"salamat sa mga tumutulong at nagdadasal sakin....lalaban ako kasama si god, para s pamilya ko at sa nagmamahal sakin..."
Naalala ko pa nun una kang pinakilala ng nag iisa kong kapatid sa amin ni Tatay noon. Instantly, hindi na kita gusto para sa knya.
Sabi ko, mas marami pang deserving na boyfriend para sa kapatid ko. Hindi ka kaguwapuhan, oo mapanghusga ata ako pagdating sa nag iisa kong sister LOL, ok-ok lang ang work mo noon, at malayo ang edad mo sa knya.
Pero nagtagal kayo. Inabot ng tatlong taon. Hindi nanaig ang pagiging kontrabida ko sa pagmamahalan nyo. Nakakainis lang! chos
Hanggang namalayan ko na di na umuuwi kapatid ko. Two days bago ko narealized! OO late reaction lang, kasi naman napaka gala ng kapatid kong yun kala ko nasa habadan lang! yun pala nagtanan ang harutay!
At itinanan mo.
Galit na galit ako sa yo nun. Sabi ko iniumpluwensiyahan mo siya. Nag aaral pa kaya siya! Sinabi ko sa kapatid kong wag na wag ka nya isasama sa amin. Kahit pa sabihin nyo na nagtanan na kayo. Wala ako pakialam.
Pero nanindigan ka. Sumama ka pauwi sa bahay namin, hinarap mo ko ng buong tapang. Nanindigan ka. Irap at ismid lang sinukli ko sau. Baklang bakla lang pala ako nun! LOL
Dahil dalawa lang naman kaming magkapatid, di na ko pumayag na humiwalay pa kayo. Aalog alog kasi kami sa bahay kapag umalis pa kayo. At saka allergic ako sa tatay ko. Ayaw kong kami lang dun! Ginamit ko din kayo, ganyan!
Kontrabida ako habang nasa amin ka. Pero napahanga mo ko sa kabaitan, kasipagan mo, at sa pagmamahal mo sa kapatid ko.
Nakita ko kung gano mo siya kamahal. Binigyan mo ang Nanay ko ng isang cute na cute na apo na nagbigay ng walang katumbas na kasiyahan sa Nanay ko. Salamat sa iyo, bayaw.
Nag abroad ka. Sa saudi. Tiniis mo mapalayo kasi ayaw mong may masabi kami sa iyo na wala ka maipakain sa pamilya mo.
Natutunan na din kita tanggapin at mahalin. Bilang kapatid ko. Miyembro ng pamilya. (kasi nakita ka na ng malaki! chos!)
Nakita ko na masaya kapatid ko. Kuntento. May mapagmahal na asawa sa katauhan mo. May malikot at cute na anak na lalaki. Nag iintay ng pag uwi mo kada taon.
Napapangiti ako sa halos perpektong buhay ng kapatid ko. Masaya ako kahit malayo kami ng Nanay sa kanya.
Nabigla nalang ako nun itinawag ng kapatid ko na sinugod ka daw sa ospital sa saudi. Nagdudugo ang ilong mo. Hindi ka nakakain. Ilang linggo pabalik balik.
Natatakot ang kapatid ko. Sinabi ko sa knya na pauwiin ka na niya muna at magpa gamot sa atin sa pinas.
Pagkalipas ng ilang series ng tests...napag alaman natin na may
cancer ka ...Halos kasabay ko umiiyak ang kapatid ko nun tinawagan ko siya sa telepono.
"kuya, stage three na daw...hindi ko pa nasasabi sa knya. Ayoko makita sa mga mata niya ang takot at lungkot.."Hindi kami makapaniwala. Nakakapanlumo. Nakakatakot. Natatakot ako para sa kapatid ko. Para sa mga pamangkin ko.
"
Kuya, alam mo ba ang sabi nya sa akin nun naka confine kami...pwde ka pa mag asawa kapag wala na ako...gawin mo yun...hindi sasama ang loob ko..."Naririnig ko ang halos pigil na hikbi ng kapatid ko nun mga oras na yun. Gusto nya magalit sa yo dahil sumusuko ka na agad...
Nakakalungkot lang na di ko madamayan at ng aking ina ang nag iisa kong kapatid ngayon. Nag aalala si Nanay sobra. Nagi-guilty siya na wala siya diyan sa tabi nyo. Alam ko iniisip niya na obligasyon nya na dapat kasama nyo sila diyan.
Alam ko andami iniisip ang kapatid ko ngayon...bills...gamot...yun condition mo, yun dalawang pamangkin ko na halos di na niya naaalagaan.
Alam ko hindi ito madali para sa knya. Lalo na sa iyo. Alam ko pakiramdam mo helpless ka...walang magawa. Pero tandaan mo bayaw, miyembro ka ng pamilya namin, mahal ka namin. Kahit magipit tayo, kaya yan. Maging matatag ka sana lagi :-)
Napapatanung ako minsan...parang nun isang araw lang ang saya saya ng kapatid ko...halos walang iniintindi. Bakit sa isang iglap, nabaligtad ang lahat?
Pero maparaan ang diyos...binago nya ang paninindigan mo...pinatatag ka nya...at ngayon handa ka na lumaban...handa ka na mabuhay muli...
Para sa kapatid ko :-)