January 12, 2018

Super Short Home Visit


       We escorted a patient in Bangkok thailand last January 3, after admitting him at a private hospital there for treatment i headed back to the airport and boarded philippine airlines going to Manila hehe.

Ginto presyo ng PAL by the way. Keri lang. Atleast makakauwi kahit 4 days lang.

Was able to see my family. Bonding kami. Especially my baby na si Dash. My siberian husky. Iniwan ko siya 8 months ago. 2 months old palang siya nun. Nagulat ako ang laki laki na nya jusko.


Sa mga pictures kasi na sinesend ng sis ko hindi ganon itsura nya chaka kasi magpic si sisterette. Nakakaaliw si Dash na sobranf excited the first time he saw me. Tumatalon talon pa!


Na drive ko ulet si Atom ko hehe. Kala ko limot ko na magmaneho e. Kaso ka haggard ang mga motorsiklo sa daan. After a while si mudra nalang ulet pinagmaneho ko. Baka makabangga lang ako ng motorcycle rider pag nainis ako. Lol


Siningit ko na rin sa sched ko yun magpa check up sa neurologist dahil sa chronic headache na nararamdaman ko. Natatakot kasi ako magaya kay Isabel G. As you all know sa amin siya na admit sa hospital sa Dowha.

Had my ct-scan with contrast. And thank God wala naman nakita sa results ng scan. Atleast may peace of mind na. Normal din Fasting blood sugar ko. Worried din kasi ako na baka diabetic na. Takaw kasi sa matamis.

Nagpa root canal na din ng 2 ngipin. Jusko ang gastos. Pautang guys. Charrrr.

Habang nasa short visit sa pinas ka chat ko lagi si boyfs. O diba kami pa din. Going on our 4th year this coming July 4.

I went back to bangkok after 4 days and boarded a flight back to Dowha. Need kasi balik ng bangkok otherwise magkaka problema ako sa HR dept namin haha. Haggard lang.

Anywayz, kahit bitin sa pinas, balik naman ako sa Mayo uno para maghanda na mag reyna elena. Charot.


January 6, 2016

New Year New Post. Bleh



Hi everyone!

Happy New Year na din :-)

Sorry ulit now lang nakapag update. Busy. Tinatamad. You know. LOL

Nakalimutin ko din pala mag post ng ika 7th year anniversary ng blog ko  nun August 2015, kainis na talaga ang katamaran.

Malapit na pala ulit bakasyon ko sa Pinas. Kaya eto excited na ako ulit, kita kits tayo diyan this January mga beks. Miss ko na kasi bahay ko kaya uwi ulit. Hindi pa din kasi tapos bahay ko may mga anik anik pa akong idadagdag, ayun, kaya more gastos, wala tuloy akong gala somewhere kaya bahay lang muna....At mas masaya kasi kasama ko si boyfs if walang maging problema.

Speaking of boyfs, we just celebrated our 18th monthsary last January 4, konting kembot pa maitatawid din ang ika second aniv namin. Record to mga beks!!! mukhang si boyfs na nga ang the one! LOL

Aba bakit naman hindi e siya lang tumagal sa akin ng taon haha alam nyo naman na 9 months lang ata pinaka matagal na relasyon ko sa buong 13 years kong pamamakla! LOL

Ang bait ni boyfs wala akong masabi. Kaya naniniwala talaga akong ang dapat na ka partner natin e yun ka opposite ng ugali natin. Kasi speaking thru my own experience, if kapareho ng ugali ko nako away lagi, hindi kami magkasundo.

Kaya kung madaldal ka ang partner mo dapat e un tahimik yun mapapanisan ng laway pag wala kumausap! charot!

O siya, yun na muna at ako e naka duty pa, next time ulit.

July 10, 2015

A Loving Year


How are you guys?

I'm back here in Dowha for a month na hihi now lang nakapag update. Nakakamiss ang pinas. I miss my house. My Mom, my family back home. Buti nalang anditey si JOWArski kundi todo homesick ako nito, atleast kasi nalilibang ako kasi kasama ko siya.

And speaking of my JOWArski, we just celebrated our First Anniversary last July 4!!! Whooohooohooo!!!!



First ko toh kaya nakaka happy haha First time ko kaya makapag celebrate ng Anniversary. Wala kasi akong tumatagal na relasyon noon, kaloka lang diba? Pinakamatagal ko e 9 months!

Kaya naman nag celebrate talaga kaming mag jusawa nun. We invited some close friends para makisalo sa aming achievement! OO achievement talaga! hihihi

Biro ko pa nga baka di na maulit kaya dapat ipag diwang na. Charrrr

Kaya sa aking Mahal na boyfriend, thank you.

Thank you for staying with me kahit andami kong flaws...lahat yun tinanggap mo at nilunok mo. chos

Thank you dahil mahal na mahal mo ako kahit lagi ako naka angil at nag tataray.

Thank you kasi lagi mo ko inaasikaso at inaalagaan...you always cook my fave food and always asking kung ano gusto ko kainin or ulamin... ikaw lang ang ganyan sa akin sa lahat ng naging jowa ko noon. Kaya nag iisa ka mahal ko.

Kaya Monchiko ang wish ko e sana nga ay di lumuwag ang turnilyo at helmet mo sa ulo gaya ng laging sabi ng mga kaibigan ko hahaha para di mo ko iwan.

Cheers to US!

To our more years together.

Happy Anniversary To Us ;-)