November 7, 2013

The One Republic Experience



Last Wednesday sa wakas ay napanood ko din ang concert ng One Republic sa Araneta Coliseum! Grabe sasabog ang big dome sa lakas ng sigawan ng tao.

Manghang mangha naman lola nyo, bilang first time ko makanood at makapasok sa loob nito. Hihihi. Para lang akong promdi na first time makakita ng kotse at building ganyan ang peg ko. (sanay sa kalabaw at paraway?) Charrr

Sensiya na sa crappy resolution ng phone camera ko :-)






Dito kami naka pwesto hihi 

Na missed ko ang concert nila sa Dowha nun at sobrang hinayang na hinayang ako. Kaya naman nun mabalitaan ko na may show sila dito sa Pinas nagpa book na agad ako. Nakakatawa pa ang nangyari, first time ko mag purchase ng ticket sa ticketnet.com and nag error yun page nila once I clicked "submit" payment.





Asar na asar ako at dahil katal ako makabili ng ticket ilang beses ko inulit yun procedure and error pa din hanggang sa sumuko na ko.

Maya maya nakatanggap ako ng sms message sa bangko and bongga! pumasok pala yun mga transactions ko!

7x!!!!

Nakakaloka! 7x ako nacharged ng kulang kulang 10 thousand pesos!

Nag panic ako kaya naman agad ko kinontak yun banko ko dun sa Dowha that time, wala daw sila magagawa dapat daw ang mag aayos nito ay ang party na binilhan ko ng tickets online. Nag email ako sa ticketnet at after few minutes ay sumagot naman sila asking for my details.

then waley na reply. Ni ha ni ho.

Hindi ako nakatiis, I made an overseas call sa contact number nila. Infairness, madali kumontak at mabilis ang sagot ng mga agent nila. Yun nga lang aabutin daw ng 2 weeks bago nila maibalik sa credit card ko yun sobra nilang charge. Floating lang naman daw yun charge somewhere and kusa na daw babalik yun now na na clear na nila.

Nakahinga ako ng maluwag.

Kaya lesson learned. Pag nag error wag ng ipilit pa. hahaha

Anyways, nag booked ako thru Agoda.com sa Fernandina88 suites and hotel ng isang gabi para naman hindi na ko mastress pauwi ng laguna after their concert davah? medyo luma na yun hotel pero maayos naman and ang laki ng room na naibigay sa akin. Ok na din since yun lang ang medyo maayos na hotel na malapit sa coliseum, tutal yun location naman talaga ang habol ko e.

*nagmamaganda*

Nasa malapit ako sa stage kaya naman halos kitang kita ko si Ryan Tedder, honggwapooooooo! laglag panty ko. And ang saya lang niya sumayaw. Galing ng moves! I love it! super cool niya. Ang taas ng voice! kung maka tili si Ryan jusmio hongtaas ng nota! at feeling ko masarap din Nota nya. Charot!

Ganun pala sa araneta noh? kaaliw lang. Yun dagundong ng hiyawan ng tao grabe lang. Pero di ata talaga mawawala yun may makabusetan ka sa mga ganitong event. May isa kasing bilat na teen na panay record ng show using her Ipad na napakalaki! lagi yung nakataas sa ere para makuhanan niya ng maigi yun band. So bilang napakalaki nun natatabunan niya yun view namin.

Ok lang sana na irecord nya pero not the entire time!! jusme may balak ba siya itransfer sa dvd yun file at ibenta sa bangketa???

Imaginin nyo naman na halos di na mapanood concert kasi nakaharang yun dambuhala niyang gadget! Hindi nakatiis yun kasama ko at isa pang nasa likod niya. Kinulbit si bilat at pinaalis tab nya. hahaha

Napahiya naman kaya naman minsanan na lang nya itaas. Kaloka lang di ba. Nanood ng live concert para lang mag record? asan na ang enjoyment nya dun? jaske!




Anywayz, naenjoy namin ng todo mga kanta nila hit after hit after hit...sarap maki sing along.

Im glad we're able to see this show. Super sulit.



P.S

Siya nga pala nasa Pinas na ko hihi one week na ang super saya lang ng stay ko so far. Super busog din. Pork overload lang, malapit na ko maging baboy kakain hahaha.

November 2, 2013

Heto Na Naman Me!




Its 9 o'clock in the evening. I'm currently preparing for my flight at 2:00 in the morning later. Yeah I chose that time of departure, as I always have every year. Sakto yun ng alas kuwatro ng arrival ko sa Manila. Exact time for dinner when we reached my province in Laguna.

And hindi pa masyado stress sa sobrang aga or sobrang late yung mga susundo sa akin sa NAIA di ba?

Its my first time to see my Mom too after four years. Sabay kami darating sa NAIA ng hapon. We have a different airline though haha kaya dun na kami magkikita kita lahat! Naiimagine ko na ang mga emotions ng tao once nag abot abot na kami. Wish ko lang di ma flushed ng luha ang contact lens ko. LOL

May time pa ko that's why I could write this post hihi. Wala lang, just to inform you guys that I'll be in our beloved country this saturday :-)

I'm waiting for my friend Julie to take me to the airport. At ang bruha medyo nakainom daw siya kaya tumawag siya ng isang Indian to drive us to the airport. Since 12pm pa daw siya umiinom kanina! Kaloka!

Anywayz, yun na muna. See you guys!