pinaka bet ko sa pagkakaroon ng boyfriend yun kahit san ko gusto pumunta e may makakasama ako! Kung san ako naroon andun din ang jowawiz ko. Lagi ka pang may kayakap sa gabi!

ito yung isa sa pasalubong ko sa knya from London, para matching charms kami pwde gawing pendant.

"Ano gusto mo ulam Mahal pag uwi mo?" Yan malimit niya tanong. Ang sipag kasi magluto kaya wala ako maireklamo kaya eto ang taba taba na namin pareho!

Kaya masarap ding nasa bahay ko siya. At kesarap naman niya yumakap sa gabi pag tutulog kami. Higpit na higpit. Fave namin ang spooning. hihihi. Pero nagagalit ako pag lagi nakatusok sa likod ko etits niya. Nakakailang kaya! Kaya naglalagay na siya ng unan mula nun!

Nakakatuwa lang na halos pareho na kami pumorma sa pananamit ng di namin namamalayan. At minsan pag may gusto ako damit bibili din siya na ibang kulay naman. Naisama ko na din siya recently sa aming department's christmas party last week. Kaya parang its official na naipakilala ko na siya sa mundo ko as my partner.

Uuwi nga siya sa bahay nila ng mga ilang araw at pagtapos ay uuwi na naman sa bahay ko. Pinakamatagal na ang 3 days! Kaloka.

Nawawalan tuloy ako ng Me-Time mag porn hahaha masarap din kaya mag mariang palad paminsan minsan noh.

Mahilig siya mag alibi at gumawa ng kung ano anong eksena para lang makitulog sa bahay ko. Minsan buking ko naman siya. Natatawa nalang siya pag inookray ko.

"mahal naman ehhhh..." ganyan linya niya na parang batang kulang nalang gumulong sa sahig pag ayaw ko pumayag.

Pero itong alibi niya this week ang pinaka matindi sa lahat! Wala akong kalaban laban!
Pang Oscar award ang script!

"Mahal, may bulutong  yun housemate ko. Hindi pa ko nagkakabulutong. Pano pag nahawa ako mahal...kaya makikitulog ako sa bahay mo ha?"

Napapailing nalang ako na kinantiyawan siya. Ano pang laban ko sa bulutong diba? Lol

Natural wala na naman akong nagawa. Napapailing nalang ako. Ano pa nga bang magagawa ko e Mahal ko e kaya keri na....


November 20, 2014

My UK Medical Escort (Part 1)



Halos 2 days akong ngarag sa paghahanda ng mga kaukulang dokumento at gamit na dadalhin sa aming byahe patungong London. Yes, may medical escort ulit ako. Its been a year since my last. Yun ay nung magdala naman ako ng patient sa Thailand, remember? (click HERE) yun maligayang maligaya ako sa mga napanood na katitiin dun sa Bangkok? LOL

Im so happy na makakabalik ulit ako sa London after 4 years! super excited na ako. Yun unang punta ko kasi ay hindi kami masyado nakagala. Kaya this time kelangan sulitin ko na. Pero siyempre kelangan kong unahin ang kapakanan ng pasyente ko bago ang mag isip ng paglalamyerda.

Alas dos ng madaling araw ay dumating na ako sa hospital ICU. Ihinatid at Isinakay ako ng boyfriend kong si Jojo ng taxi sa harap ng house. 4 days ko din siya maiiwan. Ibinilin ko na magpakabait. LOL

Chineck ang status ng patient namin. Stable naman siya at mukhang fit na fit for travel by air. Inayos ko ang mga kakailanganin kong karagdagang gamit at saka bumaba sa aming opisina para mag relax naman saglit at mag kape habang inaantay ang doktor at nurse na makakasama ko sa byahe.

Isang 3-man-team kasi ito. Ako bilang therapist, yun nurse na si Tariq (egyptian), at ang aming team leader na si Doktor Shungek (indian). Chos. Hindi yan ang tunay niyang name, pero dahil imbey ako sa knya yan nalang ang itatawag ko sa knya dito sa blog ko. LOL

3:15am ay muli akong umakyat at naghanda na para sa pagdating ng ambulance team na susundo at maghahatid sa amin sa airport. Halos 30mins din ang inabot bago namin nailipat ang patient sa stretcher at tuluyang nailabas ng icu at hospital.

Matagal kaming nag antay sa airport bago kami nabigyan ng go signal na pumasok na sa aircraft. At eto pa ang saya lang! sa Aibus 360 kami isasakay! first time ko toh!!! Nakakaintimidate tignan mula sa labas ang higanteng eroplanong ito. Honglaki laki at luwag sa loob!

Pinakahaggard sa lahat ay ang ipasok ang stretcher at i-secured ang pasyente sa eroplano. Papawisan ang lahat dito kahit anong lamig. LOL Mas naawa ako sa mga taga ambulance, effort kaya magbuhat. Crush ko pa naman yun pinoy EMS nila hihi "hi Ray" Humiling siya ng souvenir from London, isang shotglass daw. Umoo ako mura lang naman yun. At take note inaad pa niya ko sa Wechat! todo kamusta pa siya sa akin nun nasa London na ko. Landi ko! lagot ako sa jusawa ko!

Pagdating sa Heathrow airport ay sinalubong kami ng rude at medyo grumpy na mga thunders na ambulance team ng Wellington Hospital. Hindi ko nalang pinatulan. Inisip ko nalang na baka nirarayuma na sila kaya masusungit na. LOL

Nagalit pa si doktor Shungek sa knila kasi hindi nila inopen yun oxygen tank nila. Kala ata nila hindi napansin ng manggagamot ko. Mukhang tanga. tinitipid ata nila yun kapiraso nilang oxygen. Kaloka.

Sakay ng ambulance nila ay tinatanaw tanaw ko ang mga dinadaanan namin. Sa wakas nakarating kami ng ligtas at walang aberya sa himpapawid. At stable pa din ang patient namin. Ganda ng wellington hospital. MUkha siyang hotel actually. Carpeted. Maganda ang pintura. AT ang ICU nila first class! Ganda ng set up.

Pagka endorsed namin ng aming pasyente ay nagpaalam na kami sa ICU staff nila at nag antay sa sundo namin. Na arranged na kasi ng Qatarrr embassy ang arrival namin kaya susunduin at ihahatid kami ng driver nila sa aming hotel.

Nag booked na ako online kinagabihan palang para hindi na kami mahaggard ni Tariq sa paghahanap ng tutuluyan. Nakiusap kasi si Tarik na makikishare nalang siya ng accommodation sa akin. Kay dr. shungek ay wala na me paki san man siya tutuloy. LOL

Sa Ashley London hotel kami naka checked in at nagbayad ng 278 GBP for 3 nights na pinaghatian namin ni Tariq. 3 star hotel lang ito bilang tipid mode ako. haha. Ok ang location nito dahil walking distance lang papunta sa Oxford street (dito ang shopping district nila) at Hyde Park.

Dusa lang ang bathroom. Jusme. Kesikip. Pagjejebs ka ay nakaharap mismo sa mukha mo ang lababo. Ang ang shower ay either very cold or very hot ang water! hindi ko kinaya ang sunog level ng tubig sa balat ko. Buti nalang may dala akong maliit na tabo pambuhos pag jejebs haha.

(Tissue lang kasi ang pang linis dito pagjebs. Kaya nagdala talaga ako ng tabo)

Yun ang ginamit kong pang ligo at sumahod ng tubig mula sa lababo kasi yun tubig dun ay matitimpla! kakaloka lang!

Alas kuwatro na kami ng hapon nakarating ng hotel at dahil pare parehong pagod at puyat natulog lang kami! O di ba nag aksaya ng isang araw. LOL

our hotel location
Nung magutom at magising ng late night ay lumabas kami saglit at buti nalang madami palang 24hrs na convenience store sa tabi ng hotel. Super bet ko ang location ng hotel namin lalo tuloy. Bumili kami ng malaking water at ilang sandwiches.

ito yun kahabaan ng mga store malapit sa hotel room namin
Awkward pa nga kami ni Tariq sa room at first. Pero hindi nakaligtas sa akin ang namumukol niyang etits hahaha alam nyo naman mga arabo. Gifted. Pero hanggang tingin lang ako noh ng pasimple. Ayaw ko naman na bigyan siya ng rason na pagsamantalahan ang maalindog kong katawan. Charrrrrr

Dahil excited ay hindi ako nakatulog ng maayos. Mugto tuloy ang mga mata ko huhu.

7am ay naligo na ako gamit ang tabo at tubig na mula sa gripo ng lababo. Nairaos ko naman ang paliligo kahit papano susmio. Bumaba na kami ni Tariq para sa free buffet breakfast. Na sad lang ako na unlike sa ibang hotel mas madami dung mga choices na kainin. E dito sa Ashley hotel ni walang scrambled or hard boiled egg at sausages etc man lang.

Pero keri na dahil sabi ko nga maganda ang location niya. LOL kaya tiis nalang ang peg namin.

Nag Big BUS tour kami and paid 32 GBP each.Pwede dito bumaba at muling sumakay after nyo maglakad lakad kahit ilang oras, aabangan nyo lang ang muling dadaan na bus basta ipapakita lang ang tickets. Every 15mis ay may dadaan na TOUR BUS. May top deck siya kaya kitang kita mo ang view. Sobrang lamig kaya kelangan naka bonet sa ulo at may suot kang makapal na jacket at gloves.



















The famous Big Ben





siyempre nun mapadaan sa London Eye ay agad kaming bumaba ng Tour Bus at bumili ng tickets! 21 GBP ang isa. Mura lang. Keri na. saya kaya!

view from the top

afraid akong tumanaw sa baba LOL



syempre dapat mamili ng mga souvenir items pampasalubong. I bought 3 jackets with the word  London printed on it haha at sangkatutak na mga ref magnets and key chains


angsaya ng condoms


Nag tea time kami ni Tariq saglit para mainitan dahil malamig. Sinisisi niya ako kasi napadami ang pamimili niya ng mga souvenirs haha  kasi naman aayaw ayaw pa pumasok nun una pero mas madami pa siya napamili kesa sa akin. LOL


Next post na yung iba pang pinag gagawa ko sa London. Kilometric post na ito at mauumay na kayo haha. See you next time guys. Mwah!


October 23, 2014

Afternoon Kiss




Narinig kong ipinasok nya ang susi sa may doorknob at bumukas ang pinto ng room ko. Pumasok si Jojo na nakangiti. Binigyan ko siya ng duplicate ng front at room keys ko. Naka office attire pa siya ng navy blue na long sleeves at black slacks. Poging pogi ako sa knya kapag ganito porma niya.

Na make over ko na din hair niya recently haha kaya ayun pasok sa taste ko. chos.

"Hi mahal ko...musta tulog mo?"

"ayun masarap. mahaba..." sabi ko. Parang ang bastos? LOL

Kasalukuyan akong nanonood ng koreanovela nun na subbed ng english. Yung "Angel Eyes" grabe yun. Keganda. Nakakainlove.



Lumapit siya at lumapit sa labi ko para humalik. Ganun siya tuwing darating. Nag smack. Kaso this time iba ang halik niya. May drag. Pahila. Medyo matagal. May konting sabit ng dila paminsan minsan. haha. Don't get me wrong mas gusto ko yung ganun kesa sa lapat or parang tuka ng ibon na halik. LOL

Dahil chosera ako sabi ko "ano ba yan! natatanggal ang lip gloss ko sa halik mo. ayan tuloy wala na!" maktol ko kunyari. Pero totoong naka lip gloss nga ako.

"E bakit kasi naka lip gloss ka pa e nasa bahay ka lang mahal?" ganting okray niya na natatawa.

"Paki mo ba? e naka foundation pa nga ako ngayon di mo ba nakikita???"

"ano??? bakit naka ganon ka pa?" tawang tawa na nandidilat siya sa nalaman. Napatawa na din ako. Di ko na napigilan.

"pasalamat ka inalis ko na yun rollers sa buhok ko at fake eyelashess! tseh!" irap ko pa. At saka ano ko typical na maybahay? exchuse me. Modern woman ako. charot.

 "kumain ka na nga diyan. Ininit ko na food mo. hmmmp"

"itong asawa ko talaga oh may regla na naman ata" iiling siya na naghubad at kumuha ng pambahay sa cabinet.

Pagkakain niya ng late lunch labi ko naman pinapak niya. Charot.

October 14, 2014

SingSing


Hello!

And Im back here in the middle east for about fourteen days now.

Thank God hindi pa ko inaatake ng homesickness. Laking pasasalamat ko dahil my boyfriend is with me. Kung wala siguro siya todo emote na ko till now sa isang sulok at namimintana or padausdos sa sahig habang pumapatak luha. Charot!

Pero bago ang lahat may chika ako sa inyo sa NAIA nung flight ko pabalik dito sa Dowha. Smooth na smooth ang check in ko, mapa immigration keme keme. sabi ko pa nga sa sarili ko makakapag relax pa ko at makakapag refreshments pa habang antay ng boading.

Pag buhat ko ng bag ko may naamoy akong mabaho. Amoy durian. Sabi ko malamang dun sa katabi kong maleta sa isip isip ko. Tinanung ako ni koyah na guard kung may dala daw ba akong durian. Nagtaray pa ko sabi ko "Wala noh."

Pagdating sa xray sa final scanning na yun. Hinubad ko belt ko, metals sa katawan, katangahan ko pati kwintas at ring ko na white gold hinubad ko at nilagay ko lalagyanan ko ng passport sa tray na provided nila. Hindi naman pala required haha shunga di ba?


Paglampas sa scan isa isa ko ulit sinuot yun mga hinubad ko including the necklace but not the ring. its must've slip through may passport. Naalala ko nalang na wala akong suot na singsing nun nasa boarding gate na ko!

Mga 5minutes na yun nakalipas nun! nagmamadali ako bumalik sa scan area nila! hoping na andun pa yung ring ko! huhuhu

Mega halughog ako sa mga tray na nakasalansan dun sa table. Pero waley talaga! hanggang sa lumapit na ko sa security and sinabi ang problema ko. Tinanung nila nangyari at yun detalye. at kung ano itsura nun ring ko. I told them its a wide white gold ring na may nakasulat na Bvlgari sa sides.

Its not a real Bvlgari but a replica of their B.Zero 1 ring but its 100% pure gold. I bought it here in Dowha.

this is the orignal version hihi di ba? pwde na, Uso kasi dito sa Gold market yun magpapakopya ka ng gusto mong design ng alahas. kahit anong style kaya nila :-)

They asked me how much the approximate value nya then inulungan nila ako maghanap sa paligid. Infairness sa kanila super helpful. The told me to look for my bag daw once again usually daw andun lang sa bag lang. Sinabi ko di ko makita. They said na scan daw nila ulit yun bag ko. Wala pa din daw sila makita ring. They told me to remove all the contents of my bag and this time scanned the bag alone.

"wala talaga sir e. Pero may isa ka pa tayong option. Ipareview natin CCTV. Mabilis lang naman yun. Wait lang tawagan ko supervisor namin" sabi ni ate'ng security.

Umagree ako dahil gusto ko din malaman naganap. If naiwan ko ba siya, or nahulog ko ba siya, or may kumuha ba etc. Sinamahan ako ni bisor nila sa police department ng airport. Si police officer Bernabe ang nag attend sa concern ko and dinala naman niya ako sa banyo para mag quickie... charot!

Sinamahan niya ako sa second floor sa security cameras nila. May sumalubong sa amin na another security personnel na malaki tiyan na batangueno.

"sir ito dito po sa amin ang tangi lang namin na mai-offer ay kung ano lang yun makikita ng camera" sabi pa niya.

Kaya pala smooth ang check in ko at maaga natapos yun pala may magiging problema ako na kailangan ayusin.

Sinimulan niya i-review ang CCTV kung saan nasa final scanning nila ako. Ang awkward lang makita sarili ko sa camera. Kung di lang seryoso ang nagaganap sa akin matatawa ako nun time na yun. 30 minutes din ako sa room na yun. Naging alerto mga kasama ko nun may nakita kaming lalake na titingin tingin dun sa tray na iniwanan ko. Kinabahan ako!

Halatang may sinisipat sipat siya dun sa loob ng tray. Then umalis siya then bumalik ulit. Nakakapagtaka naman! Then umalis na siya ng tuluyan!

Ang conclusion ni mister pulis Bernabe ay negative daw. Hindi kasi namin nakita na may kinuha yun lalakeng naka cap. Umalis ako sa camera room nila ng bigo. Hmp

Hanggang sa makapag boarding ako ay yun pa ding katangahan ko about my lost ring ang nasa isip ko. I super love that ring pa naman.

"Sana sinangla na nalang natin yun! napakinabangan pa sana natin! kasi naman bakit hinubad hubad mo pa!" sabi ng sister ko nun ibinalita ko sa knya.

Nilibang ko nalang sarili ko panonood ng mga movie sa eroplano. Mula sa "Grace Of Monacco" to "The Other Woman" ni Cameron Diaz na halos mapautot ako kakatawa! and finally "Harry Potter 1 and 2" hihihi. Masakit na mata ko kakanood at super nakain ko lahat ng ihinain na food sa akin! spell PG!

Pagdating sa airport sa Dowha muli ako na stress kasi baka masita ako sa dala kong isang pack ng chicharon at 5 purefoods na liver spread. Kasi balibalita na mahigpit daw sa new airport lately. Alam nyo bang iniwan ko yun dadalhin ko sanang isang kilong longganisa at yun ipinaluto kong binagoongan na may madaming taba ng baboy sa takot na baka mahuli ako huhuhu.

12am na yun at pagbuhat ko ng bagahe ko muli kong naamoy yun amoy durian!!!! natawa ako kasi mukhang confirmed nga na sa akin yung source ng mabantot na amoy na yun!

May dala akong sampung itlog na BALUT!!! at malamang nabasag sila kaya umaamoy! OMG

Nakalabas ako ng custom ng walang aberya at di nasita sa ilang dala kong delata. Buti nalang!

Sinundo ako ng apat kong friend na babae and Jojo paglabas ko. Muntik na kaming di magkasya sa sasakyan haha sabi ko magtaxi nalang kaya ako! charot!

Its nice to see boyfie again with my friends. Gumawa pa siya ng turon para daw may kainin sila habang nag iintay sa kin.

Masayang kwentuhan ang naganap at naichika ko ang nangyaring pagkawala ng singsing ko etc. Itinuloy namin sa DQ restaurant ang masasayang chikahan ng mga naganap sa akin sa isang buwan kong bakasyon ko sa pinas.

Sa loob ng sasakyan ay bumibida ang amoy ni sampung balut haha amoy durian na di mawari ang amoy!

Pagkauwi sa house ay todo akap ang aking jusawa na halatang sabik na sabik sa akin. Oh ganda ko di ba? chos.

Naka move on na ko sa nawala kong singsing. At inisip na baka kaya nawala ay may bongga namang kapalit ganyan.

Tinulungan niya ako mag unpack saglit nun mga dala ko na madali mapanis. Inuna ko ang nabasag na "balut" buti kamo di siya tumagas. Dahil selyado naman ang pagkakalagay ko sa container, pero tindi ha umaalingasaw pa din amoy niya mula sa loob  ng maleta.

Ipinasok sa fridge ang Jco donuts, ang yema cake, ang itlog na maalat at ang sangkatutak na Mochi ng Eng Bee Tin na super delicious!

At habang isa isa kong inaalis ang laman ng messenger bag ko...nang mapadako ang kamay ko sa isa ko pang wallet na pang  pinas dahil dalawa ang wallet ko isang pang pinas at isang pang qatar. May nakapa akong matambok sa gilid na bulsa nun wallet.

Pag usisa ko andun yun singsing koooooooo!!!napatili ako sa tuwa at yumakap kay Jojo na noon ay patulog na!!!

Nagulat siya sa akin pero natuwa din nun malaman na di pala nawawala singsing ko! bwahahaha!!!

Nakakaloka lang! na stress ako sa pagkawala niya and andun lang pala sa wallet ko. At nangdamay pa daw ako ng mga tao sa NAIA!

Pero come to think of it, ang shunga din naman ng scanner at ng xray machine sa NAIA e di ba iniscan nila yun bag ko twice? e bakit sabi nila waley daw? hay nako. e siyempre ako aasa asa din na wala siya loob ng bag ko. May mali din sila noh

At syempre shunga din ako kasi hinubad ko siya. LOL

October 4, 2014

Enta Habibi





Thank You for sticking up with me kahit anlakas ng toyo ko. LOL

Thank You for keeping me company kahit puyat ka go ka lang para masamahan ako. Mapa grocery, mapanood ng sine kahit di mo bet, mapa galaan sa kung san san. Isa yan sa gustong gusto ko sau. You always wanna be with me.

Thank You for being makulit kasi nalilibang ako. LOL

Thank You for all the time you've given me. Sobra sobra, wala ako maireklamo. I super appreciate it.

Thank You for all your spicy chicken wing adobos, ginataang bilo bilos, turons, shanghai rolls, your delicious ginataang hipon and alimango na to die for. Dinadaan mo ko sa luto e kaya di kita maipagpalit. charot!

Thank You kahit madalas kita awayin dahil lagi mo naipagpapalit ang "E" and "I" sa mga tagalog words mo.

Thank You for making friends with my friends...my sister and everyone around me! ang adik mo lang kasi!

Thank You for laughing at my jokes and all of my kabaklaan. Kunsintidor ka din e lalo na pag ginagawa kong long gown with slit yun scarf ko. Lol!

Thank You for telling the truth pag may kulangot ako in public or pag sobra foundation ko. Chos

Thank You dahil ang linis linis ng banyo ko. O.C ka kasi!

Thank You for making me kulit to send you my selfies kahit ang haggard haggard ng itsura ko sa shift! I always feel na ang gondoh gondoh ko tuloy. hahaha

Thank you for the endless hugging, spooning and cuddling all night. (teka iisa ata meaning nun? LOL) nasasanay na ko na lagi ka kaakap mahal...

Thank you for loving me.

I Love You.

Naks!



Happy Monthsary Monchiko :-)



P.S

nakontra pa siya sa shirt niya diyan. e totoo naman ako lagi tama noh! LOL (bully?)


"Enta Habibi" -- You Are My LOve

September 24, 2014

24 Days


Kamusta kayo?

Ako naman ay binagyo ng twice! Si Mario at si Luis! nilasfag nila ako.

Charot.

Its been a while since my last post patawad naman powz. Busy lang. I've been on vacation on our beloved country for 24 days now. Meron na lang akong 6 days. Huhuhu.

Bilis ng araw parang one week palang akong andito a! urghhhh! Nararamdaman ko na naman ang sadness sa nalalapit na flight ko. And on the other hand and on the other part of the world may excited naman na matapos na ang bakasyon ko. Walang iba kundi ang juwawiz kong si Jojo. LOL

To update you guys of my vacation this month ay so far nasusunod ko naman ang ginawa kong plano and itinerary on how would I spend my limited days.

First week I stayed home sa bahay namin sa Laguna with my family. At lumamon ng lumamon ng mga ito!

sinigang sa sampalok na buto buto ng baboy

Greenwhich's Lasagna supreme na paliit ng paliit yearly!

BananaQue

Tahoooooooooo!


Second week I stayed at my favorite condotel at Shaw Residenza sa Shaw Blvd. Lagi ako dito dahil mura and convenient sa akin.

invited my twitter friends for a small house party

payat ako dito ha infairness haha!

met the makulit snow kisser and his partner

and pwede bang mapalampas ang paglafang nito? hihihi #jcodonuts

natikman ko din ito sa wakas! tagal akong curious sa lasa nito e #KBL

Third week uwi ulit ako then midweek balik buhay condo na naman this time sa Sea Residences sa may Mall Of Asia sa Pasay. First time ko dito. Super bet ko ang location nito and super enjoyed their pool area. Surely na babalik ako next year at mas longer siguro.

too bad wala ako masyado na sight na poging tenant sa pool :-(




o diba sarap mag antay ng papatong sa akin dito. charot!

***


dahil nasa manila na din lang I took the opportunity to visit Binondo and china town

at mega lafang ng mga dumplings na super wagas sa sarap must try talaga!



Super nagsisisi lang ako na di ko pa dinamihan yun Ube Mochi na binili ko sa Eng Bee Tin! grabe sa sarap!!! nagpapabili ulit ako nun sa friend ko i want to bring some when I get back to the middle east.


***

and we tried the palutuan sa Dampa sa may Pasay area nun dinner :-)

Sarap din magpamper ng sarili kapag nakabakasyon sa Pinas, nakakamiss kasi. I love having my facial treatment sa Dermstrata (mura kasi! haha spell kuripot), first time ko din naranasan magpa body scrub! Ganun pala yun! grabe wagas na wagas na kudkod sa buong katawan inabot ko. Ang sarap! at feeling ko ang linis linis ko after the treatment! LOL





***


Here's some of the photos I posted on my IG account. Pasensiya na sa blurred faces haha lam nyo naman anonymous ang drama ko sa buhay!

meryenda at the Old Spaghetti House

pepper lunch!!!! sarap toh!

@Bannaple - tagal na nila sinasabi na masarap dito, So mega pila ako dahil lagi nga matao. Hmmm. masarap nga, kaso waley sa presentation. parang pinasabog! LOL

at wag kalimutan kumain sa Max's!

super love their crepes here! must try! yearly ko toh kinakainan @cafe Breton

isa ito sa misyon ko sa pinas. ang bumili ng #Herchel na bag! honggondoh di ba? super excited na ko gamitin sa work. wala kasi sa Dowha :-(

Napadaan sa kiosk ng @Its Personal sa MOA kaya nagpagawa ako nito couple pillows para sa amin ng boyfriend ko! super cuteness!!!

Nakakatawa lang na karamihan ng ginawa ko this month ay puro kumain ng kumain! hahaha! pasensya naman. Hilig ko kumain. Hindi naman ako pwde naman manlalake dahil bawal na di ba? so daanin nalang sa lafang! Chos

Meron pa akong remaining 6 days sa aking bakasyon at gugugulin ko nalang ang mga araw na ito kasama ang pamilya. Pamimili ng mga gusto ko baunin, pasalubong, at pag aayos ng mga gamit for my flight on the 30th.

See you on my next's post guys. Take Care. Mwah!