November 28, 2011

Platlayns


Bata palang ako, madalas na ko ma-amaze sa mga doktor at narses noon...parang naiimagine ko ang sarili ko na naka-puti din kapag napapadaan at napapadalaw kami ng nanay ko sa loob ng ospital.

Pangarap lang yun, kasi alam ko naman na wala kami pera at mahal ang gastusin mag aral ng mga ganung kurso sa kolehiyo.

Pero tinupad ng Nanay ko ang pangarap kong yon. Nakipag sapalaran siya noon sa gitnang silangan at pinatapos ako ng pag aaral sa kursong napili ko. Isa na akong Therapist. Isa nang kasama sa team ng mga propesyunal na may misyon na tumulong manggamot ng mga may karamdaman...

Halos kalahati ng buhay ko ata ay nagugol ko na sa loob ng ospital. Mula nun mag aaral pa lang ako, nun mag internship, nung mag training. At ngayong nagta-trabaho na. Hindi ko naiimagine ang buhay ko sa ibang karera.

Ito ang ginusto ko noon, ito ang pinaghirapan ng Nanay kong ipatapos sa akin, kaya naman pinilit ko itong tapusin.

At kaya ko sabihin ng diretsahan kahit kanino na mahal ko ang trabaho ko. Masaya ako sa ginagawa ko. Alam ko maraming iba sa atin ang hindi ganito. Maituturing ko na masuwerte ako. Hindi ko alam kung darating din ako sa puntong mabubuwisit at maiirita na ko sa trabahong araw araw kong ginagawa.

Wag naman sana muna.

Pero hindi din naman lahat e masaya, siyempre meron din mga pagkakataon na mabigat sa kalooban ko ang ibang parte ng trabaho ko.

Madalas kasi sa loob ng ICU ako kailangan. Kritekal ang mga pasyente na mina-manage ko. Of course katulong at may direktiba ng doctor.

Mga comotose, mga 50/50 na halos ang chance mabuhay, mga pasyenteng nakaasa nalang sa mga makinang pang-hinga (ventilators/life support) at gamot na pampatibok ng puso.

People die here all the time sabi nga ng ibang kaibigan ko. Kaya naman siguro madaming tao ang ayaw sa ospital. They could smell death.

May mga pagkakataon na pinapayuhan nalang ang mga kamag anak na iuwi nalang nila or ipa-stop na ang life support ng pasyente.

Alam ko mahirap na desisyon ang kailangan nilang gawin. Kung ako man ang nasa kanilang kalagayan ay mag aagam-agam din ako. Pero minsan kasi, kahit nagawa na at naibigay na natin ang lahat, pero kapag wala pa rin, wala na talaga tayo magagawa kundi ang ipasa-diyos na lang ang lahat.

Isinasaalang-alang din dito ang lumulobong gastusin. Hindi biro ang gastusin sa mga ganitong kondisyon lalo't balewala na rin naman ang lahat...

Nakakalungkot din ito sa parte ko na somehow naging familiar na ako sa pasyenteng hinahandle ko...yun iba pa nga sa kanila inaabot ng ilang buwan sa care namin...

Naiintindihan ko na wala halos may gusto na mag volunteer sa pamilya ng patient. Sino nga naman ba ang may gusto na ikaw ang pipindot ng makina na eventually e papatay sa mahal nila sa buhay di ba?

Ako ang kailangan magturo sa isang miyembro ng pamilya kung paano at saan ang dapat niya pindutin sa ventilator...

Hindi ko gusto ang sitwasyon na ganito...mahirap...nakaka-guilty...

"Mam, oras na po...lapit kayo dito...ito po ang pipindutin nyo..."

"Alin dito?" saka siya muling titingin sa akin at sasabihin:

"Hindi ko kaya...hindi ko pala kaya (titingin sa mga kasama niya parang sumasaklolo)...please ikaw nalang ang mag turn off for me" sabay hikbi at akap sa iba pa niyang kapamilya.

Nalalagay ako sa ganyang alanganing sitwasyon. May nagba-back out. Hindi na ito bago sa akin...Titingin ako sa doktor na katabi ko at tatango lang siya akin.

Wala ako choice kundi gawin ang inaatas sa akin. Hihinga lang ako ng malalim at saka i-press ang power off ng makina. Pagkatapos ay maririnig ang biglaang pagtigil ng kanina lamang ay tumutunog at umiilaw na ventilator.

Katahimikan. Parang nakakabingi...

Lahat ay nakatingin sa taong nasa kama sa gitna naming lahat...unti-unting tumitigil ang kanyang paghinga...parang nauupos na kandila...

hanggang sa tuluyan ng pumanatag ang kanyang dibdib...

hanggang sa wala na kaming maaninag na buhay mula sa knya...

Ang tangi mo lamang maririnig ay nag natutunugan na monitors sa paligid...mag flatline na rin ang tracing ng heart rate...

Saka mo maririnig ang malalakas na hikbi na nagli-lead sa histerikal na iyak ng mga kamag anak...

Wala na siya...sambit ng ilan.

May mga nagdadasal...may mga humihingi ng tawad na dumating sila sa ganun sitwasyon na itigil na ang life support...

Sa mga oras na ito ako lumalayo...dito sa mga oras na ito ako nagdadasal...hindi ko gusto ang ganitong klase ng iyakan...nakakadala...nakakaantig ng puso.

Halos kalahati ng buhay ko ay nagugol sa loob ng ospital...

Pero hanggang ngayon, nakikipag laban pa din ako sa kalooban ko na wag maantig sa mga nagdadalamhating puso ng mga mauulila mula sa mga pasyenteng inalagaan ko at sinubukang muling mabuhay ngunit nabigo pa rin sa huli...


November 25, 2011

May Masabi Lang!



Buhay OFW sa gitnang silangan:

Magduduty...

Mag-o-OT for extra income...

Uuwi, kakain sandali.

Mag open ng laptop...

FB-FB, tweet-tweet ng slight.

Manonood ng TV Patrol.

Manonood ng Survivor Philippines.

Manonood ng PBB.



Manonood ng Porn.

Magbabate.

Tutulog.

End.

November 21, 2011

Parang Kelan Lang


Parang kelan lang ako ang laman ng puso nya. Ako ang lahat lahat...

Parang kelan lang hindi lumilipas ang araw na di niya ako nasasabihan ng aylabyu. Hindi kumpleto ang araw nya kapag hindi nya naibahagi sa akin kung pano lumipas ang maghapon nya sa trabaho, kung ano ang nakakatawa at nakakainis na nangyari sa knya sa nagdaang araw.

Parang kelan lang halos maubos ang load ko kakareply sa mga text nya. Halos mapuyat ako makausap at maka chat man lang siya kahit sandaling oras. Halos maubos ang natitira kong allowance pang date, pang panood ng sine, at kain sa labas.

Nakakamiss yun mga sandaling nayayaya ko siya kahit ayaw nya sa sineng palabas tuwing huwebes...pero wala siyang choice kundi samahan ako kasi di nya kayang tiisin na manood ako mag isa at mukhang loser :-)

Halos maubusan na ng alibi sa kapatid or nanay ko makasama lang siya sa malayong lugar sa buong maghapon o kaya naman ay 12hrs na mag check in sa SOGO kapag kapos sa budget hehe.

Halos tiiisin na wag sumabay sa mga napapanood na porno sa internet kahit hirap na hirap na para makapag-save ng sperm at ng sa gayun ay madaming maiulan sa mga dibdib mo... LOL

Nami-miss ko yun mga araw na halos hilahin ko ang araw makauwi lang at makasama agad siya. Parang kelan lang ako ang laman ng puso nya. Parang kelan lang ako ang lahat-lahat sa kanya.

Nakakalungkot lang na ngayon....lampas-lampasan na siya tumingin. Di na nya ko nakikita. Di na mahalaga. Isa na lamang alaala.


Dahil ang katotohanan:



Di na nya ko kailangan :-(


Wala lang. Idagdag nalang ito sa listahan ng pag iinarte ko haha.

Dito kasi sa apat na sulok ng kwarto ko sa gitnang silangan, ngayong araw ng pahinga, parang kay sarap mag inarte lang, ganyan...

Parang kay sarap lang kasing alalahanin na may halaga ka sa isang tao bukod sa pamilya mo. Gusto ko ulit mabuhay para sa isang tao. Gusto ko ulit madama na kung pano maging masaya at excited araw araw kada gising na iniisip na malapit na kong umuwi at andun SIYA at nag iintay sa muli kong pagbabalik...

come over and have coffee with me haha. Panawagan ba itetch?


Pero ganun talaga, the right person will come at the right time. Sabi ng gasgas na kasabihan na ewan kung sinong hinayupak ang nagpauso! chos

Ampalaya!


November 16, 2011

Life Changing Moment



I have the same routine everyday.

I go to work. I go home.

Sometimes we go out.

Then same routine again.

Yesterday night, I was out from work at 10pm. Our driver drove me home and I went to the elevator. I opened the lights of my big empty flat. I'm living alone on this 3 bedroom flat since September when my housemate had his ten days vacation to the Philippines and didn't come back.

So literally, this is my house LOL!

I already have a simple plan that night, I will eat something light, open my mails then hit the bed early! But after eating, my brain signals my rectum to run to the comfort room and hurry LOL!

What a relief! I said when I'm done. Then I rotate my doorknob to get out. It didn't open. I pulled it...still not opening... What the fuck is wrong? Why it won't open...I was thinking... maybe I pushed the door too hard when I came in?

I tried it again, still not happening! I used the keys, but it was not lock at all. I tried it again, I know it will open... I'm telling to my self...be positive, right?!

I'm starting to panic...

Door...please open....I whispered.

Still not opening....

Then, I gave up! That's it!

I have to admit it:

I'm trapped inside!

Waaaaaaaaaaa!!!!

I'm alone in the house! No housemate! I was on the top floor! on the 6th by the way! My next neighbour is on the fifth floor! My phone is on my bed! I have nothing useful to open the freakin' door!

What shall I do?????

So I started breaking the doorknob thinking if I break it, the door will open. But it gotten much worst! LOL. Turned out I made it much more impossible to open without the doorknob! Toinks!

I used the door keys to cut the wood and reach for the metal that's holding the door to close. But it doesn't help in any way. It will only take me many hours to finish it if I continue that. And besides its silly!!!

I'm perspiring all over. I searched the bathroom for any thing that will aide me in destroying whats remaining of the doorknob. But there's nothing huhu.

Shall I shout for help?

But I don't hear my neighbor from below me. Usually I hear them talking on their bathroom windows below mine. But I'm thinking, if I shout for help, and if they heard me, they wont be able to help me right away!

They need keys to the main door! and another set of keys to my room! (because I locked my room door too!) The only people who has copies are the personnel department! which is located at the hospital!

Waaaaaa!

They need to break in and destroy my door to get to me! I don't want that to happen! I know if they break my door, it will take them many days to rebuild it! I won't have a door for the next days!!! That would be terrible!

I looked outside from my window, the rooftop is too high if I climbed it.( Ano ko, si spidergay?) But what will happen if I'm able to get to the rooftop from the window? but the doors on the stairs are closed there! I will shout from the rooftop?

But that's nuts!

Unglamorous!

Di ko bet!!!Imagine, baklang nagsisigaw sa rooftop?! hindi kaya ng pride ko!

But just thinking I will shout: Help! Help! from my window or up there is giving me chills!

Its so Ka-Ka!

KAKAHIYA!

LOL

Erase that thought!!!Eraseeeee!!!

I wanna cry...I'm so helpless...I don't know what to do....

I tried to put back the doorknob that I just pulled on the door. Useless. I was promising a lot of good things to do as soon as I get out of here! Some good deeds!

This event is life changing, you know! Mag iisip ka talagang magpakabait na! LOL

I finally used the floor mop handle and pushed hard on the place of the broken doorknob!

To my surprised...

It opened!!!!!
That's so unexpected!!

I was so happy! I thanked God!

I checked the time, and I was trapped inside for more than 3o minutes!

Hudas na pinto! hayop ka! Makakaganti din ako sayo!LOL




This is a re-post from January 2010.

November 12, 2011

Broken


I made a mistake and we broke up. I asked for his forgiveness. I literally begged for him to take me back...I was like crazy piece of shit. No pride. Nothing.

Looking back, I realized how silly and how pathetic he might think of me then.

He said that its my fault and that I should suffer the consequences. I was so heart broken and all I did was blaming myself.

I didn't realize that it would come to this point. A break up.

Another break up, I said to myself. But no matter how many times I've been in this position, why does it always have to be so fucking painful?

I've been with too many guys before and yet the pain was all the same when we're breaking up! Fucking heart! fucking emotions! Fucking love!

Andali ko kasi ma-inlove! Something is wrong with me. I guess.

We were just doing fine before. We're happy. Everything's going smoothly. Why can't it be back to the way they were?

Nothing lasts forever, they say.

True.

Two weeks later, I received a message from him telling he'd come over to our house. I was so glad when I realized whats goin on...Maybe, just maybe...he forgave me afterall! That he still loves me after all!

When he arrived, he's as cold as ice. He hardly talked to me. As if nothing changes. Was he still mad at me? But why is he here?

I wanted to talk. I wanted to explain. I wanted us to be "us" again.

Instead, He pulled me up from the couch and took me to my room. He undressed himself and lay down on my bed. He's like a God looking straight at me. I was just staring at him.

Damn, how i missed you. I whispered to myself.

Come. Take your clothes off. He said.

I did and joined him in the bed. His lips are tight. Not saying anything. He pushed my head down on his chest...on his abdomen...on his manhood.

He moaned with pleasures...I did everything...I wanted to make up for everything....He's my God and I am his slave.

I love this guy and I want him to forgive me. I want him to take me back. He's here and it made me real happy.

But am I really happy?

I was on top of him and I'm about to kiss him when he moved away his lips. Pushing my face away...

No, no kissing. He said.

Pain rushed through my face down to my chest and ended inside my heart. Slicing my heart. I felt it bleed.

We could have sex, but no kissing. Is that it? I said.

Let's just get over this ok? he answered.

And in seconds he shifted our positions and he was on top of me. Sliding himself inside of me. Pushing. Rushing. In ravage. A dance that we used to dance. A kind of dance that I don't know how anymore.

A dance to inflict pain. A dance to punish.

In minutes later, he was gasping, heavily breathing. He was finished.

And all this time all I did was just stared at him. His lovely face. His tightly sealed lips. His burning eyes.

I wanna touched them. I wanna remove all the anger, all those mixed emotions I've seen in his eyes. Did I turned him into something so evil?

But, I love him so much...I asked for his forgiveness...am I not worth forgiving? Did he stop loving me already?

I was still on the bed looking blankly at him when he started wearing his clothes again on the floor.

Tears fell down on my eyes when I've heard the door closes. He left. He's done with my punishment. He's done with breaking my heart once again.

Two days later and the same thing happened. He texted me. He arrived. He took me to my room. He undressed himself. He fucked. He came. He left.

He didn't even look at me. He didn't even bother talking to me. He avoided my lips again.

I was just an outlet. I was just a fucking shit to him. A fucking machine. When he felt like fucking, he's turned on and off. I felt like a whore.

But why do I still love him? Why do I still wish he'd come back to me and all of this shall pass.

But that's the last time I've seen him. He never called. Never texted me. Never came back. Maybe he got tired of punishing me.

I never thought a loving guy that I love is capable of this. He was so gentle and caring...

And I looked at the mirror and seen my reflection...I never thought I would look like this. Empty.

I was literally thrown into the floor in pieces. I've never seen or knew pain this much. Pain became my boarder. He became my companion. He lives inside me for a long time.

And this is me in the mirror.


Broken.







To Mark. Thank you for introducing me to Mr. Pain hehehe. For the greatest pain I've received 6 years ago, Thank you for making me stronger. You made me realized, how much I could love a person so deeply that it hurts. I didn't know I'm capable of that. Wow. And I forgave you since. That's how I moved on. I forgave you.

How are you by the way? Hope you're alright. If not, good for you! chos! Ampalaya pa din pala?LOL


November 8, 2011

Pwde Bang Mamatay Na Lang?! Now Na! LOL


Dumating na ba kayo sa puntong gusto nyong saktan ang isang kaibigan?

Yung iduldol ang pagmumukha niya sa maligasgas na pader at saka balatan gamit ang mapurol at kinakalawang na kutsilyo at saka tadtadin ng pinong pino? o kaya naman e tapyasin ang mga labi niya at iprito sa asido at saka tahiin ang bibig niya gamit ang barbed wire?

O kaya patayin na lang para may katarungan?!

Ako, Oong-Oo!!!

Nag umpisa ang lahat sa isang party. Birthday ni Rod. Kasamahan namin sa work. Imbitado ang lahat sa department namin at sa department ng asawa niya which is Nursing service. Kabilang sa Nursing Service ang mga cutie na sina Vanz at Hardy.

Sa kanilang dalawa super crush ko si Hardy. Moreno. Lalaking lalaki ang dating. Mahiyain. Parang torpe. Parang nerd. Parang malibog! LOL

Ganun ang mga trip ko! Yun nga lang di ako sure kung bading ba siya or straight. Failed ang gaydar ko sa knya.

Crush ko din nun una si Vanz, pero hindi as in. Slight-slight lang. Yun tipong di ako ganun kikiligin sa knya. Pampalipas ko lang siya ng oras kapag wala ng ibang cute na nurse sa paligid, ganun lang! haha

Alam ng mga kaibigan ko yun sa department namin. Pero hindi ng ibang area.

Duty ako kaya naman sa kasamaang palad e hindi ako nakasama. Ganda! Pero ang mga kaibigan ko ay available. Nagbiro pa ako kay Aimee na bantayan si Hardy. Kapag may aali-aligid e singitan niya agad para di makaporma ang mga gurlalu at boylalu!

Updated ako sa Blackberry Messenger. Nagsesend ng pictures ang friend ko. Sasaya nila. May pictures pa nga siyang sinend kasama si Vanz at si Hardy! At kayakap niya ng mahigpit si Hardy! Inaasar niya ko. Na sinasakyan ko naman kunyari selos ako ek ek.

Hanggang sa mag stop na ang mga updates. Lasing na ata ang mga hitad, sa isip isip ko.


Kinabukasan, nakarating sa akin ang masaklap na balita!


Lasing na ang lahat. Lalo na ang friend kong si Aimee at nakadaldalan at nakalandian niya si Vanz na lasing na din. Inilalakad pala niya ko kay Vanz nun mga oras na yun at sinabi na gustong gusto ko siya. Na kung maari ay bigyan ako ng chance at kung ano ano pang mga bagay na out of my hands na!

Gulat na gulat si Vanz sa nalaman niya. Hindi siya makapaniwala. "Ganun?! Si kuya Mac? isang beses palang kami nag usap a...crush agad niya ko!"

Dahil pareho nang lasing at maingay na nagtatawanan, nakakatawag na sila ng atensyon ng ibang mga bisita.

Narinig ng halos lahat ang mga sinabi ni Vanz. Tinatakpan ni Aimee ang bibig ni Vanz at sinasabing wag siya maingay!

Pero ayaw magpaawat ni Vanz dahil lasing, maharot na siya. Akala nya ayos lang ang lahat! Saka niya sinabi ang linyang naging imortal na sa pandinig ng lahat ng bisita:



"Hindi ko siya TYPEEEEEEEEE!"





Juice ko po!



Yan ang reaksyon ko with matching nganga sabay takip ng bibig nun magkita-kita kami ng mga tao sa department namin at makarating sa akin ang saksakan nang pleasant na balita at ang buong pangyayari nun party na halos mamatay ako sa hiya at gusto ko na lamunin ako ng lupa ng mga oras na yun.


This can't be happening!


Doble doble ang kahihiyang inabot ko!

Una, ay ang idaldal ni Aimee kay Vanz mismo na crush ko siya, na supposed to be ay lihim lang sa amin! at ang funny part pa e dapat kay Hardy niya ginawa ang paglalakad sakin in the first place na mali pa din dahil hindi naman ako nagpapalakad!!!!

At ang pangalawa, ay ang ipagdukdukan sa mukha ko at malaman ng buong bayan ang isang masaklap na katotohan na crush ko si Vanz ...at hindi pala niya ko type! Toink!

Durog!

Warat!

Jusko ate charo!

Naging tampulan ako ng tukso ng mga lalakeng colleague ko na puro sira ulo pa naman!

"wala, laos ka Mac, hindi ka type! wala ka!"

Ang jukit-jukit sa Pride-Chicken ko! shet lang! taena!

Damang dama ko! wagas na wagas...rejected ako kahit wala naman ako ganun feelings kay Vanz!

Sira ulo kasi tong si Aimee! san ba niya nakuha yun idea na si Vanz ang gustong gusto ko? Tutulong din lang siya sa maling tao pa!

Sa maling tao pa!!! repeat 10x!

LOL!

Ang sarap sarap niya tirisin nung mga sandaling yun! Todo apologized naman siya sa akin. As in super sorry siya. Sinumpa pa niya na hinding hindi na daw siya iinom.

Neknek niya!

Echosera siya!

Kesyo usapang lasing daw yun at malamang wala din daw naalala si Vanz.

E siya nga naalala nya e! e di naalala din ni Vanz!!!

Letse!



Nun magkasabay kami ni Vanz ng duty one day, jusko halatang halatang naiilang siya! Hindi makatingin sa akin!

Obviously, naalala niya ang masaklap na katotohanan!




Please kill me now!!!





Tapos mumultuhin ko ang talipandas na kaibigan kong si Aimee hanggang sa bangungutin ang hitad! LOL

November 4, 2011

Krimen Kay Tony


"Uy Mac nasa ER yun friend mo na si Tony a, may umatake daw na ibang lahi!" napa-ha lang ako at napanganga ata nun sinabi sa akin yun nun isa kong kasamahan.

Friend ko si Tony pero hindi sobrang close na magkukuwento siya sa akin ng lovelife nya or mga bagay bagay na masyadong personal. Masaya siya kasama at nag eenjoy kami sa company ng isa't isa. Isa siyang kaibigan para sa akin. Pareho kaming nag wowork sa iisang hospital. Nurse siya.

Mababakas sa mukha niya ang exhaustion nun makita ko siya. Nakabenda na ang mga sugat na tinamo nya.

Sabi niya, may nag doorbell daw sa flat nila at nagkataon naman na siya lang ang tao nun gabing yun, nang binuksan daw niya ang pintuan ay tumambad sa knya ang isang estranghero na tingin niya ay pakistani ang lahi.

Nagpupumilit umano ito na bigyan niya ng pera. Sinabi daw nya na wala at lumabas na lang. Pero matigas daw ang estranghero at naglabas ng kutsilyo.

Isasaksak daw sa knya yun patalim kaya naman sinalag niya ng mga braso niya. Takot na takot na daw siya nun mga oras na yun kaya nag sisigaw siya ng nag sisigaw! Pero wala dumarating...

Dahil na rin siguro sa adrenaline rush kaya naman kahit bading ay nagawa niyang manlaban sa malaking lalaki na umaatake sa knya.

Nagpambuno umano sila sa living room...Duguan na mga braso at kamay niya nun sa wakas ay may dumating para sumaklolo...

Sa takot daw nun pakistani ay nagmamadali itong tumakbo palabas at tumakas. Hindi na nahuli pa hanggang ngayon.

Nakakatakot ang pangyayaring ito kay Tony. To think na nasa loob siya ng accommodation ng hospital. To think na nasa bansang zero ang crime rate kami. Sa bansang takot ang mga tao na gumawa ng masama.

Isa itong realization sa aming lahat. Hindi pala kami ligtas afterall. Akala namin sobrang ganda ng security na tinatamasa namin lahat lalo't mayaman ang bansang ito, at higit sa lahat mayaman ang hospital employer namin. Sikat at may reputasyon. Sabihin lang namin ang pangalan ng ospital, mapapa bilib na agad sila.

Pero bakit nangyari pa din ito? nakaka disappoint. Lesson learned din ito sa amin. Wag basta basta mag bubukas ng puntuan lalo't wala naman ini-expect na bisita. Mag mimiskol or tatawag naman yun kung sinuman ang nasa pintuan a sabi namin.

Pinauwi na din si Tony pagkatapos gamutin ang mga sugat niya at makuha ng mga pulis ang statement niya.

Isang taon na ang nakalipas at naka move on na ang lahat...

Pero kagabi lang...naka received ako ng tawag sa isa na naman na kasamahan sa ER na andun na naman daw si Tony... duguan ang ulo dahil may pumalo daw... may bone fracture din siya at bugbog ang katawan.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kasama ko lang siya last time sa mall at masaya nya ko sinamahan bumili ng ref at pabango. Nag papalitan sa isip ko ang itsura ng masayahing Tony at ang duguan niyang katawan...

Grabe ang nangyaring ito this time. Wala pa ako idea kung sino at bakit may gumawa sa knya nito. Naka-admit na daw siya sa high defendency unit sa kabilang ospital at nagpapahinga.

Nagwo-worry kaming mga kaibigan niya kung bakit malimit siya masangkot sa mga ganitong insidente. Mga tanung na gusto namin masagot. Booking ba niya ang may gawa nun? kasi sa bahay daw nangyari muli ang pag atake kay Tony, yun unang insidente sa knya na nasugatan ang mga braso nya, dati kaya niyang booking din yun at binalikan lang siya for extra cash? O biktima ba siya ng hate crime?

Nag uuwi ba siya ng ibang lahi sa bahay niya? dahil kung totoo ang mga tanung na ito, kelangan na niya mag take ng extra ingat kasi delikado talaga ang ibang lahi...this have to stop....Pero hindi ko kayang itanung sa knya ang mga yun. Basta ang tangi lang namin magagawa ay ang pagpayuhan siya na mag ingat.

As of now I'm praying for his speedy recovery. At sana mahuli ang gumawa ng kahayupang ito sa knya.


At sana lang maging ligtas ang mundo para sa ating mga bading...everyone deserves a peace and loving environment.