February 28, 2012

Through The Wire


Naranasan mo na bang ma-inlove online?

Sa ka-chat mo nang ilang linggo at buwan?

Sa lagi mong ka-skype?

Posible ba talaga?

Ako naranasan ko na e...Nung 2010.

Hindi ko lang alam if love ba talaga yun or iniisip ko lang na inlove na talaga ako.

Pero kayo ba?

Parang pwde talaga e! LOL

Kulet ko lang noh?

Araw araw mo ka chat...nag skype pa kayo lagi...pag nasa work andiyan na magtext pa kayo or BBM or kahit sa Whatsapp pa yan...Andami nyo nang alam sa isa't isa...lahat napag usapan nyo na ultimo personal na mga bagay.

Hanggang sa tawagan level na kayo...overseas call pa kapag magkalayo kayo.

Hindi ka na mapakali kapag di siya agad nagrereply sa mga messages mo...nagseselos ka na kapag may nabasa ka'ng tweet nya about other guys....feeling mo may commitment na kayo sa isa't isa.

Posible ba? Naranasan nyo na ba toh? Or ako lang ang may ganitong thoughts?

Marahil lang ba ito na nasa malayo ako at malungkot sa gitnang silangan at nag hahanap ng atensyon at pagmamahal mula sa same sex? kaya ba mas prone ako mabiktima ng love through the wire? hahaha

Or sadya lang madali akong mapaibig kahit anong paraan at sistema pa galing?chos!

Tingin mo posible kang ma-inlove online? is it a ridiculous idea? or sounds desperate?



Share your thoughts naman :-)



February 22, 2012

Sa Mga Bisig mo


Asan siya? Tanung ko sa kapatid ko. Nasa isang isla kami at nagbabakasyon ng ilang araw.

Nandun sa baba nainom daw sabi ni Ate B.

Siya lang?

Oo.

Nagsipaghanda na ang lahat para matulog. Nahiga na din ako pero nag iisip. Inalala ang matinding away namin kaninang tanghali. Nag-sagutan kami sa harap ng mga kasama namin. Nalungkot ako, kasi napatunayan ko na di ko na siya kaya pang pakisamahan pa ng dahil sa nangyari, at may mga iba pang bagay na mahirap balewalain.

Paano mo ba sasabihin sa isang tao na: "Mahal kita...pero hindi na kita gusto pa..."

Lumipas ang tatlumpung minuto...naramdaman ko ang marahang pagbukas ng pintuan ng kwarto namin sa hotel...madilim na sa kwarto ng mga oras na yun, natatanging ilaw sa banyo na bahagyang nakabukas na pinto nanggagaling ang matamlaw na liwanag.

Dahan dahan siya naupo sa gilid ng kama...nakikiramdam...

Nagtulug-tulugan nalang ako...ayoko pa makipag usap sa knya ng mga oras na yun. Nakatagilid ako ng higa patalikod sa knya. Hanggang sa maramdaman ko na lang na humihiga na sa siya sa tabi ko.

Ipinikit ko pa ng maigi ang mga mata ko at pinanindigan na ang pagtutulug-tulugan. Nakakangalay din pala na hindi gumalaw ng matagal,naisip ko nalang. Pero kasubuan na toh!

Mac...

Marahan niyang tawag sa kin.

Halos tumalon ang puso ko sa kaba nun marinig ang boses nya. Hindi pa din ako gumalaw.

Sumukob siya sa kumot ko...lumapit nang maigi sa nakatagilid kong katawan. Pilit niyang isiniksik ang kanan niyang braso sa ilalim ng leeg ko...saka siya marahang dumikit sa nakatalikod kong katawan...ramdam ko ang kanyang dibdib...ang tibok nito...ang kanyang marahang paghinga na bahagyang may amoy alak...

Hanggang sa muli kong maramdaman ang pagdantay ng kanyang kanang kamay sa aking dibdib payakap...

Alam kong alam na niyang gising ako...pero batid kong alam nya na hindi pa ito ang tamang oras para mag usap.

Dinama ko na lamang ang sandaling ito...ang pagkakataon na ito na mag pretend na ayos lang ang lahat...na sana ay tumigil muna ang pag ikot ng mundo at pagtakbo ng oras para manatili kami sa ganitong pagkakataon...

Na sana ay manatili na lang siya ganito ka gentle sa akin...ganito ka loving...masarap damhin ang kanyang mainit na katawan, ang kanyang paghinga sa may batok ko...

Humihiling na sana wag na dumating ang umaga at di na magtapos ang lahat...Mas lalong humigpit ang knyang mga yakap sa katawan ko at saka bumulong ng:


"Mac..Mahal na mahal kita."


Hanggang sa makatulog kaming magkayakap.








Nagtapos ang relasyon na nag umpisa sa matamis na pagsasama at nauwi sa mapait na wakas....Makalipas ang halos dalawang taon, dumating ang oras na nag usap kami, nagkapaliwanagan. Nagkaroon ng closure ang lahat...nasagot ang mga tanong na matagal na naghahanap ng kasagutan...

Naging mabuting magkaibigan...

Nagkasundo.

Naging magaan ang loob muli sa isa't-isa.

Pero sa kabila ng lahat ng pasakit at pangit na mga nakaraan namin...nanatiling malinaw sa aking isipan ang alaala ng gabing yun sa isla sa loob ng hotel room na yun...

Dahil nung mga sandaling yun...nakita ko ang isang bahagi ng pagkatao nya...

Isang mapagmahal na kasintahan.

February 17, 2012

Lesson Learned


We were talking about something funny, me and my friend Cher, while walking towards the elevator, its been a while since we had the same shift, so we're catching up a lot. It was always fun being with her. I didn't imagine that we could be this close!

We're currently on a happy mood at that time while waiting for the elevator, when it opened, the lift was not empty, a patient was on a stretcher, together with her nurse, doctor and a nursing aid.

We're hesitant to come in, but we realized, its seven o'clock already, dinner time. So we squeezed ourselves inside. swak na swak lang kami dun sa space!haha

The elevator closes up, and while inside, we noticed that the patient lying on the stretcher is a Filipina, kabayan! so me and Cher, being talkative and "friendly", asked her...

Cher:" San ka nila dalhin, ate?" (where are they taking you?)

The patient started to cry suddenly...hysterically, in fact!

"Ooperahan ako...natatakot ako..." ( i will have an operation and I am really scared) she said. Her tears are endless!

The doctor, nurse and aid looked at us as if asking :what the hell did you do? what did you two tell her?!

Nagkatinginan kaming dalawa!

We don't know how to calm her down, we too are on a panic! LOL

Me: "shhh, ate okay lang yan, relax ka lang..." (hush, it will be okay, just relax)

Cher:" asan kasama mo? ikaw lang?"( where is your companion?are you alone?)

Wrong question again by Cher! The crying got louder this time!LOL

Patient: "ako lang!!!" (just me!)

Good thing the elevator opens and its our floor! We hurriedly escaped from the mess we've created and went out and took a deep breath!

Saved by the bell!haha

Me: "we should've shut our mouth!"

Cher:"I agree!"

LOL



This is a re-post from Feb of 2010

February 15, 2012

Akinse Ng Pebrero

Lumipas na din ang valentine's day! Sa wakas! ampalaya? LOL. Third year in a row na wala ako balentayms! kaya naman parang ordinaryong araw na nga lang sa akin. Kundi pa dahil sa mga post sa FB or sa Twitter halos wala naman ako paki na e.

Itinulog ko lang ang katorse ng Pebrero kaya ayun lipas na pag gising ko! Kapag lagi nalang ganun e masasanay ka na din pala! ahaha! Hindi na issue. Hindi na big deal.

Pero don't get me wrong, masaya ako para sa mga may partner diyan sa tabi tabi. Ituloy lang ang pagmamahalan :-)


Someone sent me the link of this video, a story of long distance relationship, na alam naman nating lahat na beterano na ko diyan haha halos ayaw ko na nga maniwala e...pero somehow napangiti ako ng dalawang to.




Enjoy the rest of your week guys :-)

February 10, 2012

Heat Of The Moment


I've been living with my other two Filipino housemates for about a year now and so far, they're OK with me. We all have separate rooms but one common living room and kitchen which I hardly use since I've put all of my stuffs inside my own room. We've been getting along well before. Maybe its because of the fact that we don't see each that often due to difference in working schedules.

I work at the Cardiology Hospital and they are dental assistant at a health center here and we're under the same company. Its just hi's and hello's. I'll come home from night shifts and they're leaving for work for their morning shifts, and that's it

But lately I've been noticing some carelessness on their part... Someone's cooking and forgot about it...or someone just let the water boiling till all the water inside evaporated!

And when I got home one morning, When I passed by the kitchen and I saw that they forgot to turn off the electric stove, its just open, nothing on it. Its just open! Imagine!

It happened three times! I mean, its a bad habit, its serious. They have to be responsible. We don't want to start a fire on our house! I can't imagine going home and the house's on fire! I would die!

My clothes! My shoes! my gadgets! my clothes! my documents! my clothes! LOL

Ok! Ok! you get it na!

Anywayz, since we haven't seen each other at home most of the time, I left a message on top of the stove:

"Please don't forget to turn the switch off"

Simple. Direct. Polite.

The next morning when I got home, to my surprise, I found the stove open again and I could feel the heat inside the kitchen with an additional bonus: the faucet was running too.

I just thought: Wow! very amusing...

And my note was on top of the trash can intentionally located there for me to see. I was in shock at first, but then I realized, these people are immature...shallow...narrow minded...impossible...they're not seeing the big picture.

Nagkibit balikat nalang ako. I can't deal with these people. To think that they're in their 40's. tsk! tsk! tsk!

Baka ayaw nila napapagsabihan sila...nasaktan ang pride. But I'm right naman di ba? Its for our own good. Pag nagkasunog hindi lang naman sila ang maaapektuhan di ba. I don't know bakit minasama nila yun.

You know what? after seing what they did? I just left it the way as it is. With the stove open...with the faucet open and water running...I went to bed and slept the whole day! My room is far enough from the kitchen and if ever fire would start, their room would be the first to burn! yahooooo! LOL

They want to piss me off. And I don't want them to have that. Its a success on their part. Ano ko sira? I'm not in the mood to give it away easily! Sori nalang sila!

Ipinagpatuloy ko ang buhay kong masaya with less stress, and I still say HI and HELLO to them as if nothing ever bothered me.

Few days later...saw the stove switched off all the time!

Nice!

Good dogs.

Chos!

February 6, 2012

Departed


The other night an Indian patient of mine at the cardiology ICU died. He's on a coma for two weeks now. There's no relative and just an employer who couldn't even decide on what to do with him. He was brain dead though. So the doctor's decided not to resuscitate him.

The next night shift, the nurses called me up and asked for my assistance in resuscitating an old Emirati patient. The doctor pronounced the time of death after a few minutes.

There's no relatives present too. No one knows how to contact his family.

I don't know why, but I'm starting to think that, was it me or what that every night I have patients dying!

urgh!

After preparing some paper works, and headed back to our office, I just thought to myself, I don't wanna die like this. Like my two patients...its just so...sad.

I've been around death all the time...its part of my hospital life, I know that. But a death with no one to grieve your passing is pitiful.

You're on a foreign land, working, or you grew old here, suddenly you get sick, you get into a coma, or you had a cardiac arrest...and then you die...

You die alone.

Life is not supposed to be like this.

Hay buhey.

February 1, 2012

Asan Ang Padala Ko?


Antok at may halong katamaran ang nagaganap sa loob ng katawan ko nun umagang yun, galing ako ng night shift. Kaya naman imbes na sa Western Union ko i-send yun hinihingi ng sis ko na pera, gaya ng madalas ko gawin. Medyo mahaba haba kasing lakaran yun kaya naman sa mas malapit sa bahay ko na remittance center ako nagpunta instead, sa Cebuana Lhuillier ang ending nun after 3 hours daw.

E di ako naman mega mega tawag na sa sisterette ko na na send ko na yun money at saka ko tinext sa kanya ang transaction pin and everything at saka ko binirahan na ng tulog nun makauwi ng house. At ten hours ako natulog nun. Wagas.

Kinabukasan tawag ng tawag sis ko sa cellphone ko habang naka duty ako that morning. Nagtatalak at wala pa daw yun money sa Cebuana Lhuiller branch sa amin sa Laguna. Andun na daw siya mismo sa branch, singkwenta pesos na lang umano ang kaperahan nya na di ko naman pinaniwalaan! Oa lang! siya 50 lang anda? imposible dream! LOL

E di sabi ko naman sa kanya e: "aba awayin mo yang kahera diyan! Kahapon ko pa sinend yun a!"

"Baka mali tong PIN na binigay mo! Ulitin mo send sa text", sabi ng mahadera kong kapatiran.

Tatlong beses ko pa inulit yun na i-check kung tama yun PIN na tinetext ko sa kapatid ko. Tama naman siya. Kaya sabi ko sila may problema diyan. Baka yun system nila e bulok!

Nun time na yun naasar na ko sa Cebuana! sa isip isip ko naku, hinding hindi na ko dun magpapadala ulit ever!

Pinakulit ko ulit sa kanya yun mga tao sa cebuana na i-check ulit yun transaction pin ko. Wala daw talaga.

No choice na ko kundi tawagan yun remittance center. Effort sila kontakin. Laging busy yun hotline nila. Tinawagan ko yun office number at sinabi kong nagtetelebabad ata mga empleyado nyo dahil kanina pa ko natawag di ako makapasok.

Todo apologize naman siya at ikinonek akong muli sa tamang linya. Mabait naman yun pinay na nag aasikaso sa complain ko. Sabi nya follow up nya at that moment din daw yun branch nila sa Laguna para maayos na yun problema namin. Hiningi din niya yun number ng sister ko para daw ma text nila.

Sabi ko sana maayos nila agad kasi kawawa naman yun kapatid ko nag iintay dun kanina pa. Malumanay akong nakipag usap pero halata nya na imbyernadette sembrano na ko sa kanila.

Pawis na nga daw kili kili ng kapatid ko kaka-pabalik balik sa dalawang branch ng cebuana sa kainitan ng araw! LOL

After a couple of minutes tumawag siya sa akin:

"Naku! Macoy! Masasakal kita! Nagtext na sa akin ang China Bank at sa M. Lhuillier pala sa Kwarta Padala pala mo sinend yun pera, hindi sa Cebuana Lhuillier!!!!Ke tanga mo! kaya naman pala wala silang makita na transaction number na binigay mo! kainis ka talaga kahit kelan! Grrrrrrrrrrrrrrr!!!!"

"Ano???At bakit magkaiba pa ba yun? basta ang alam ko may Lhuillier! yun na yun!"



Choserang mga Lhuiller yan! nanggugulo ng tao!

Hmp!