Previous Entries:
Coron Trip Day One
Coron Trip Day Two
After namin mag babad sa mga lakes at maghapong mag snorkeling ng buong araw kahapon, this day, ikatlong araw namin sa coron ay more on beach bumming, relaxing, and hilata all day naman. Mas maeenjoy namin ang scenery at ang ganda nga mga beach ng dalampasigan sa araw na ito.
Nag almusal kami sa hotel rooftop ng Islands View Inn nung alas siyete ng umaga at muli kaming sinundo ni Judith at sinamahan sa aming magiging mga bangkero para sa araw na yun. Iba ang bangka na sasakyan namin, dahil kailangan daw na mas malaki this time dahil sa malalaking alon papunta sa mga destinasyon namin. Iba ang bangka at natural na iba na din ang bangkero namin. Nalungkot kami na hindi na si Matt ang makakasama namin. Pero no choice na kami.
Nakatakda kaming mag tungo sa Bulog Dos island, banana island, at sa macapulya beach. Nagsimula kami maglakbay nung alas otso ng umaga. Dalawang oras ang byahe. Mahaba habang yugyugan ito sa bangka haha. Buti nalang di ako mahiluhin! Kita nga namin na malalakas at malalaki ang alon sa parte na ito ng dagat.
Nalilibang kami ni Brian sa mga napapadaan na ibang bangka sa amin, madami kasing nakahubad na boylet silang sakay! hihihi
Tirik na tirik ang araw! hindi ang mga kung anu pa man nun mga sandaling yun. Masakit sa mata at sa balat jusmio. Mahapdi!
Excited na kami nun matanawan ang aming unang destinasyon. Ang Bulog Dos Island. Maliit lang ito, pero mygash hongganda ng beach niya! Mega baba agad kami at nag kodakan ng walang humpay sa magagandang spot dito. Nag stay kami ng lampas isang oras!
May iba kaming kasabay na dumating sa isla na mostly ay mga puti at ilang koreano. Muli kaming nag snorkeling ng walang humpay haha. Grabe lang sa ganda! May entrance fee na 50 pesos each dito.
Feeling ko dito nasunog ng husto ang aking kabalatan! tan na tan kaming lahat hahaha.
Muli kaming sumakay ng aming bangka at ihinatid sa pangalawang destinasyon. Ang Banana Island. Tinawag daw itong banana island hindi dahil sa madaming saging dito. or maraming lalake na malalaki ang saging! chos! kundi sa korteng dahon daw ng saging ang buong isla kapag nasa malayo. May entrance fee dito na 200 pesos each.
Habang iniinjoy namin ang isla at kasalukuyang naghahanda ng aming pananghalian ang aming mga bangkero. Muli kami nagbabad sa tubig at nag snorkeling. Buti di nangulubot mga palad at talampakan ko sa tagal ko sa tubig! hahaha
fave spot ko in the island toh.
my sister and my brother in law. together pa din kahit madaming pagsubok :-)
astig lang ng shot namin dito hihihi. Lalakeng lalake daw ang peg ko sabi nila! true ba? chos!
Madaming corals at fish sa banana island. Super naenjoy lalo na nung pamangkin ko ang mga nakikita niyang yaman ng dagat. Muntik ko pa makabanggaan yun puti nun nasisid ako hindi ko siya nakita sa gilid ko haha. ma thunders na sana man lang yun hottie man lang para sumubsob pa sana ako sa singit nya! LOL
Halos puro seafoods ulit ang ipinahanda namin sa kanila. wagas lang sa sarap! tamis tamis pa nun mangga! Libre ang gamit ng mga picnic tables and chairs nila.. bundat na bundat kami nun matapos kumain haha.
Mas nagtagal kami sa islang ito. Masarap kasi maupo at humiga sa mga swings nila lalo't bagong kain kami. Sariwang sariwa pa ang hangin at ang breathtaking lang ng view. Super sulit talaga pumunta sa Coron! walang sayang na moment at hindi ka manghihinayang sa gagastusin mo. Buti nalang dito ako nagdecide at hindi sa Puerto prinsesa.
Tinawag na kami nun bangkero namin at sumakay sa bangka papunta naman sa ikatlo at huli naming destinasyon. Sa Macapulyo Island. Hindi ko naitanong kung bakit yun ang name haha. Gumora nalang kami basta! May entrance fee ulit na 200 pesos each dito. Super fine ng sand jusko. Parang masarap ilagay sa halo halo ang buhangin! LOL
emote ako sa beach hihihi
Nagpaka enjoy kami sa white sand beach nito at sa mga foreigners na hottie hahaha! itong dalawa lang ang nanakawan ko ng pic!
si bald korean na totoy! kasama pa nya mommy nya. cute lang nilang dalawa. inisip ko nga baka sugar mommy nya un at di talaga nanay! LOL
itong hunk arab na to ang pinaka hot sa lahat! jusme! buti nalang nasa ilalim ako ng tubig kasi basang basa na ko sa knya! charot!
Mas masaya sana if maglalagay sila ng mga water activities like banana boats, jetskii at kung ano ano pa para mas maraming gagawin sa isla na ito. Siguro soon magkakaroon na din.
Gusto pa sana namin mag stay kaso nagyayaya na yun bangkero at mahirap daw magbyahe ng madilim pauwi ng coron town. Habang sakay pauwi ay nag abot ng meryanda na suman sina kuya. Malalaki na nga ang alon habang binabaybay namin ang karagatan. Maginaw na din buti nalang may dala akong sarong! LOL
Lampas alas singko na nun makabalik kami sa hotel at agad nagpaliguan at naghanda para sa dinner. This time sa La Sirenetta kami kumain. Gondoh gondoh dito! overlooking the sea ang settings jusme! nakakainlove! sarap mag date! hahaha.
Tumambay kami sa balcony ng hotel nun pagkauwi at nagkwentuhan lang hanggang sa antukin. Kinabukasan pagkaalmusal ay maaga kami nagpunta sa mga souvernir shops upang mamili ng pasalubong. Madami kaming nagustuhan na shirts at mga anik anik. Nakakaaliw! Muntik ng maubos ang dala kong pera hahaha! pero buti naman sakto kaloka.
Super sarap mag coron, palawan. I would recommend it for you guys to visit the place. Sulit talaga. Kaya lang medyo napamahal ang gastos ko kasi I shouldered the five of us. Ayun butas na butas bulsa pati brief ko. chos!
oh ito pa last pic ko. Astig astigan haha! Hay salamat natapos din ang Coron series na itetch! Pasensiya na kayo at kilometric post ito hahaha!