February 28, 2011

Sa Wakas I'm Back!

I just got back on my 4 days trip from London, (taena sa lamig!) well, its not actually a vacation, its work, we brought a patient there for a procedure and left her there as soon as we endorsed everything to the staffs and doctors.

We've spent the next 3 days on touring the city of london as much as we could. Gonna be blogging about it soon or maybe tomorrow. I just got here on my flat and Im too tired and sleepy. Nagparamdam lang ako ng konti sa nyo haha.

Just to let you guys know that I'm still alive and back--la! LOL

February 23, 2011

Yukey


Tomorrow is my flight going to London, ( Feb 24) I am excited and nervous at the same time. I'm trying my best not to show any doubt on my capacity as a professional heath care provider, for my superiors will lose their confidence on me. I know I can do it. Its just that it is my first time and I know this is normal.

I will be escorting a pre-termed baby for a procedure to be done at a children hospital in central London. I will be traveling with one doctor and one nurse (ate eliza, which made me so happy because its much better goin with your fellow kabayan, mas masaya). It is my first trip to UK.

There's a reason for my anxiety. Too many things might happen when you're up there in the sky. Patient might deteriorate or worst, die. Its a bad record! or baka di ako bayaran LOL

And preparing your papers are stressful too, I also have to prepare all of my equipments and other stuffs. These things are not easy. Andami gagawin at papipirmahan! Grrrrrr!

Nakaka-toxic taena!

Pero ang pinaka nakaka-toxic ever e ang mag isip ng outfit sa 13 and below degrees na weather!

Thank God that I managed to do all of that, I hoped so! Wala na sana ako nakalimutan!

We will be staying in London for 4 days, all expense paid by our hospital by the way, well, actually its for 3 days only, because on the first day of arrival we would bring the patient first to the children hospital and do the proper endorsement and etc., then our service will bring us to our hotel, and Im planning to sleep first! LOL

On the second day, and the next and the next blah-blah-ba-blah we would be exploring the whole of London! yes!!! Shopping! pork! parks! castles! and....men!!!!!!!!!!!!!!!!!

I'm so excited! sana magkasya pocket money ko! So any of my reader in London would like to give me a tour? I might get lost there hahaha! It would be very much appreciated.

See you there!

February 22, 2011

Ah Ganun Pala Yun!

Bago pa dumating ang pasyente sa trauma room ng emergency room, nakahanda na kami, naitawag na ito 15 minutes palang ng ambulance team. Naka ready na aketch. You know, gowns and everything....

ay hindi yan!


ito ang sinasabi ko LOL!

Kasi alam ng lahat na kapag trauma code, lalo na pag aksidente sa daan, expect mo na, na madugo, malansa, mabaho, mabantot, maanta, mabaho, ay nasabi ko na pala un! in other words, madudumihan ka, e sayang naman ang ganda kung matatalsikan ka ng kung anik anik na galing sa pasyente da bah. :-)

Nagbiburuan pa kami ng mga nurses habang mega wait, isa sa mga yun si julius na taga davao may strong bisaya accent, aliw na aliw ako sa knya. My asawa at anak pero....wag kayo maingay, tingin ko bading siya! LOL. halos masira ang gaydar ko sa pag fluctuate e!

Tapos ayun dumating na ang isa, duguan, pero di pa daw ito un inaantay namin na team, e si Julius bilang nurse in charge, nagmamaganda , lumapit at mega interview sa pasyente:

"Whats your name brother? Do you have an ID?"

"yes, its in pocket" sagot nun biktima na mukhang palestinian

"ay potah!ang ang baho ng hininga nito, taena..."

sabay talikod ng Julius na ang mukha e matatawa ka sa pagka imbyerna! E nakatungo pa siya sa mukha ng patient habang tinatanung. Langhap na langhap niya! Pinigil ko na lang mababunghalit ng tawa kasi baka mapagalitan ako ng team leader na nerbiyoso!

Dumating ulit un iba, binibilang ko, unti unti napupuno ang room, maya maya lima na! Andami naman involved sa aksidenteng to!

Sabi ni cute na pinoy na kasama sa ambulance, nag karambola daw yun mga sasakyan kaya madami involved. Sabi ko: "ah ganun ba..." tumango tango pa ko, pagtalikod ni kabayan, sabi ko sa katabi ko: "ano ba yun karambola?" LOL!

Maya-maya dumating na ang main event! dala ng mga canadian! malala nga ang itsura ng patient hmpf! Toxic na naman ako nito sa isip isip ko!

Ang galing galing nun leader...habang tinatransfer nila un patient sa bed namin, nag eendorse siya with his super slang canadian accent ha, di ko nga maintindihan e! as in ang galing! saulado niya lahat ng ginawa at ibinigay nila with matching time ha!

Pagkalipas ng 30 minutes na stabilized na namin yun biktima, naibigay na mga gamot, nabutas na ng mga manggamot ang kabila niyang baga at nilagyan ng tubo, nasaksakan na din namin siya ng tubo sa ilong, sa bibig, at naikabit na sa monitor and machines.

Monitoring nalang ang ginagawa ko. So, nakahinga na kami ng maluwag. Sabi ko sa katabi ko na pinoy nurse,

"ate ano bang lahi to?"

"di ko din alam, unknown pa din siya till now, la makita ID"

"ah ganun ba, mukhang indian e..."

"hindi, parang somalian..."

"baka iranian..." sabat nun isa pa

Narinig ni Julius ang huntahan namin. Lumapit siya at sinabi:

"isa lang ang paraan para malaman natin ang nationality nito..."

"paano?" sabay sabay namin tanung.

" sa tite...tignan nyo sa tite..." seryosong sagot nya

Muntik na ko mapatambling sa sinabi nya! hahaha! kaloka! dahan dahan siya lumapit sa patient at pasimple sinilip, inalis niya ang kumot na nakataklob sa walang kamalay malay nilalang na ito! Mega abang naman kami sa makikita...chos!

Nun tuluyan na ma expose ang nakatagong laman na ito, bumungad saming mga mata ang maitim, mejo mataba taba na pag aari...ineksamin ang cut and itsura...

"ah, tuli siya...(isa pa ulit niyang tingin) ah, malamang egyptian..." pag kumpirma ni Julius:The Great!

Paglipas ng ilang sandali, nun may dumating na mga kasamahan, napag alaman namin na...tama nga siya!

Egyptian nga!

February 16, 2011

Here I Go Again!


After seeing him a few times, exchanging short conversations while at work, I just couldn't!!! I tried to ignore the thoughts of him... but he kept on going inside my mind...I just cant stop thinking about him...

This is bad...really bad.

I think I'm falling!!!
catch me! catch me! *pa-cute lang*

Here I go again, I whispered to myself. In my mind, I always have this advance scenario whenever I like someone, how this guy could make me happy...how we could be together, having dinners, watching movies... how he could kiss me goodnight, how he could make me smile, how he could be a good and loving boyfriend to me...I imagine things so early! I'm always like this!!! Grrrr! I hate my self!

I don't wanna feel disappointed in the end if he won't like me. Pag na-basted ako alam nyo na. But my f*ckin heart and mind always makes me wanna hope! Hoping too hard and dreaming too much!

Hayyyyy.... R.A., bakit ang cute mo...

I don't know if he noticed that I'm taking extra time talking to him, asking him some silly questions or spending too much time on his patient just to have an excuse of being with him!

Today, I didn't see him at work, I asked his colleagues and told me he's on day off, I kinda missed him. La tuloy ako gana mag work...(nag iinarte...)

I sneaked out on their station and looked for his schedule for the whole week...and yeah! We both have the same shift starting tomorrow...*evil grin*


Me at the house of my friend's daughter birthday party. We had shots of tequila after eating. Buti na keri kong uminom haha!

February 14, 2011

V-Day, So What!

Bitter-bitter-an? oo nah! ampalaya na ko! Choz!


February 14, valentines day. I'm on a day off, not that I planned it. It just happened. Thanks to our secretary!!!

I jokingly invited R (come, I'll whisper it on your ears, he's a new nerdy gay nurse that I like so much, but don't tell anyone,OK? *hihihi*) on a group date but refused. Well, he thought I might be joking. Its my fault I know. :-)

My plan for today?

Gonna stay home. Mag eermitanyo at mag mu-mukmok

Sleep as long as I could. hanggang mamaga mata

Eat my junk foods, hanggang sa lumungad

watch The Tudors season 1 and 2,

download tons of porn,

and

wank later.
hanggang dugo na lumabas. LOL!

F*ck!!! It sucks to be single on valentines day!

Anyhoo, have a happy hearts day everyone!

February 11, 2011

Tayo Nalang Kasi Ulit


Had an interesting conversation with my ex bf Brian last time on yahoo messenger. When I saw him online I immediately sent a message and said:

"Hi bhe...kakauwi ko lang..."

"Kumain ka na?" he asked

"Di pa, wala pa makain e, sana dito ka to cook for me"

"Bili ka nalang hehe"

"Ganda mo dun sa pic mo sa FB, nainlove na naman ako..." I teased

"OO naman! kumpara mo sa ex mo! LOL. Umamin ka na kasi! " he said confidently
(I was laughing when I read that!)

"ke-kapal mo!haha. Wag ka na lalandi jan ha, akin ka na ulit..."

"Hmp, di mo kaya ako pinapansin nun nasa pinas ka! Ayan napala mo ngayon!" he added.

"Tanga! Ikaw kaya di nasagot sa mga messages ko." I accused

"Tanga ka! Alangan naman ipagsisiksikan ko sarili ko sayo!"

"Pag uwi ko sa June, i-date kita..." I promised.

"Naku, alam mo mas ok na tayo ng ganito. Pag naging tayo ulit, baka magkasira lang ulit tayo...'"

"E magtino ka kasi! Ikaw sumira sa relasyon kaya natin!" I laughed!

'"Hoy! hindi kaya! at saka Ok na tayo ng ganito tanga!"

"Ayaw!!! gusto ko akin ka ulit!" I insisted hehe.

"magtigil ka! Manlalaki ka lang!" he said which made me laughed too loud on an early morning!

"ako kaya pinaka-faithful na lalake sa mundo na nakikilala mo... :-)"

"naku ha! lokohin mo lang ako!"

"dali na tayo na ulit kasi..."

"maglalandi ka lang kaya jan noh pag naging tayo!"

"hoy hindi kaya! single ako kaya ok lang pero pag jowa na kita, syempre super seryoso na ko nun hehehe"

It was pleasant talking to him again. We remained friends after some time when we broke up for like 3 years ago. He celebrated his birthday last Feb 6, and napa-tambling ako sa message sa kanya ng sister ko sa facebook page niya:

To my ex-brother-in-law...have a happy happy birthday! hehehe. wish you all happiness...

Jusko ang kapatid ko umaariba sa pag-memessage! homaygad!

February 8, 2011

Its Cold Outside


Its past midnight here and its really cold outside. I am sitting in my couch and listening to the sound of silence. Its really quiet tonight.

I didn't realize that I'm that lonely till now. Its been two months since I broke up with my last boyfriend. I didn't have time to mourn on that another failed relationship, I was so damn busy that I didn't have time to get the feeling of regret of losing him.

Next thing I knew, I already moved on and there's no pain left to remember. I couldn't even care to think. Being too f*ckin' busy was one hell of a great way to move on! LOL

And yeah, another failed relationship. I know.

Hay, what else is new right? If you were a follower of my blog you might have been thinking..."Mac really sucks on having a relationship longer than 4 months!" How many guys I've dated and broke up in the end. This blog is my witness on all of that.

Maybe its me. Yeah, I think maybe its me.

Did I give too much that I suffocated them? Or they just didn't love me like the way I thought they did?

All I wanna do is to love someone...

To give love and to experience love. I want to have that feeling of being cared for. That feeling of being significant. I want to live again.

I missed those hugs and kisses and sweet words and romance...

Many times I loved. Being loved...and ends up disappointed. Hurt. And lost. Whats keeping "it" to find me. I've been waiting and ready for a long time...

But no matter how many times I get down and hurt by this thing called love, I would never give up on LOVE. Its one of the greatest feelings in the world. Do you agree? hehehe.

Damn, this cold weather's making me lonely.

Goodnight everyone... :-(

February 7, 2011

Pagtangis


Katatapos lang ng code namin, namatay yun matandang pasyente pagkatapos subukan i-revive for an hour. Nakakapagod pero keri lang, trabaho naman yun e. Naghugas na ko ng kamay at nagpahid gamit ang panyo ng nagmantikang mukha sa katoxic-an ko kanina.

Hay salamat, makakaupo na ulit...sabi ko sa sarili ko. Pumuwesto ako sa silya namin sa cardiac room-station sa Emergency room. Dito ako naka assign ngayon. Isa to sa mga paborito kong area. Andami kasing cute na nurses dito... na paminta! LOL!

Binubuklat buklat ko yun librong inumpisahan kong basahin bago magkanda busy-busy kanina. Nagsisimula na ko mag enjoy ng napatingin ako sa entrance ng room namin...

parang slow motion ang lahat sa akin... parang bumagal ang lahat, parang walang sound na marinig...

Nakatingin ang iba habang ang iba naman ay abala sa knya kanyang pasyente...kakaiba itong isang ito, ngayon ko lang nakita ang ganitong senaryo sa ER.

Humahangos na tumatakbo ang isang lalakeng arabo...

Wala siyang suot na pang itaas at nakapaa lamang...

Binabaybay nya ang kahabaan ng bay 1. Parang eksena sa pelikula.

Nasa mga bisig niya ang sanggol na hindi namin alam ang nangyari...

Sumisigaw siya. Help! Please help! help my child...

Nakatitig lang ako sa kanya habang palapit siya sa aming area

Kitang kita ko ang pag alala sa knyang mukha, isang wangis ng amang natatakot para sa kahihitnatnan ng kanyang anak....

Itunuro sa knya ng nurse na dun sa bakanteng kama sa kaliwa dalhin ang sanggol. Dun palang ako parang natauhan, dali dali akong tumayo at agad na tinignan ang pasyente. Nagkagulo na naman ang tahimik na kwarto, napaka unpredictable talaga ng ER kahit kelan, one minute halos para itong library sa tahimik, one minute para na naman itong palengke.

At ito ang gusto ko, magulo, palengke, sigawan, batuhan, talsikan!!

Pumuwesto ako sa dapat na puwestuhan ko, bilang therapist, alam na ng lahat yun, kasama ang partner ko'ng anesthetist, dun kami sa unahan para mag provide ng unang lunas, ang bigyan ng daan ang hangin sa baga ng pasyente.

Hindi na siya humihinga, inabot sakin ng nurse ang bag valve mask para pansamantalang tumulong huminga sa pasyente. Pero masyadong malaki ito sa para sa knya.

Please give me a neonatal size bag, sister this is too big hurry up, sabi ko.

Wala silang makitang size, antagal maghanap, taena! ako na hahanap, sabi ko sa sarili ko, ipinasa ko sa isa pang nurse ang ginagawa ko at pumunta sa drawer namin. Nakita ko naman agad muntik na akong matumba pagkatapos magkabanggaan ng isa pang nurse.

Nagsuction ako sa bibig ng sanggol, madaming gatas akong nakuha. Aspiration ang kaso. Napunta sa baga ang gatas na ininum nya hanggang sa malunod siya at hindi na makahinga.

Lahat mabilis ang kilos, halos maitim na ang sanggol. Kanya kanya kami ng ginagawa. May nag si-CPR, at may nagkakabit ng suwero sa magkabilang braso, at kami sa bandang ulunan, pinipilit bigyan ng daan ang papasukan ng hangin na siyang hihinga sa knya.

Di maka insert ng tube sa baga ang doctor ko, mahirap. Ako ang nag aasist sa knya, Ilang beses siyang nag try. Pero wala pa din. Nagpatawag ng pedia doctor. Pero sa isip, wala na, di na aabot, huli na para sa anghel na ito.

Napatingin ako sa paligid ko, andami namin, sampu ata kami dun, na bawat isa may role na ginagampanan, bukod ang mga usisero, pero kung iisipin mo, andaming tao na nagpapakahirap mailigtas at maitawid lang sa panganib ang buhay ng isang tao. Nakakataba ng puso minsan, na parte ako ng team na ito.

Tumulong na ako sa pag CPR sa isang buwan na sanggol na ito,pagod at masakit na kamay ng mga doctor, halata ko. Pero wala na, maitim na mga extremities at ulo ng baby...pagkalipas ng isang oras, umiling na ang doctor, wala na daw.

Time of death 5:16 pm.

Tinanggal ko na ang oxygen at hinugot ang tubo na ikinabit namin sa bibig nya. Lumayo na ako sa stretcher at nakita ko ang ina at ama ng sanggol na kanina lamang ay sinubukan namin ibalik ang buhay.

Napuno ng malalakas na iyak ang buong kwarto.Pagtangis ng inang hindi matanggap ang pagkawala ng munti niyang anghel.

Nakakaantig ang pag iyak nila. Unang anak pala nila ito. Ininimagine ko ang nararamdaman nun tatay habang nagda drive siya kalong ang anak na hindi humihinga. Marahil sari saring emosyon at worries ang nasa kalooban nya habang nagmamadaling makarating sa ospital...

Ito ay kapabayaan ng magulang. Ito ay maiiwasan. Sana bantayan nila ang sanggol nila lagi, wag padedehin ng sobra sobra at laging mataas ang ulo habang dumedede sila. Maaaring nadaganan din nila ito habang katabi sa kama pagkatapos dumedede, madaming pwdeng maging dahilan.

Madami na daw ganitong kaso dito.

Nakakalungkot.

February 4, 2011

Break Out

Bullfrog glass

Last Saturday me and my friends went out partying at a popular local club in the city. Its our fave hang out place. After a few months we were finally able to go out and have fun. Work in the hospital is stressful and tiring, felt like we are machines that goes to sleep-work-eat-sleep and work again, arghhh! its an endless cycle!!!

We thought, at least once a month we'll find time to do this. You know, get drunk and dance all night!

And so we got drunk and danced all night indeed!!! LOL


I love the pinoy band playing that night. Well, I think majority of bands or entertainers at clubs and hotel lounges around this city are Filipinos. Iba talaga mga pinoy!

Anywayz, they're playing pop and rock music and we get to request our favorite songs in between! It was great! They sang our anthem Just the Way You Are after the paminta vocalist got our request written on a piece of tissue.

Sana pala dinugtungan ko ng "can I have your number? "LOL!

I ordered Bullfrog (a mixture of bacardi, vodka, tequila, blue curacao, gin and red bull creating a lovely blue colored liquid) from the lists of alcohols, one of the few that I can tolerate in terms of taste haha!

I'm not much of a drinker you know, I hate beer, its like its nothing, walang dating, walang tama! kaya mas ok pa ang hard liquor drinks for me! and besides, andun lang ako para sumayaw at magpa picture! LOL!

Before the clock hits 2:00 0'clock, we've decided to leave and have coffee at nearby Coffee Beanery branch. Some of my friends are a little tipsy and drank, so we need to drown them with caffeine this time! LOL!

Ihahatid pa nila ko noh! Di pwdeng mabangga!


Hay, bakit ang sarap gumimik ng ganito? haha. Kung pwde nga lang sana laging ganito e why not coconut! Kaso, may duty na naman at kelangan kumayod! Hmpf! Dyan na nga kayo! :-)

February 1, 2011

Korean Addiction!

Have you seen this guy? Did you watch his show?

Its Yoon Si Yoon a.k.a Kim Tak Gu!

I think Im inlove again! LOL! Call me jologs and names you could possibly think of, but I don't care hahaha, this guy Yoon Si Yoon, 25, hooked me up so badly that I don't wanna do anything else but to watch his show THE BAKER KING from Korea!!! I didn't blog at all, too lazy to write anything that even my friends were bugging me to make a follow up on my Ito Ang Simula series!


Synopsis - Kim Tak Goo is the eldest son of Goo In Jong, the president of Samhwa Enterprise, a legend in the baking industry. Although he is an extremely talented baker and seemed destined to succeed his father as president, Goo In Jong's family plotted to rob him of his inheritance because he was born to In Jong's mistress. Tak Goo's determination to become number one in the baking industry drives him to rebuild his career from scratch despite the many trials he faces.

I intend to finish this koreanovela for another 2 days! The tagalized version takes too long that I got so impatient and searched for the complete copies online and found it!

I just love this guy! He's so adorable and cuteeeee! And his acting and the series made me smile, giggle, cry and laugh and cry again!!! F*uck!!! I'm just so in love with him. Gusto ko na din ng korean boyfriend! basta kahit sinong singkit pwde na! LOL

I've read somewhere that he won best actor for his performance on this tv drama. See! He's not just a handsome face but talented too! (Para na ba kong teenager sa pagkukuwento?hahaha)

Here's some of his photos that I found on the web:






Watch The Baker King online here:

The Baker King--tagalized version from GMA 7

The Baker King--Korean copy with English subs

and also here .

Enjoy! Gonna go back watching!