December 25, 2012

A Blessing




Last night at christmas eve, we were at the dining table and having our first noche buena together after 3 years of me being away and spent my holidays in the middle east. Though, i get my vacation yearly, this is the first time that I am home the whole december. Swak sa pasko and new year. Di ba, san ka pa! LOL

Our table was filled with my favorite foods (crispy pata, roasted chicken, hamonado, carbonara and my all time fave Crema de Fruita) and laughters and endless conversations especially when some of my cousins joined us.

These moments are the ones that I missed most nun dun ako nagpapasko at bagong taon sa middle east. Precious. Hopefully, next time, my mom would be here too. Siya nalang kulang. She's in Dubai. Pahirapan pa tumawag kagabi, kaazar lang!

I have a lot of things to be thankful this year. Una na dito ay ang recovery ng brother in law ko, na isang cancer survivor, last chemo na nya nun November and I am glad na nakasama siya nun nag coron, palawan kami for four days, i saw happiness in him na according to my sister ay matagal niyang di nakita. second ay ang pagiging strong ng sister ko to handle all the stress ng pagkakaroon ng asawang may malubhang sakit ay hindi siya nagpatalo. I salute her.

And kahit medyo nahirapan kami this year ay andito pa din kami, nakaraos, masaya at sama sama. At sa mga kaibigan na tumulong at dumamay.

Thank you Lord.


Merry Christmas everyone :-)

December 18, 2012

Dun Sa Shaw.



Last Dec 6 to 12 I was in Shaw and I invited bloggers and twitter friends to join me for a simple dinner at a unit that I've rented there. It was more of a meet and greet dinner party. Some of them I have met before na and some are first timers.

I am really thankful that they gave some of their precious time for me. Walang humpay na chikahan at kainan. Hindi naubos ubos yun foods kakaloka. at as usual bitin ang red wine! sana pala isang case binili ko! charrr! Salamat sa inyo.

It made me really happy to finally see:

Will of MeLikesArt-- tinulungan ako mag set up and mag prepare for my pa-dinner nun saturday,bait bait na bata, at FYI: hindi po si will ang kahalikan ko dahil straight po siya at napakabata at napakapayatot nya. hahahha!

Leo of FindingLeo and Nimmy of BaklangCockroach-- again pang ilan na natin toh haha. I will always enjoy your company guys :-)

Heyoshua of TangledInSheets-- Super happy at na hug na kita! sarap sarap mo pala! charrr! I love your gimmick na pinasabi mo kay nimmy na u wont be able to come. super na sad ako ayaw ko na talaga ituloy yun dinner kasi wala ka! lol

Ianboi--atleast nakasama ka. napaaga ang meet up natin. next time ulit

Louie of HatersNotAllowed--ang huggable na si Louie hehe angtahimik mo ha! puro ka tawa hehe. glad u came kulang ang gabing yun kung ala ka. Naks!

Nate and Nikita-- finally, after a long wait, ganun pala kayo in person hehe nate is tahimik and i love Niki's laugh, aliw! sana more chikahan soon.

Babit of OverActing-- i would never forget that line you said: "hindi pa din ako makapaniwala na kaharap na kita ngayon, binabasa lang kita dati" thats so sweet of you. and super like ko boses mo. di kapa nakanta i already know
na maganda voice mo. hehe sayang di mo ko sinampolan! hmmmmmp!

Justin of StuffHiddenInTheCloset --Hello mamon tustado! you're so much fun in person! i love being with you. i enjoyed your company so much, kaya siguro di ka na nagtataka na lagi kita inaaya to accompany me. at salamat sa pagiging helpful sa akin nun nasa shaw ako. Miss you na agad! medyo matagal tagal pa ko sa pinas, hang out ulit tayo :-)

Miguel-- second time seeing him that week  hehe. Glad you didn't left when others did hehe drama? I know maasahan kita kahit dati pa. Bothered ako sa hilik mo ha!

Ceiboh of Whispers --ikaw ang nagpasaya sa buong gabi namin. dapat di ka mawawala lagi kapag nasa pinas ako at may ganitong gathering aliw ka friend! ang lakas mo lang mang okray bruha ka! tseh! at sana magpataba ka na jusko ang payatot mo ha! lol

Shattershards of Organized Chaos-- pinakahuling dumating, humabol, and im glad you cum este came pala kahit its late na. Ang gwapo mo pala! char! aliw ako sa kilay na tumataas-taas!

DHouseboy of DesperateHouseboy-- second time to see him, ang saya ng hang out namin sa pool area with our feet at the water with heyoshua, justin and ceiboh, i've met him last year where he claimed I made him wait for two hours sa alabang nun haha, di ko na maalala noh! tseh, mas bagay sayo balbas sarado kapatid! i enjoyed your company pa din as usual, di ako maka move on sa tawag sau ni ceiboh "boy takaw" hahaha!

Exhumed-Angel--binigyan ako ng gift naa super laki at super sarap na chocolate caken when we met sa ayala triangle! salamat! nahiya naman ako. hahaha! sayang saglit lang kami nagchikahan, next time ulit!



me with @Heyoshua nun maiwan kaming dalawa sa unit hahaha kinilig kilig ako ng mga 20x diyan!




with ceiboh, leo, louie, me, heyoshua and nimmy



with ceiboh, ronkosiguro, leo, nate, heyoshua and me (lagi kami tabi pansin ko lang!)



with Babit this time.at tabi na naman kami ni cutie pie heyoshua! *kilig*




Dancing lights at Ayala triangle kung san kami nag dinner at nag coffee nina Shattershards, Jess, Justin, and miguel later.



I'm with exhumed angel at Ayala 



no comment nalang ako! LOL. 




ito pa! LOL


Buong week akong busy sa Shaw haha. Humabol pa sina Von at si Dave *wink* Gamit na gamit ang katawang lupa ko pag eentertain! charrr! super sulit. sana maulit ito :-)

December 12, 2012

I'm Home!





Hello Pelepens!

Sorry now lang nakapag update. I've been in the country for almost two weeks now. And these past few days have been really crazy!

Dumating ako ng pinas nun December 1 ng hapon, my family picked me up at the airport and we headed straight home dahil im too tired to eat at Jollybee like what we planned! Almost 9 hrs ang byahe ko jusmio! kamusta naman yun!

I had pork liempo with suka and toyo for sawsawan nun dinner, pero ambilis ko naumay, good thing my dad cooked minatamis na saging. Wagas tuloy ang lamon ko! ayun bundat! LOL. It was our first family dinner and first night ko sa bahay namin

My family and relatives were excited to see me, andami lang tao haha *artista lang ang peg ganyan* chos! the best part when i gave them my pasalubong. Everyone was happy. Dapat lang noh? bigat din sa bulsa kaya, mananampal ako pag nagreklamo pa sila. charot.

Whenever i go home here in our house i feel like a real princess, sunod lahat ng gusto ko e haha kulang nalang pumapalakpak ako andyan na yun nirequest ko!

Nagpakasawa ako sa pork. Lahat ng namiss ko nakain ko na. Angsaya lang. Goodluck sa pag gain ko ng weight malamang 10kg aabutin ko dito kakalamon ko.

After 5 days of bonding with my family, gora na ako sa ni-rent kong 70sqm na loft type unit with two bedrooms sa Shaw blvd para isakatuparan ang mga maiitim kong balak sa mga kalalakihan sa maynila! charot!




View from my unit at the 18th floor :-)

Kidding aside, I've rented the unit for 7 days to meet and greet those mahahalay and makukulit na blogger/twitter friends na lagi ko kausap at kaharutan. And para din maenjoy ko maggala around the metro ng hindi masyado haggard sa byahe pauwi ng Laguna. More than two hours kaya pauwi sa amin! kakaloka!

And I am really happy na madami ang nagrespond sa invites ko. Hindi naman nila ako binigo at pinagbigyan nila ako.

First night sa condo, I had a small get together with Nimmy, Leo, Will, Miguel and  first time ko na meet ang ever bubbly na si Ceiboh. Pinasaya ako ni bakla ng todo. hahaha. We've ordered  foods and i brought 3 bottles of red wine habang walang patid ang chikahan ever.



Nimmy, Leo, Me (hiding haha) and will



Napagitnaan ako nga mga kagandahan!


Nag overnight silang lahat sa unit ko. Bago matulog someone kissed me when nag akyatan na yun iba sa second floor...and I liked it. chos! saka ko na ichichika yun! *bleh* 

At nagkasya kaming lahat dun tatlong bed. Nakakaloka. Nagkaroon pa ng komosyon kung pano buksan ang shower kinabukasan ang iingay ng mga bakla hahaha! pero since smartness ang mga lola ko, nafigure out naman nila ng mabilis.

We had a nice swim sa pool nun umaga. chikahan kami nina Leo dun sa tubig. Maaga umalis sina Nimmy at ceiboh at miguel dahil may work sila. Naiwan kami at andami ko lang nai-share sa knya. Bilang magkaedad kami halos *thunders na* kaya gets ako ni Leomesia de amor haha.

Sinamahan ako ni Will for two days, hands down ako sa kuya ko. Angbait at walang arte ang dali kausap hehe. Yun nga lang  may isang bagay akong asar na asar sa kanya na di ko pwde sabihin! hahaha.

Brian, my ex boyfriend also came to see me nun hapon. Namiss ko ang mokong. Madami kaming napag kwentuhan to catch up for the long time na di kami nagkita. Nakahug ako sa knya habang nagkukuwentuhan kami sa kama at nagpapaantok. Masaya. tawanan, kilitian, Isa toh sa mga masasayang alaala na madadala ko pabalik ng abroad, pero wala nangyari sa amin ha, as usual ,dahil ganun lang kaming dalawa.




will, brian and me. puro blurred. wag makialam ok? chos!


*kaya wag magselos ang mga seloso dyan!hihihi*

We are very good friends. Nakagawa na ko ng ilang blogpost about him so I'm sure alam nyo na yun.

Next time na yun iba. Andaming ganap nitong nakalipas na one week ko sa shaw blvd, promise chika ko lahat yun sa inyo.


 Good night na. Jontok na ko!